Chapter 04

15 4 0
                                    


Chapter 04

"Oh eto na yung papel mo. Pinapabigay ni Ma'am EPP." Sabay abot ko ng Test Paper niya.

Ngumisi siya habang tinitignan ang papel niya at sumulyap saakin. Sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya kasi na naiinis ako sa Epp Teacher namin eh. Paano ba naman kasi, may favoritism yata siya at puro nalang yung pabida naming kaklase ang paborito niya.

"Hoy turuan mo nga ako kung paano i-compute tong pesteng to." Sabi ko sakanya habang inaabot ang papel na may mga pesteng numero.

Ngumisi nanaman siya at hinablot ang papel saakin. Tinignan niya ako at inusog ang upuan niya paharap saakin at ginamit ang desk ko.

"Basic lang to," sabi niya at ngumisi nanaman saakin. "Add mo lang to then eto, tapos--"

"Omaygad, Clara. Anong gagawin ko?" Singit saamin ni Kwiniie. "Nalaman na nung crush ko na crush ko siya! Oh my. You think iiwasan ko siya? Ay basta iiwasan ko na siya. Huhu!"

Huminga ako ng malalim at nakita ko si Leandro na tumukhim na parang pinipigilan matawa.

"Bakit mo iiwasan yung taong gusto mo? Katanga mo naman pala kung ganun," Hindi ko alam pero napatingin nalang ako kay Leandro na natahimik sa sinabi ko. "Well, i'm sorry for the term. Pero bakit mo siya iiwasan? Aba chance mo na yun. What if gusto ka rin niya diba?"

"Pero what if lang iyon." Nabigla ako sa biglang pag-singit ni Leandro. Mukha siyang seryosong seryoso.

At mukhang Sang-ayon sakanya. si Kwiniie.

"Well, kung gusto mo yung tao bakit mo iiwasan, diba? You should face the consequences." Sabi ko sakanya.

Napaawang naman ang bibig ni Leandro sa sinabi ko. At heto ako ngayon. Pinipigilan matawa sa reaksyon niya.

"Clara!"

Napunta ang atensyon namin sa tumawag saakin. Yung kaklase ko lang pala. "May naghahanap sa'yo sa pinto."

Tumango ako at iniwan sina Leandro at Kwiniie.

"Ano? Kamusta ka?" Nag-aalala g tanong ni Rizchelle.

Oo nga pala. It's been 3 weeks since that day. Wednesday, PE Day. That night, Blaze/Ginno cutted off our communication/MU Relationship. And now, i don't give a fvck. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Ayaw na niya saakin, pwes ayaw ko na rin sakanya.

You can't beg someone to stay. 'Cause To beg is Water. And whatever you say, wala pa ring forever. Chos.

"I'm fine." I said while smiling.

"Bakit ang tagal mo?" Napalingon ako sa nagsalita sa likod. Oh it's Leandro.

"Oh," usal ni Rizchelle ng makita si Leandro.

Oo nga pala! Mag-jowa tong dalawang to. Baka magselos si Rizchelle o kaya kung ano isipin niya. Naku, mahirap na! Marami ding nakapaligid na mga ma-issue dito sa school. Baka ma-issue pa kami at makarating pa yun kina Papa.

"Alis na pala ako. Malelate na ako eh." Paalam ni Rizchelle.

Pipigilan ko sana siya ng bigla akong hinitak ni Leandro papasok sa loob at sinara ang pinto. Buti nalang at walang nakakapansin saamin dahil busy sila sa kanya-kanya nilang school works.

"Alam mo ikaw, nababanas talaga ako sa'yo! Banas na banas ako sa'yo!" Sabi ko sakanya at pinagsusuntok siya. "Nakakaasar ka talaga!!"

"Ano bang problema mo--aray! Tumigil ka nga!" Sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumahimik ang buong room at nakatingin silang lahat saamin. As in, saaming dalawa!

"Ayiiieeee si Buenavente, nagdadalaga nanaman!" Hiyaw ng ipaktong Wilson.

Inirapan ko siya at bumalik sa upuan ko. Ganun din ang ginawa ni Leandro.



Simula na ng sembreak bukas. Kaya naman napagdesisyonan namin ni Leandro na tapusin na ang Research namin. Nagpasya kami na magsstay muna sa kabilang probinsya dahil naroon ang painting ng topic namin sa Research.

Pababa palang ako ng hagdan ay bumungad na kaagad saakin si Kuya Lenard na kausap si Leandro na para bang matagal na silang magkakilala.

"Magkakilala pala kayo, kuya?" Tanong ko kay Kuya Habang papalapit sakanila.

"Yep," he answered. "Friends kami, actually."

"Ah," i said. Siguro talagang marami lang talagang kilala si Leandro kaya ganun..

"Kailangan mo ba talaga umalis?" Eto nanaman. Nagsisimula nanaman si Papa.

"Pa, i can handle myself naman eh. Parang hindi naman ako nasanay nung nasa States pa ako." Sabi ko sakanya at niyakap sila ni Mama. "Promise, i'll behave."

"Okay then. Behave ka dun ha?" Sabi ni mama at tumingin kay Leandro. "Leandro, dear? Bantayan mo ang prinsesa namin ha?"

"Opo." Magalang na sagot niya. Psh.

"Ayan ka nanaman, Mama. Napaparanoid ka nanaman." Sabi ni Kuya Len at humalakhak. "Oh chupi! Umalis na kayo. Baka pigilan pa kayo ni Mama."

Nagpaalam na kami saka sumakay sa Hyundai na color Gray ni Leandro. I should research kung anong type ng sasakyan to. Because i'm not really into cars. Ngayon lang talaga.


"Anong iniisip mo?"

"Nah. Kanino nga pala tayo tutuloy?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ah. Dun sa bahay ng lola ko. May bahay sila duon." Sagot niya habang nasa daan ang tingin. .

Tumango ako at ibinaling sa daan ang paningin.




 

Loving You Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon