Chapter 1

52 5 4
                                    


Chapter 1

"LET'S PARTY!!"

Napailing ako sa sigaw ni Yuan. Nag-wiwild nanaman siya dito sa party ni Jacob. Nagwawala na rin ang mga tao dito dahil sa tugtog at siguro dahil sa kalasingan.

Si Yuan ay ang bwisit kong kapatid na napakahigpit. Idagdag mo na ang pagiging Paranoid ni Mama at Papa. Buti nalang at napa-alam kami ni Marinelle—pinsan ko, kina mama. Sinabi niya na mag-sisleep over kami sakanila.

"Drinks?" Tanong ni Jonelle. Kaibigan nina Yuan.

"Nah." Sagot ko sakanya at umiling. "I don't drink."

Napailing ako nang makita si Yuan na papalapit saamin habang tawang-tawa dulot ng kalasingan.

"Umuwi na tayo!" Sabi ko sakanya at hinila siya.

Pag-dating sa kotse, tinulak ko siya sa likod at sumakay sa harap. Paano kaya papasok tong isang to bukas? Parang walang pasok bukas kung maka-inom kanina. Wala pang 30 minutes ay sa wakas nakarating na si Elle dito. Medyo onti pa naman ang tama niya kaya nakakausap pa ng maayos.

"Patay ka bukas kay Tita, Yuan." Sabi ni Elle habang nagmamaneho. "Baka makarating to kay Tita."

Tumawa na lang si Yuan at hinahampas ang upuan. Nasapo ko ang noo ko dahil sa sobrang stress sa araw na to. Sabi niya marerelax ako sa party pero ako pa pala ang na-aburido.

"Hoy gumising ka jan!"

"Hmm?"

Napatalon ako sa sakit ng hampas sa hita ko.

"Gumising ka na! Malelate tayo!" Sigaw niya at binato ako ng towel.

Inirapan ko siya at dumiretso sa banyo. Pagkatapos ko maligo, nagbihis ako ng mabilis saka kumain.

Todo sulyap naman saakin si Yuan at parang ine-examine ang mukha ko. Nanliit ang mga mata ko nang makita ko siyang umiling.

"Wag mo nga ako tignan ng tignan!" Reklamo ko. "Bakit ba?"

Umiling siya at hindi ako pinansin. Padabog akong bumaba ng sasakyan at dumiretso sa room ko para sa first subject. Dahil may isang oras pa bago magsimula, nagpasya ako na pumunta muna sa room nina Rizchelle—kaibigan namin ni Elle.

"Buti nalang talaga hindi naka-silent yung phone ko." Bungad niya saakin at binuksan ang pinto ng room nila.

Pumasok ako at tinignan ang mga estudyante. Ang alam ko, wala silang pasok ng first subject kaya kami palang ang tao. Tumingin ako kay Rizchelle na nakaupo sa isang upuan at nagsusulat ng assignment niya yata.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga gamit dito. Pumasok rin sa isip ko kung anong course ang kukunin ko. Meron nalang kaming dalawang linggo para pag-isipan ang kukunin na course para sa taong ito.

Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Para akong binuhusan ng malamig na tubig! Ewan ko ba king bakit napatitig ako sa lalaking to. Mukhang siya din.

Maputi siya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mukhang masungit. At medyo mamula-mula ang labi. Napatingin ako sa labi niya.

Hay nako, Clara! Ano ba iyang iniisip mo?

Napailing ako. Iniwas niya ang tingin niya at tumingin kay Rizchelle na mukhang hindi napansin ang presensya niya dahil naka Earphones ito.

"Rizch?" Tawag nung lalaking iyon kay Rizchelle.

Napalingon si Rizchelle at saka ngumiti. Niligpit niya ang mga gamit niya saka lumapit.

"Tara," Yaya nung lalaki sakanya.

"Sige," Sagot ni Rizchelle at huamrap saakin. "Alis lang kami."

Tumango ako at hindi na sumagot pa. Pag-alis nila, huminga ako ng malalim saka lumabas ng classroom.

Bigla akong napaisip. Baka boyfriend yun ni Rizchelle? Baka nga.

Napailing ako saka pumunta sa room namin. Pagdating ko, sakto naman dumating na ang Prof namin. Walang pumasok sa isip ko kundi yung nangyari kanina.

"Hanap niyo na kasi ako!" Maktol ko kay Kristine na kaibigan ko.

"Hanap kita, teka." Sagot niya. Dumaan ang mga minuto, kung sino sino na ang hinaharap saakin.

Napailing ako sakanya at tinignan ang phone ko kung may message ba. Napalingon ako kay Kristine na may kausap. Huminto naman sa isang lalaki ang paningin ko.

Nakataas ang buhok niya, mamula-mula rin ang labi, mukhang masungit. As in mas masungit pa yata sa nakita kong lalaki kanina.

"Ayan oh! Bakit hindi nalang si Blaze?" Tanong ni Kristine at tinuro yung Blaze na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mas lalo pang lumaki dahil tinatawag niya! Omg.

"Ah sige, bye bye na. Baka ma-late ako. Hehe," paalam ko saka tumakbo ng mabilis at lumiko sa kaliwa.

"Hoyyy!" Narinig kong sigaw ni Angeline—kaibigan ko rin na kaibigan ni Kristine. "Tignan mo tong babaeng to--"

Hingal na hingal akong huminto at sumilip sa pader kung saan tanaw sila. Pawis na pawis ako. Idagdag mo pa ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pamumula.

Whut? Hoy Clara, wala kang gusto sa lalaki yun. Hinihingal ka lang, okay? Saka mainit kasi kaya namumula ka.

"Uy,"

"Ay future ko!"

Napatalon ako sa sobrang gulat. Isama mo pa yung pagkakahiyaw ko. Jusko, nakakahiya!!

Lumingon ako. Medyo nagulat pa ako dahil yung lalaki kanina sa room ni Rizchelle—okay, Boyfriend niya. Ay yung nanggulat sakin dito.

Nanliit ang mga mata ko sakanya. "Who are you? And what are you doing here?"

Tumaas ang isang kilay niya at parang pinipigilan ang kanyang pag-ngiti. "Dadaan sana ako. Kaso nakita kita dito na parang baliw at kinakausap ang sarili."

Napanganga ako sa sinabi niya. Bastos to ah!

"Pakielam mo ba?!" Sabi ko at inirapan siya.

Tumawa siya at umiling-iling habang naglakad palayo. Sinilip ko siya at nakita ko siya na lumapit dun sa Blaze at parang may pinag-uusapan. Maybe friends sila?

Bigla akong napatingin sa relos ko. Nanlaki ang mata ko. Late na ako! Tumakbo ako ng mabilis papunta sa room namin. Dahil bakante ng ibang estudyante, medyo siksikan pa sa dinadaanan ko kaya mas naging dahilan ng pagiging late ko.

Kumatok muna ako bago pumasok. "Good Afternoon, Miss. Sorry i'm late. Emergency po kasi. Promise, hindi na po mauulit."

Tumaas ang isang kilay niya. "Miss Buenavente, kakaumpisa pa lang ng mga klase. And 20 minutes kang late. Be sure na wag mo na itong uulitin."

Napayuko ako sa hiya. "May vacant seat pa duon sa dulo. Duon ka nalang umupo."

Tumango ako saka dumiretso sa upuan sa dulo habang nakayuko.

sweethermosa| PurpleJade26

Loving You Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon