Chapter 2

189 7 0
                                    

Nasa tapat na ako ng White Vaunghn University. Kung titignan wala namang pinagkaiba sa Fousten University sa Wynne Kingdom.

Dahan dahang nagbukas ang malaking tarangkahan. Natanaw ko naman ang isang babae na sa tungin ko kasingtanda lang ni King Alex.

"Ikaw naba si Eloiza Cartwight?"
"Opo" sagot ko.
"Ako si Alicia Simpson ang headmistress" pakilala nito kaya naman yumuko ako bilang bigay galang.

"Nice to meet you po" sabi ko rito. Tumango lang at nagsimula ng maglakad. Sinundan ko lang ito.

"Ihahatid lang kita sa magiging dorm mo"sabi nito at may iniabot na susi.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating na kami sa mga dorm ng babae.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Lilibelle"sabi ni Headmistress at agad naglaho.

Ganun na ba sila bumati o magwelcome. Ibang klase.

"Hi,pasok ka" sumunod naman ako sa sinabi nito at umupo sa sofa.

"By the way i'm Lilibelle Caceres,water user also you can call me Belle and i'm willing to be your friend" nakangiting sabi nito.

"I'm Eloiza Cartwright air user and from now on we're friends"sabi ko ng nakangiti.

Bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Ang bilis ko talaga magutom.

"Mukhang gutom kana tara kain tayo" hindi na ako nakasagot ng hawakan nya ako at sa isang iglap lang nasa canteen na kami.

"Ako ng bibili tiis ka muna saglit"agad itong umalis para bumili ng pagkain.

Inilibot ko ang paningin at masasabi kong maganda ang canteen nila ng konti sa Fousten University.

Namiss ko kaagad sina Allyson at Deanna. Ano na kayang nangyari sa dalawang yun? Namiss din kaya nila ako?

Napatingin ako sa mahabang mesa. Magarbo ang disenyo at halatang pang maharlika. May mga nakaupo dito pero kulang ng isa.

"Hey  kain na tayo" ang bilis nya naman makabili.

"Bakit kulang sila"sabi ko at tinuro ang pwesto ng mga maharlika.

"Ah kase nawawala ang prinsesa ng Ligth matagal na"para naman syang nalungkot dahil duon.

"Ano bang nangyari?"
"Nawala bigla ang prinsesa ng sampung kaarawan nito at kokoronahan sya. Ang sabi sumalakay day ang mga taga Wynne Kingdom"

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Alam ko ang tungkol duon pero ang sabi nila hindi sila ang sumalakay. Hindi ang mga Wynne.

"Kaya ba galit kayo sa mga taga Wynne kingdom?" Tanong ko rito.

"Parang ganun na nga" sabi nito. Hindi na ako nagtanong ng tungkol duon. Nag-usap nalang kami sa mga bagay bagay.

Nakwento nya rin na isang beses na syang nakapunta sa mundo ng mga tao. Marami pa ito kinuwento at ako ay nakikinig lang. May lahi pala syang madaldal. Hahaha.

Memory LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon