Chapter 5

3.9K 92 7
                                    

"Brats, mauna na ako sa inyo ha? Meron pa kaming meeting ng school council sa Admin bldg. Paguusapan namin yung darating na foundation day."paalam ni Saffi sa amin.

"Sige, gora ka lang girl. Bilisan mo na, your vice president is waiting." panunudyo ni Quincy.

Biglang sumimangot si Saffi. "Don't remind me. Ang lakas ng tama sa utak nun ni Neal eh, tumakbo ba naman bilang vice pres. Lakas ng topak. That jerk!"gigil na sagot ni Saffi.

Ang lakas ng tawa namin ni Raven. Nagmamadali nang umalis si Saffi. Pauwi na rin naman sila. Si Raven naman ay dadaan pa daw sa VIP room namin kasi may naiwan syang libro doon. Bigla namang tumunog ang cp ni Quincy. Tumawag ang daddy nya. Bumaling sya sa akin, "Zara, sorry I need to go. Di na kita masabayan sa paglabas. Nagaantay na ang kotse ni dad sa gate."

"It's ok brat. Go ahead." tumatango kong sagot.

"Alright, I owe you one." sagot ni Quincy, at nagmamadali nang umalis.

Tahimik akong naglalakad palabas ng school, nasa parking na ako at malapit na sa gate nung napansin ko si Duke na nakasandal sa kotse nya at matiim ang titig sa akin. Literal akong napanganga. Oh I've never seen a guy this gorgeous. He's wearing ripped jeans and v-neck white shirt that's hugging his toned body. He looks delicious. "Ay ano ba yun, bakit ko naman naisip un. Erase, erase." , bulong ko sa sarili. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad habang nakatungo. Shet bakit ba ako kinakabahan?  Konti na lang, malapit ka na sa gate, oh dear self, lalagpasan mo na sya.

Nang bigla akong mabangga sa pader, Wait what?  Di pala pader. Si Duke. Hinarangan pala nya ako. I can smell his manly scent and I almost drooled.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya.

"Where are you going brat?" nakangising tanong nya.

Namamalikmata akong sumagot. "Why? Bakit mo ba ako hinarangan? Duke if you have nothing good to say, padaanin mo na lang ako. Sayang ang oras ko." pigil ang hiningang sagot ko.

He looked directly in my eyes and it has no emotion. So damn cold. "Yeah, sayang talaga ang oras ko sayo."
Ouch! piping sigaw ng utak ko.
"But hey, kilala mo ba sino may -ari nito?"and then he showed me a pocket watch.

Kilalang-kilala ko ang pocket watch na yun. The gold lining and the intricate design and my name that's engraved at the back.  It's mine!

"Paano napunta sayo yan? I mean, matagal ko nang hinahanap yan. Bigay yan ng lola ko."medyo naguguluhang sambit ko.

His expression darkened even more. And his stare is colder. Kung nakakamatay lang yung tingin, marahil kanina pa ako nakabulagta.

"So, it was you all along, right? Di nga ako nagkamali. Ikaw nga ang may kagagawan nun" he laughed with no sound, looking so dangerous.
Lumapit pa sya at hinawakan ang pulsuhan ko.

"Wait, ano bang nangyayari? Di kita maintindihan. Saan mo ba napulot yan? At anong pinagsasabi mo na it was I all along?  Hindi kita maintindihan."

"Playing stupid, I see." diniinan nya ang hawak sa pulsuhan ko. At alam ko na talaga na magpapasa yun. Pinilit kong kumawala, but there's no use. Di ko magamit ang martial arts skills ko. Duke can make me feel weak just by holding me. Humakbang sya ,kaya napaatras ako nang napaatras hanggang sa naramdaman ko ang likod ko na nakasandal na sa likod ng sasakyan nya. Inilapit nya ang mukha nya sa akin. Amoy na amoy ko na ang mabango nyang hininga. Smells like mint. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha namin. Napapikit na lang ako. Ilang segundo pa ang lumipas at napamulat ako. He's now staring at me at nakataas ang sulok ng labi nya. Lumayo na pala sya. Namula ako sa hiya. Ano bang naisip mo? Na hahalikan ka nya? Dream on! sigaw ng isip ko.

The Bratinella Series 1: The Poor Princess (Zara &Duke) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon