"HEY SLUT!" Biglang napalingon si Maze sa pamilyar na boses na nagsalita at ang nakangising aso nga na si Seth ang nalingunan niya. May hawak-hawak pa itong isang baso ng beer na halos nangangalahati na.
Stephen Daniel Zamora---ang kanyang asawa na wala nang ibang ginawa kundi ang tawagin siya sa kung ano-anong pangalan na maisipan nitong itawag sa kanya.
Simula ng maikasal sila at lumipat ng bahay isang linggo na ang nakakalipas ay wala na itong ibang ginawa kundi ang laitin siya pero hindi na lang niya ito pinapatulan hangga't hindi naman siya nito sinasaktan ng pisikal.
Anak ito ng matalik na kaibigan ng kanyang namayapang mga magulang.
Dalawang taon na ang nakakaraan ng una silang magkakilala ni Seth at simula't-sapul pa lang ay hindi na talaga maganda ang pakikitungo nito sa kanya at kung ano-ano nang masasakit na paratang ang binabato nito sa kanya na hindi nga niya alam kung saan nito napupulot ang mga ganong klaseng paratang laban sa kanya.
Yes, kasal silang dalawa pero tulad nito ay hindi rin niya kagustuhan ang maikasal dito.
Lahat ng iyon plano at kagustuhan lang ng mga maguang nito.
Bakit siya pumayag?
Well, dahil sa utang na loob sa mga ito kaya hindi na niya nagawang makatangi sa kagustuhan ng mga ito.
Napabuntong hininga na lang siya ng bigla bumalik sa ala-ala niya ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya at kung saan ay isa sa rason kung bakit nasa sitwasyon siya na ito.
Tandang-tanda pa niya sampung taon na ang nakakalipas ng maaksidente at mamatay ang mga magulang niya at pagkatapos mailibing ang mga ito ay niloko naman siya ng mga kamag-anak niya, ninakaw ng mga ito ang mga ari-arian at perang naiwan para sa kanya ng mga magulang at dahil sampung taong gulang pa lang siya ng mga panahon na iyon ay wala pa siyang kalaban-laban.
At ang pinakamasamang ginawa pa sa kanya ng mga ito ay dinala siya sa isang malayong lugar---sa lugar kung saan ay wala sa kanya nakakakilala, sa lugar kung saan wala siyang mahihingan ng tulong.
Mabuti na lang at kahit papaano ay may mga taong may mabubuting puso na tinulungan at kinupkop siya---iyon na nga ang Nanay Margie, Tatay Lucio niya at ang pamilya ng mga ito.
Salat man sa yaman pero may busilak namang kalooban ang mga ito, itinuring siyang parang tunay na kapamilya, inalagaan at kahit na hirap sa buhay ay pinagsumikapan ng mga ito na itaguyod siya at mapag-aral kaya naman malaki rin ang utang na loob niya sa mga ito.
Pero nang biglang magkasakit ang Nanay Margie niya dalawang taon na ang nakakaraan ay kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral at lumuwas ng Manila para magtrabaho at makatulong sa pagpapagamot dito at sa pagluwas nga niya ay doon niya nakilala ang mga magulang ni Seth na sina Tita Rica at Tito Rommel niya.
Agad siyang nakilala ng mga ito dahil maliban sa kamukhang-kamukha niya ang mga magulang ay hindi naman nagbago ang itsura niya mula noon.
Naikuwento nga niya sa mga ito ang mga nangyari sa kanya sa loob ng walong taon at napag-alaman din niya na matagal na pala siyang hinahanap ng mga ito, dahil may pangako ang mga ito sa kanyang mga magulang na sila na ang bahala sa kanya kapag may nangyaring masama sa mga ito.
Nang araw na rin na iyon ay inalok siya ng mga ito ng tulong na sa una ay tinangihan niya pero kalaunan naman ay tinangap na rin niya dahil sa pamimilit na rin ng mga ito. Kasama sa tulong na naibigay ng mga ito ay ang pagpapagamot ng Nanay Margie niya kaya laking pasasalamat niya sa mga ito.
Sa bahay na rin siya ng mga ito tumira habang nagpapatuloy siya sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos na siya.
At nang nakaraan na buwan nga ay nagulat siya ng bigla siyang pinakiusapan nina Tita Rica at Tito Rommel niya na kung maaring magpakasal siya sa anak ng mga ito na si Seth.
BINABASA MO ANG
MY MONSTER HUSBAND (COMPLETED) (EDITING)
RomanceKaya bang palitan ng pagmamahal ang nagumpisa sa pagkamuhi? Kaya mo bang mahalin ang taong walang iba ginawa kundi ang saktan ka? Kaya bang magpatawad ng puso na durog na durog na?