Ikawalong Tagpo

0 0 0
                                    


🌼Amy🌼

Kasama ko si Darrell na nag-aabang ng sasakyan sa tabi ng kalsada para umuwi. Hindi ko maintindihan pgero magaan ang pakiramdam ko ng mga oras na yun. Naging masaya ang araw ko kahit na sandali lang.

May humintong jeep sa tapat namin at naglakad ako papunta sa likod nito para sumakay pero napansin kong hindi sumunod si Darrell sakin kaya napalingon ako sa kanya.

"Oh? Hindi ka ba sasakay?" tanong ko sa kanya.

"Mauna ka ng umuwi tinatamad pa kong umuwi eh.. salamat na din sa pagkain.." sagot naman nya.

"Ganun ba?" tanging tugon ko at napaisip naman ako.

Mauuna na ba akong umuwi? O mamaya nalang.. parang gusto ko munang samahan sya pero..

Baka naman isipin nya nga na may gusto ako sa kanya. Hindi pa ko nagkakagusto sa taong malaki ang agwat ng edad sakin huh. Gaya nga ng sabi ko para ko na syang tatay.

"Sige.. mauna na ko.. mag-ingat ka.." sabi ko sa kanya.

"Sige.. mag-iingat ka din.." tugon nya at sumakay na ko sa jeep nang marinig ko yun.

Naupo ako sa bandang dulo kung saan pwede ko syang matanaw habang papaalis ang jeep. Nang mga sandaling iyon parang gusto ko ulit bumaba ng sasakyan. Hindi ko alam pero parang magsisisi ako na hindi ko muna sya sinamahan.

🌺🌺🌺

Nang mga sumunod na araw.. nakakapag-usap kami sa storymania kapag nag-oonline ako para magbasa. Pero hindi kami nakakapag-asaran gaya ng dati. Siguro dahil abala din ako sa ibang assignment ko sa school.

Kakatapos lang ng klase namin sa umaga bago dumating ang oras ng tanghalian. Kasabay kong lumabas ng school building si Faye at Kate nang masalubong namin si Janice.

"Amy! Faye! Kate! Wala na din kayong susunod na klase ngayon diba? Sama kayo samin" aya nya sakin at sa mga kaibigan ko.

"Sige!! Saan ang punta natin?" tanong ni Faye.

"Sa Supermall lang.. maggagala.." sagot ni Janice.

"Maganda yan! Pantanggal stress sa school!" sang-ayon naman ni Kate.

Bigla namang napalingon sakin si Faye at hinawakan ang bag ko (back pack).

"Oy Amy! Huwag mong sabihing hindi ka na naman pwede!" sabi nya sakin.

"Oo nga! Sa biyernes pa naman ipapasa yung isang research paper natin.. kaya huwag ka namang KJ" gatong naman ni Kate.

Haaays! Gusto kong sumama kung kami lang apat ang gagala.. pero alam kong kasama sila Harold at Erick na palaging nangungulit sakin. Hindi ako mag-eenjoy sa lakad na toh.. pero pagbibigyan ko na din ang mga kaibigan ko.. ayaw ko din naman maging KJ sa kanila.

"Oo na.. sige sasama ako.." sagot ko sa kanila.

"Yun!! Sa wakas.. tara!" masayang sabi ni Faye at tumakbo sya palabas ng gate.

Magkakasabay naman kami nila Janice at Kate na lumabas ng school at tama nga ang hinala ko. Nakita naman na nag-aantay na samin sila Harold at Erick sa harap ng park. Gusto kong umatras ng mga oras na yun pero nahihiya nalang din talaga ako sa mga kaibigan ko.

Tumawid kami ng kalsada para puntahan ang mga kaklase ni Janice at magkakasama kaming nag-antay ng jeep na masasakyan. Bigla namang hinawakan ni Harold ang bag ko nang makalapit kami sa kanila.

"Akin na toh.. ako na magbibitbit.." wika nya.

"Huwag na.. kaya ko magbitbit ng sarili kong gamit" tugon ko sa kanya.

10 years Early! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon