Chapter 02

25 4 5
                                    


Chapter 02

Bulong

"Magkakaroon kayo ng Research. Bibigyan ko kayo ng Topic." Panimula ni Ma'am Fernandez. "Kung sino ang katabi niyo, yun ang partner niyo."

Iniangat ko ang ulo ko na nakayuko at tumingin sakanya. Napatingin ako sa katabi ko na magiging partner ko. Napanganga ako nang makit ko kung sino ito!

Yung boyfriend ni Rizchelle!

Eh bakit naman apektado ka, Amethyst Clara Marie?

Napailing nalang ako saka nakinig. "Magiging way din ito para maisip niyo na kung anong kukunin niyong course." Paliwanag ni Ma'am saka binigyan ang mga kaklase ko ng index card na sa tingin ko ay yun ang topic.

"Leandro," sabi niya.

Binigyan ko siya ng pinaka-maldita kong tingin.

"It's my name." Paliwanag niya at nagkibit-balikat.

"I don't care." Sabi ko sakanya at inirapan siya.

Tumalikod siya at bulong ng bulong na parang baliw. Kasalanan ko ba yun na wala akong pakielam sakanya at sa pangalan niya?

Wushoo pero aminin mo, Clara. Curious ka nuon sakanya. Oo na curious na ako! Lagi naman eh. Para akong baliw dito.

Lamig sa ilalim ng mga Bituin.

Yun ang nakuha namin.

Nagkatinginan kami. "Ano yan?" Masungit kong tanong sakanya.

"I have no idea." Simpleng sagot niya at ginoogle.

Kasalukuyan kaming nasa Library sa harap mg computer at sinearch ang topic namin. Dahil walang mapakita ang google at wala kaming idea, sinubukan naming magtanong sa isa sa mga Librarian.

"Ma'am, paano po namin malalaman yung storya na Lamig sa Ilalim ng mga bituin?" Mahinahong tanong ni Leandro-yung lalaking katabi ko na wala akong pakielam.

"Yun ba ang hinahanap niyo kanina pa?" Tanong ni Ma'am Librarian. "Wala talaga sa internet niyan. Hindi naman sikat iyan, eh. Dun sa dulong shelf, hanapin niyo sa mga libro duon."

Nagpasalamat kami at pumunta sa sinasabi niya. Naging pahirapan pa kami sa paghanap. Buti nalang at nakita namin agad. Kinuha namin ito saka umupo sa bakanteng lamesa.

Napaisip rin ako. Paano kung hindi kami pumasa dahil sa research na ito? Mukhang hindi pa naman matino itong kasama ko.

"Kulang ang impormasyon na nandito," sabi niya at tinignan ako.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko sakanya.

Dahil hindi namin alam ang gagawin, pinilit ko siya na pumunta kay Ma'am Fernandez para magtanong. Umiling-iling siya habang pinapanood ako na pumasok sa Faculty.

"Good Afternoon, Ma'am!" Bati ko. "Yung sa topic po namin, kulang po yung info na nasa mga libro sa Library. Anong gagawin namin?"

Tumawa siya at tinaggal ang salamin at in-examine ang mukha ko. "Because of Leandro's age, alam niya na ang gagawin, Ms. Buenavente."

Naguguluhan akong tumingin sakanya. "So what should we do?"

"Of course, pupunta kayo sa lugar kung saan originated yung story/topic niyo. Mag-travel kayo and research, of course." Paliwanag niya.

Tumango ako at lumabas ng faculty room. Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya.

"Ilang taon ka na?" Tanong ko kay Leandro. "Sabi sa loob, sa edad mong yan, alam mo na yung gagawin."

Di pa siya nakakasagot ay nakita ko na si Yuan sa likod niya. Mukhang seryosong-seryoso.

"Clara," Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagiging curious kung sino ang kausap ko. "Let's go home. Hinahanap na tayo ni Mama."

