41-B [ farewell ]

12.6K 665 168
                                    


SIGURO tama nga sila.

Kapag sumabak ka sa gera ng relasyon, wala kang choice kundi lumabas nang sugatan at duguan. Malinis man ang itsura ko ngayon. Maayos man ang makeup ko at ang buhok ko. Ngumingiti man ako at nagpi-peace sign sa harap ng camera kapag tumututok, pagod pa rin ako.

Nakakapagod pala ang gera? Bakit di ako na-inform?

Pwede pala ang mga teenager sa mga ganong pahirap?

Nagsisisi ba ako na naging boyfriend ko si Nate? Nagsisisi ba ako na nakipagbreak siya sa akin? Nagsisisi ba akong hinayaan kong maging mahina sa harap ni Art? Nagsisisi ba akong nagkagusto ako sa kanya at hinayaan ko siyang saktan ako?

Hindi ko sure.

Pero ito na ang araw, ngayong graduation day, na nakapag-decide na ako.

Tama na.

Tigil na.

Naka-autopilot ata ang buhay ko bago ang graduation at ngayon lang ulit ako bumalik sa wisyo. Ang nakakainis pa, si Art ang unang nakita ko pagbalik ng normal na isip ko.

Nakatingin siya sa akin.

Umiwas ako ng tingin.

Ito ang naging senaryo namin sa buong graduation ceremony hanggang sa matapos.

Nagkaroon ng maraming picture taking. Hinatak ako ni Ellaine, nina Belle, ng mga kaklase ko. Marami rin ang napansin kong natakot pero lumapit pa rin kay Art at nagpa-picture sa kanya.

Nakita ko rin si Humi na tuwang-tuwa, nagpa-picture kay Art.

Hinayaan ni Art na pagkaguluhan siya. Hinayaan ko ring magpatianod sa iba't ibang batchmates.

Ang daming nag-iyakan pero ubos na ata ang luha ko kaya panay lang ang ngiti ko.

Nakakapagod kasing umiyak, e. Sawang-sawa na ako. Gusto ko na nga sana umuwi at inaaya ko na rin sina Mama pero makipag-usap daw muna ako sa mga kaklase ko. Maghihintay daw sila sa labas.

"Enjoy the moment!" sabi nila. Malaki raw kasi ang chance na hindi ko na sila makita pa.

Sana nga.

"Iannnneee!"

Napalingon ako sa tumawag.

"Erin?!"

Tumatakbo siya palapit sa akin at mabilis akong niyakap. 

Napangiti ako. "Namiss kitang bruha ka!" 

Pagkakalas namin sa yakap, sinabihan ko siya ng, "antagal mong walang paramdaman! Muntik ko nang malimutang may Erin pala!"

Tumawa ako at binatukan naman niya ako. Panay ang reklamo niya at na-miss ko ang kaingayan ni Erin. Ilang buwan din siyang nawala. Tiningnan ko ang tiyan niya, wala namang baby.

"Bakit ka nandito?"

"Ayaw mo ba, ha?!" Umirap siya. Nag-peace sign ako. "Basta, nako. Kasi 'yung Ulap ko, nag-break na kami. Leche 'yun eh, ayaw ko na makita!"

"Nag-break kayo?!"

"Ayaw ko na siya makita kasi lalo akong na-iin love!"

Ngek.

"Yo!"

Nilingon ko ang pamilyar na boses. Napangiti ako nang makita ko ang isang matangkad, head-turner at matipuno ang katawan na naka-shades. Akala mo, artista.

Ang una kong napansin sa kanya . . . "Bakit ka nagpa-black ng buhok?"

"It's needed. Papa-good shot ako sa pamilya ng babaeng 'to." 

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon