At Seven. Up there.
Night sky and shining stars with the wind blowing.
See you.
Together, we'll fly.
KAHIT hindi pumasok si Nate sa klase, may ganito pa siyang surprise note sa locker ko. Dahek, kailan pa siya naging ganito ka-makata?
Hindi ko na napansin ang oras dahil excited ako at masaya all throughout. Nagtaka nga ang mga kaklase ko kung bakit ako masaya. Hindi ko rin hinayaang badtrip-in ako ni Emotionless sa bahay. Hindi rin kasi kami nagpapansinan.
Masaya ako kasi nagtutugma na ang lahat. Nag-aalign na. Wala nang problema lalo na't okay na sina Cloud at Erin.
Ang saya.
Pagdating ng seven, umakyat ako ng rooftop. Pagkabukas ko pa lang ng pinto pa-rooftop, ang lakas na ng hangin. Napangiti ako nang makitang nakaabang si Nate at may lamesa pang may kandila.
Candle light dinner.
Natawa ako dahil nag-play ang playlist ni Nate sa Friendster niya—'yung mga kanta niyang acapella na puro kakornihan. Nagpaka-gentleman pa siya at pinaupo muna ako bago siya maupo sa tapat ko.
"Happy Anniversary," masaya kong bati nang ibigay ko sa kanya ang regalo ko. Couple shirt namin.
Okay, kahit hindi ko ramdam masyado ang isang taon namin, bawi naman siya sa mga paganito niya.
Nagkangitian kami bago niya buksan ang nakatakip na pagkain. Kwek-kwek. Favorite naming dalawa.
"Kain na tayo?"
Kumain kami at nag-usap lang at naglokohan at natawanan. Na-feel ko talagang nawala ang problema sa aming dalawa. Pero may napansin ako kay Nate. . . 'yung ngiti niya. Hindi pa rin umaabot sa mga mata niya.
Nang matapos kami kumain, may inilabas siyang something na naka-plastic.
"Ano 'yan?"
"Flying lantern."
Tumango-tango ako kahit wala akong ideya kung ano 'yun. Kinuha niya ang love jar sa bag niya.
"Bunot ka."
Nagtataka akong sumunod sa kanya sabay basa namin sa nakasulat.
I less than three N. N less than three I. Forever.
"Pang-two hundred and three paper na."
"Seryoso? Binibilang mo talaga?"
"Naman. Ako pa?"
Sinindihan niya 'yung maliit na kandilang nasa ilalim ng lantern. Parang maliit na hot-air balloon tuloy ang itsura.
BINABASA MO ANG
AFGITMOLFM (2019 version)
Teen FictionWARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteries that this achingly long story will reveal. Read at your own curiosity and chismosa/chismoso level...