☘Darrell☘
Nang idilat ko ang mata ko maliwanag na. Malamang umaga na, pero tinatamad pa kong bumangon, ang lamig kasi masarap matulog.Ipinatong ko ang kamay ko sa lamesa na nasa tabi ng higaan ko para kapain ang cellphone ko. Nakita ko ang oras, pasado alas otso na ng umaga.. kaya ang sabi ko sa sarili ko matutulog pa ko ng isang oras.
Muli akong nagising matapos kong makatulog. Tinignan ko ulit ang oras sa cellphone ko. Anak ng tupa! Alas onse na!! Eh alas dose ang pasok ko sa trabaho eh!
Nagmadali akong bumangon at kinuha ang twalya saka dumiretso sa banyo at sinubukang buksan ang pinto.
"Oh!!? May naliligo!" narinig ko ang boses ng nanay ko. Jusko!! Wrong timing naman!
Kaya napasilip muna ako sa mga kalderong nasa kusina na katabi lang ng banyo namin. Nakaluto na pala ng pagkain kaya nagmumog muna ako sandali tapos sumandok ng makakain ko.
Tahimik ang bahay at ang tubig lang sa banyo ang maririnig habang kumakain ako. Pumasok na siguro sa school ang bunso kong kapatid at ang tatay ko siguro gumala na naman kasama ng mga kaibigan nya kuno.
Hindi naman ganun kalaki ang bahay namin. Saktong may sala, kusina, tatlong kwarto at banyo lang. May bakanteng lote din sa labas na paradahan ng sasakyan.
Yung tatlong kwarto magkakatabi lang.. isa para sa magulang namin.. isa sa bunsong babae.. at isa saming magkapatid na lalaki. Pero wala na sya ngayon dito sa bahay, nag-asawa na kasi sya at bumukod na. Kaya solo ko na yung kwarto.
Buti nalang wala ang tatay ko, kundi sermon na naman aabutin ko dun. Lagi nalang nagsesermon.. lagi nalang pinapansin bawat kilos namin sa bahay. Hanggang ngayon tinatrato pa din kaming bata. Gusto nya lahat ng sabihin nya dapat sundin namin.
Lumabas na ng banyo ang nanay ko matapos maligo. "Oh? May pasok ka ba ngayon? Tanghali na ah.."
Nagmadali naman akong ubusin ang pagkain ko. "Opo.. nagising po kanina ng maaga kaso nakatulog po kasi ulit ako.."
"Abay bilisan mo na.. late ka na.."
Pumasok na agad ako ng banyo matapos kong ilagay ang pinagkainan ko sa lababo. Hindi ko nga alam kung ligo ba yung ginawa ko eh. Paano.. buhos.. kuskus ng sabon sa face towel.. tapos kuskus sa katawan.. at pagkatapos buhos ulit ng tubig.. saka punas ng twalya at lumabas ng banyo.
Kinuha ko na din ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste tapos diretso sa kwarto. Alam mo yun.. nagsisipilyo habang nagbibihis.
Nang makapagbihis ako, lumabas na ko ng kwarto sabay mumog ulit. Nakita ko nakapaglagay na din ang nanay ko ng pagkain sa baunan ko. Ganito ba talaga lahat ng nanay? Matanda na ko pero inaasikaso pa din nya ko.
Matapos kong mailagay ang baunan ko sa bag na bitbit ko ay umalis na ko ng bahay. "Aalis na po ako!"
Tumakbo na talaga ako palabas ng kalye namin papunta sa paradahan ng tricycle. Mabuti nga at isa nalang ang kulang kaya agad na umalis yung sinakyan ko.
Nang makarating sa overpass yung tricycle, bumaba agad ako at tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Malapit lang naman tatawid ka lang ng kalsada tapos andun na sa gilid ng kabilang kalsada yung mga jeep na nag-aantay ng pasahero.
Malamig yung simoy ng hangin pero mainit pa din ang paligid dahil sa sikat ng araw. Pagkasakay ko ng jeep, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para tignan ang oras. Naku po! 11:40am na! Sabon na naman ako sa visor namin.
Nag-antay pa ko ng limang minuto bago napuno ng pasahero ang jeep tapos siningil na kami sa bayad namin. Nagsimulang umandar ang jeep, napansin ko karamihan sa sakay nito ay mga istudyante.
BINABASA MO ANG
10 years Early! (On-going)
RomanceSa panahon na isinantabi muna ng dalawang tao ang kanilang buhay pag-ibig dahil sa kanilang nakaraan. Magtatagpo ang kanilang landas at makikilala ang isa't-isa. May mabuo kayang pag-iibigan sa pagitan nila? Sa kabila ng kanilang magkaibang pananaw...