Ikatlong Tagpo

3 0 0
                                    


"Bakit mo nilagyan ng romance ang story mo?"

"Huh? Ah eh.. naisip ko lang.. baka kasi magustuhan ng iba kapag ganun"

"Hindi mo naman kailangan lagyan ng ganun scene"

"Hehehe bakit parang ang bitter mo naman ata sa love story?.."

"Hindi noh! Basta! Hayaan mo na nga.. nandiyan na eh"

"Hahaha! Huwag kang mag-alala hindi naman masyadong mafofocus ang romance.."

"Oh sige na.. magrereview muna ako.. malapit na ang exam namin, babush!!"

"Okay sige! Gudluck sayo!"

***

Darrell

Lumipas ang mga araw.. medyo naging close kami ni Pochi. Medyo lang, hindi pa din naman kasi kami magkakilala ng personal. Madalas umiikot lang din naman ang usapan namin sa istorya na ginagawa ko, bihira ang makapag-usap kami tungkol sa ibang bagay.

Wala akong pasok ngayon sa trabaho, swerte ako dahil bihira ang magkaroon ng off sa araw ng linggo. Alas onse na ko nagising dahil 4am na ata ako nakatulog, napuyat ako sa pagsusulat.

Kung tatanungin mo ko kung wala ba akong ibang pinagkakaabalahan.. sa ngayon wala talagang iba. Naboboring na nga ako sa buhay ko eh, ewan ko ba kung bakit tamad na tamad akong umisip ng pwede kong gawin sa buhay.

Bumangon ako sa kama ko at nag-inat nang marinig kong may sumisigaw sa labas ng kwarto ko. Ang tatay ko na naman.. mainit na naman ang ulo. Lumabas ako ng kwarto para alamin ang dahilan ng pagsigaw ng tatay ko.

"DIBA SINABI KO NAMAN SAYO!? HUWAG MO PAKIKIALAMAN ANG GAMIT KO!" sigaw ni itay.

"Pero tinanong naman kasi kita kung pwede ko nang itapon yun.. sabi mo naman oo.." sagot naman ng aking ina.

"SUMASAGOT KA PA!! SA HALIP NA MAGSORRY KA NALANG!!"

Nabadtrip nalang ako kasi alam kong tungkol na naman sa maliit na bagay ang pinag-aawayan nila. Napatingin ako sa katabing kwarto ko at nakita ko si bunso na nakadungaw sa pinto ng silid nya.

"Eh nagtanong naman kasi talaga ako sayo.. bakit nagagalit ka?" tugon ni nanay kay tatay.

"SINABI NANG TUMAHIMIK KA NALANG! AT HUMINGI NG SORRY! MAHIRAP BA YUN GAWIN!!?"

"Eh bakit ako hihingi ng sorry? Wala naman akong kasalanan dahil ikaw na ang nagsabi na pwede kong itapon yang sirang relo mo.."

"SINABING TUMAHIMIK KA NALANG!! GUSTO MO BA TALAGA AKONG NAGSISISIGAW PA DITO!!?"

Napailing nalang ako sa kinagagalit ng tatay ko. Alam ko yung relo na yun, nabili nya ata yun sa bangketa sa halagang isang daan, tapos dalawang araw lang hindi na gumana. Nagtataka lang ako.. may relo naman sya na niregalo ni nanay sa kanya noong nakaraang tatlong taon.

Mas matibay pa yun at palagi pa nga nyang suot pero bakit sya nagagalit sa naitapon na sira at lumang relo? Haaaay! Hindi ko na nga mabilang ang mga itinatago nyang sirang gamit sa kwarto nila eh.

Babalik dapat ako sa kwarto ko para makaiwas sa gulo nang bigla ko nalang narinig ang pangalan ko.

"IKAW DARRELL!? TANGHALI KA NA NAMAN GUMISING!!? WALA KA NANG NAITULONG DITO SA BAHAY!? GANYAN NALANG BA ANG GUSTO MONG GAWIN SA BUHAY!!?"

10 years Early! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon