Prologue Part 3

7 3 0
                                    

Karl's POV

"Sige lang, iiyak mo lang yan, andito lang naman ako kahit hindi mo ako nakikita"

"Sasamahan kitang buohin ulit ang puso mo, at sana sa pagkakataong buo kana at handa kana ulit magmahal, makita mong may isang ako naghihintay sayo"

"Hinding hindi kita iiwan, wag kang mag alala"

Hanggang ngayon hindi ko pinagsisisihang nanatili ako sa buhay mo, nakita kitang nawasak, nanduon ako ng mga panahong lugmok ka dahil lang iniwan ka niya.

Nakita ko bawat butil ng luha na tumulo sa mga mata mo, pero kahit alam kong di mo ako nakikita, kahit masakit andito pa din ako. Mahal kasi kita

"I'm so sorry, i can't love you the way i love him"

"Sana kaya kitang mahalin gaya ng pagmamahal mo sakin. Pero kasi, hanggang kaibigan lang talaga karl, pasensya na"

"Mahal kita pero hanggang kaibigan lang talaga"

Masakit man, pero tanggap ko, kahit kaibigan lang tingin mo sakin basta hayaan mo akong manatili sa tabi mo, ok na ako. Masaya na akong makitang masaya ka. Kahit hindi ako ang dahilan. Basta kasama kita kuntento na ako sa kung anong meron tayo.

---

☆Elle☆

Waves of the PastWhere stories live. Discover now