Jessie's POV
Sana gaya sa mga libro na kahit ano pa man ang pagdaan ng bida sigurado akong may happy ending. Sana ganun kadaling paniwalaan na matapus ang unos hindi kana muling iiyak. Na sana tulad ng mga nabasa kong storya magiging masaya din ako sa huli. Sana ganun lang kadali yun.
Ang hirap hirap na kasi. Ang sakit sakit na. Ang hirap magpanggap na ok ka kahit hindi naman talaga. Ang sakit ipeke ng tawa, ang sakit ipitin ang luha, ang sakit dayain ng totoo mong nararamdaman.
Sana kaya kong isulat ang tadhana ko, nang sa ganun maiiwas ko ang sarili ko sa nakakamatay na sakit na pinagdaanan at pagdaraanan ko.
kailan kaya to matatapus? Magiging masaya pa ba ako? May katapusan ba lahat nang to?
---
This chapter is dedicated to my old self 🙂 i wish you would heal soon

YOU ARE READING
Waves of the Past
RomanceFirst Love vs TOTGA vs BestFriend vs Present Who will be her Great Love? -- Hindi ko alam kung bakit masiyadong mapaglaro ang tadhana, mapanakit at madaya Nakakatakot maging masaya kasi bawat tawa mo, may kapalit na luha Nakakatakot umibig dahil ba...