Tumango ako at bumaling kay Leandro. "Message me on facebook. I'll go ahead."

"Sino yun?" Bungad ni Yuan saakin pagsakay ko.

"Ah kaklase ko. Partner ko sa Research." Sagot ko sakanya.

Panay ang tingin niya saakin habang nagmamaneho. Hanggang sa makarating kami sa bahay, ganun pa rin ang tingin niya.

"Buti naman at umuwi na kayo." Bungad saamin ni Mama. "Ang tagal niyo. At ikaw naman, Yuan. Balita ko umalis kayo kagabi? Totoo ba yun?"

"Huh?" Kunyaring tanong ni Yuan. Napa-irap ako sa ginawa niya. "May pinuntahan lang kaming importante nina Elle, Mama. Wag ka na mag-alala."

Mas lalo akong napairap sa dahilan niya. Really? Pumanik ako sa taas at nagpalit ng damit.

Kinabukasan ng hapon, mas pinili kong puntahan si Rizchelle para maki-balita. Even though marami akong ginagawa, i chose to went here for my other friends.

"Duon niyo ilagay yung mga upuan!" Nakita kong sumigaw si Rizchelle habang nagbubuhat ng upuan.

Tumawa ako at umupo sa hagdan na nasa tapat ng room nila. Inabala ko ang sarili sa panonood sakanila maglinis ng room at maglabas ng upuan.

Tumayo ako ng makita ko si Rizchelle na palabas na.

"Ay may nakalimutan ako!" Sabi niya at bumalik sa room nila.

Nakatayo ako sa tapat ng pintuan nila habang pinapanood si Rizchelle na naghahanap sa ilalim ng upuan niya.

"Hello,"

Nagulat ako dahil sa bumulong. Nanlaki ang mga mata ko saka lumingon. Pag-lingon ko, nakita ko si Blaze na tumatakbo papunta kay Kristoff na nasa kabilang dulo ng corridor.

"Huy, anong meron?" Tanong ni Rizchelle.

"Ah wala wala." Sagot ko sakanya habang nakatingin sa direksyon na tinakbo kanina ni Blaze.

Naglalakad kami nang biglang pinihit ni Rizchelle ang direksyon ng dadaanan namin papunta sa kung saan dumaan sina Blaze.

"Huy, easy!" Sabi ko at hinila siya.

Naguguluhan niya akong tinignan. "Bakit? Anong nangyari sayo? You look so pale."

"Ah wala wala. Talaga bang diyan tayo dadaan?" Tanong ko sakanya at tinuro ang daan.

"Oo naman. Para shortcut." Sagot niya at hinila ako.

Wala akong nagawa kundi dumaan na rin duon. Nakita ko sa isang sulok si Blaze at Kristoff na naglalaro. Napunta naman saamin ang atensyon nila ng dumaan kami kaya bigla akong tumungo para hindi makita ang mukha ko.

Nakakahiya kaya. Feeling ko ang pula ko na. Oo na. Ako na ang marupok.

"Anong meron sa dalawang yun?" Tanong ni Rizchelle at tumingin saakin. "Oh, anong nangyari sayo?"

Umiling ako at inayos ang buhok. "Wala wala." Pero meron talaga! Namumula ako at hindi ko malaman ang dahilan!!

Ano ka ba, Clara? Bulong lang yun. Bulong lang, okay? It's just a simple whisper. Wag ka ngang ganyan. Pero eh! Bakit naman kasi bumulong siya? Ugh.

"Ang bigat yata ng problema mo?" Salubong ni Elle sakin pagpasok ko ng bahay.

Huminga ako ng malalim saka kinuwento sakanya ang nangyari.

"Ano!? Seriously, binulungan ka?" Tanong niya.

Tumango ako.

I know right. Kahit ako hindi rin ako makapaniwala.


--

A/N : Marupok na kung marupok. HAHAHAHA


[|Sofieyyy|]

Loving You Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon