Chapter 05

16 4 0
                                    


Chapter 05

Night Market

My love

Its been a long time since I cried
And left you out of the blue.

Its hard

Leaving you that way when
I never wanted to.

Self-denial is a game

Its strange I never would've

Wanted 'till there was you.

I didn't know what to say or what to react. bigla nalang kasi siyang nag patugtog. And for all the songs na nasa playlist niya, bakit yun pa?

"Turn off the music," i asked while my half of attention is still at the road.

"Why?" He asked tsaka sumulyap saakin.

"I don't like it." I said saka pumikit ng mariin.

"No need. Nandito na tayo," sabi niya at lumabas ng sasakyan.

Sumunod ako sakanya. Bumaba ako at tinignan ang aming tutuluyan. Medyo luma yung bahay. Siguro mga sa panahon pa  'to ng Spaniards.

"Apo!" Napalingon ako dahil sa sigaw.

"Lola!" Sinalubong niya yung.. Lola niya? Nakita ko pa na niyakap niya ito ng mahigpit. "Na-miss kita, 'la. Tsaka nga pala, si Clara po pala, Kaklase ko,"

Kumalas sa pagkakayakap ang lola niya at tinignan ako na parang sinusuri ang kabuoan ko. "Magandang umaga, Hija. Ako ang Lola ni Leandro. Tawagin mo nalang akong, Lola Pilang."

Nagmano ako sakanya at ngumiti. She looks nice. Dinala niya kami sa may sala. Maganda ang loob nitong bahay. Medyo malaki rin. Siguro may apat na kwarto ito.

"Oh teka, saan ka pupunta?" Pagpipigil ko sakanya dahil akma siyang lalabas na may dalang.. tuwalya?

"Maliligo lang ako," sabi niya at humarap saakin.

"Gusto mo ba sumama? Pwede naman. May puno sa tabi ng batis. Pwede ka duon muna magpalamig." Sabi ni Lola Pilang saakin.

Tumango ako tsaka tumayo at napangiti sa mga ideya na pumapasok sa isip ko. Napailing nalang ako dahil sa kalokohang naisip. No! I can't push him in that batis just to tease him! Pero maganda nga kung malunod siya. Hmm.

Umupo ako sa ilalim ng puno pagdating namin. I saw him na nagremove ng Shirt kaya nagiwas ako ng tingin. Oh no. Wrong move, Clara.

Nung marinig ko na pumunta na siya sa tubig, saka ako nakahinga ng maluwag.

"Girlfriend ka ni Leandro?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. "Ako si Marcus, Kaibigan ni Leandro."

"Oh. I'm Amethyst Clara Marie Buenavente. Leandro's classmate." Sabi ko pagkatapos tumayo.

Tumawa siya. "Akala ko girlfriend ka eh. Tatanggalan sana kita ng helmet para mauntog ka."

I also laughed. "I like you, but as a friend. We should be friends!"

"Mm-mm!" Sagot niya at tumango-tango.

Well if he doesn't introduce himself earlier, i'd rather think that he's Leandro's Mortal enemy. Hahaha!

"Anong nangyayari dito?"

Napalingon kami sa nagsalita. And oops, It's Leandro. With his dark eyes, mukha siyang galit. Well baka meron siya. (You know what i mean)

"Ah pare, nakakatuwa tong kaklase mo. Hahaha! Friends na kami, 'tol." Natatawang salubong ni Marcus kay Leandro.

Tinignan siya ni Leandro at binalingan ako ng tingin. "Tara punta tayo kay Lola."

And then, ayun. Pumunta na kami ulit sa bahay. Ewan ko ba kay Leandro bakit ang bilis niya maligo sa batis. Pagdating namin sa bahay, tinuro na agad saakin ni Lola kung saan ang kwarto ko. Kaya ngayon, kasalukuyan akong naglalakad papunta sa kwartong iyon.

Infairness, maayos naman ito. Wala ring laman ang cabinet. Kaya sa buong maghapon, inayos ko ang kwarto ko. Naghanger din ako ng mga damit ko at inilagay sa cabinet. Kahit na dalawang linggo lang kami dito, mabuti na organized ako.

"Wah!" Sigaw ko dahil pagbukas ko ng pinto, bumungad saakin ang seryosong mukha ni Leandro.

"Magbihis ka. Aalis tayo," sabi niya at tinalikuran ako.

"Ah okay na ako!" Sabi ko at sumunod sakanya.

Huminto siya at hinarap ako. "Wearing that?"

Tinignan ko ang sarili ko. Okay naman ah? Shorts, oversized shirt tsaka naka bun yung buhok.

"Okay naman ah?" Sabi ko sakanya.

Napailing siya saka nagpatuloy maglakad. Sinundan ko siya hanggang sa lumabas kami ng bahay. Kung nasaan sina Lola Pilang, hindi ko alam.

"Eto yung sasakyan natin?" Tanong ko sakanya at itinuro yung tricycle na sasakyan niya--oh wait, sakanya ba 'to? "And where are we going ba kasi?"

"Oo. Saakin yan." Sabi niya at sumakay. "Wag ka na magtanong pa diyan. Pumasok ka na sa loob at mamamasyal tayo."

Kanina ko lang din nalaman na hindi pala kay Leandro ang sasakyan na minaneho niya kanina. Pero sa pagkakarinig ko, siya ang gumagamit nito ngayon. Pero nasaan na? And etong tricycle. Sabi niya sakanya raw ito. I thought he was rich. Marami talagang tanong na nandito pa rin sa aking isipan. Wala nga lang makakasagot dahil ayoko rin magtanong kay Leandro.

Nagsimula na siyang magmaneho. Nakaka-frustrate lang dahil napaka hangin! Naguli tuloy ang bun ko. Naging messy bun, kumbaga.

Nang ihinto niya itong tricycle, namangha ako rito sa lugar na ito. Night market siya na marami g mga pailaw. Dahil nga night market, maraming mga tindahan ng streetfoods and etc. Mas lalo akong namangha dahil meron ditong malaking ferris wheel!

"Isara mo yung bibig mo. Baka mapasukan ng langaw."

At ang kapal din ng mukha ng lalaking to. Nilingon ko siya. Mukha siya kamatis na namumula dahil pinipigilan matawa. Inirapan ko siya at ibinaling ang mata sa mga tindahan.

Lumingon ako at nakita ko ang mukhang masasarap na ihaw-ihaw.

"Uh eto po." Sabi ko at itinuro yung parang karne na hilaw.

"Ah Barbeque, ba? Ilan hija?" Tanong saakin ng tindera.

Nilingon ko si Leandro sa tabi ko na mukhang manghang-mangha ngayon sa nakikita.

"Three," i said.

"Make it four." Singit ni Leandro at binayaran ito. May iba pa siyang dinagdag at ewan ko na kung ano iyon.

Pagka-kuha ng sukli ay humanap na kami ng upuan. Magkatapat kami. Bumili na rin siya ng inumin at fries.

Pagdating ng mga ihaw-ihaw, nagsimula na akong kumain.

"That's isaw right?" I asked. Tumango siya at akmang aabutan ako ng isa. "Ah no. Bawal sakin yan."

"Try mo." Sabi niya habang inaabot saakin ang isang isaw na iyon. Umiling ako. "Try mo lang naman!"

"Ayoko nga." Sabi ko at sumubo ng fries.

"Try mo lang naman. Para matigil na yung pagiging curious mo kung anong lasa nito." Sbai niya at inabot saakina ng isaw.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang isaw. Inamoy ko pa ito at pumikit habang kinakain ito.

MASARAPPPP!!


--

A/N : Masyadong inosente si Clara. Masyado din kasing strict ang parents niya kaya ganun HAHAHAHAHA. Sorry sa short update kahapon! <3


- PurpleJade26 -

Loving You Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon