Ikaanim na Tagpo

2 0 0
                                    

🌼Amy🌼

Maaga akong nagising.. kailangan ko kasing magpunta sa school ng maaga dahil may kailangan kaming tapusin ni Faye at Kate na reaction paper.

Sakto naman pagdating ko sa sakayan ay may humintong jeep. Pagsilip ko sa loob puno na pero pilit na sumisigaw yung barker na kasya pa daw isa.

Manong anong tingin mo sakin foldable? Hindi ko naman pwedeng itupi ang sarili ko para lang magkasya sa isang pulgadang bakante na yan sa upuan!

Bigla namang may bumabang isang matabang lalaki. Nagising ata sa pagkakatulog sa byahe. Haaays! Salamat.. makakasakay agad ako.

Nang umandar ang jeep na sinakyan ko ay napansin ko yung itsura ng lalaki na nakaupo pangatlo mula sa taong katapat ko. Pamilyar sakin ang itsura nya, tapos naalala ko si BlueLock nung pinakita nya sakin yung profile picture nya kagabi.

Teka.. sya ba talaga toh? Kamukha nya eh..

Napatitig ako sa kanya habang iniisip ko talaga yung mukha ni BlueLock. Nahuli nya kong nakatingin sa kanya kaya napaiwas ako ng tingin. Ay! Grabe nakakahiya.. baka kung anong isipin ng lalaking ito. Hindi naman siguro sya toh, baka kamukha nya lang.. At hindi ko din maintindihan bakit ilang beses ko syang sinubukang titigan sya.

Ayun! Ilang beses nya din tuloy akong nahuli na nakatingin. Nakakahiya na talaga itong ginagawa ko, mabuti nalang at huminto na yung jeep sa tapat ng school namin at bumaba na ko.

Napasulyap pa ko sa kanya bago ako bumaba at nakita kong nakatingin sya sakin. Mukhang inaabangan nya talagang tignan ko sya huh.. feel na feel nya siguro. Hoy! Kuya! Tinitignan ko lang kung ikaw ba talaga yung kakilala ko sa online website na pinupuntahan ko!

Hindi ko naman na sya inisip pagdating ko sa school. Nakita ko din naman kasi sila Faye at Kate na nag-aabang sakin. Nagpunta na agad kami sa library para tapusin yung reaction paper namin. Habang tahimik kaming nagsusulat sa silid-aklatan ay biglang dumating si Erick.

"Good morning.. pwede ba kong maupo sa tabi nyo?" bati nya samin.

Anong ginagawa ng lalaking ito na ganito kaaga sa school? Hindi naman namin sya kaklase ah.

"Ah. Sige!.." sagot ni Faye at umurong sya sa upuan.

Naupo si Erick sa tapat ko at si Faye naman ay napunta sa tapat ni Kate na katabi ko naman sa upuan. Nagpatuloy lang ako sa sinusulat ko at hindi ko sya pinansin.

"Musta? Mukhang seryoso kayo sa ginagawa nyo ah.."

Hindi naman ako kumibo sa sinabi nya at nararamdaman kong nakatingin sya sakin.

"Oo.. ipapasa na kasi namin ito mamaya eh.." narinig ko na sagot naman ni Faye.

"Ah.. ganun ba? Anong oras ang tapos ng klase nyo ngayong araw?" tanong ni Erick.

"Mamaya pang 7pm ang tapos ng huling klase namin.. bakit?" tugon ni Faye.

"Wala naman.. birthday kasi ni Janice.. nagyayaya sya na lumabas mamaya.. baka gusto nyong sumama"

"Uy! Birthday! May inuman ba?" bigla namang tanong ni Kate at napatingin ang mga tao sa loob ng library dahil sa lakas ng boses nya. Napansin nya din agad iyon kaya hininaan na nya ang boses nya. "May inuman ba?"

"Ah hindi ko alam.. pero meron siguro.. ano sasama kayo?"

"Sige.. wala namang pasok bukas eh.." tugon ni Faye.

"Sama din ako.." wika ni Kate.

Hindi ko naman pinansin ang pag-uusap nila habang patuloy lang ako sa pagsusulat.

10 years Early! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon