Chapter 5

146 4 0
                                    

A/N

Ang FAR FLASHBACK po ay patungkol
kay Eloiza pagkatapos pong mawala ang kokoronahang prisesa mga ilang years na po iyan nangyari ng mawala ang prinsesa.

Tumira sya sa mundo ng mga tao dahil nga sa pinaghihinalaan ang mga taga Wynne na sila ang kumuha sa prinsesa ng araw ng koronasyon at bago sya sinundo nila Allyson at Deanna para bumalik sa Wynne Kingdom at sanayin.

KWENTO PO ITO NUNG 15 YER OLD SYA NG NASA MUNDO NG MGA TAO
🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹

"Wag mong kalimutan ang kantang iyan,hanggang sa magbalik ako, aking prisesa. Mahal na mahal kita" sabay halik sa aking noo.

* * * * *

Panaginip lang pala yun. Wait nasaan ako?

"Best gising kana?" Ulaga talaga ito. Nagtatanong pa eh,obvious naman.
"Ay hindi best,nananaginip kalang" sagot ko sa tanong nito habang tumatawa.

"Seryoso best,gising ka naba talaga?"tignan mo 'to. Sampalin ko kaya.
"Gising na ako,okey. Anong nangyari? Bakit ako nasa clinic?" Inilibot ko kase ang paningin ko kaya nalaman ko na nasa clinic ako ng school.

"Hala best! Nagka-amnesia ka? Naaalala mo pa ba ako?"OA talaga
"Wala akong amnesia at tigil tigilan mo ang pagiging OA"sabi ko rito

"So,ano ngang nangyari? 'Di ko maalala" hindi ko talaga maalala. Bakit ba ako narito?

"Okey,nahimatay ka sa room. Pasalamat ka malapit sayo si Justine kaya hindi ka bumagsak sa sahig. Siya narin nagbuhat sayo papunta rito. Kung hindi lang ako nag-pa-panic kanina baka tumili na ako dahil sa kilig scene nyo"hindi ako makapagsalita sa sinabi ng bestfriend ko. Seryoso talaga? Nakakahiya,first time na may bumuhat sa akin na lalaki.

"Best tulala ka,una na ako may klase pa. Nga pala hindi yata tayo magkasabay sa uuwi may pupuntahan kase kami ni kuya"
"Okey"maikling sagot ko
"Bye,pahinga ka muna"wika nito bago saraduhan yung pinto.

"gisingka na pala hija" naaninag ko ang nurse na si Nurse Lea
"Opo"wika ko at kinusot kusot ang mata. Kakagising ko lang pero nakakaramdam na naman ako ng antok.

"Uuwi kaba hija o magpapahinga kana muna dito?"

"Siguro po uuwi nalang, sa bahay nalang ako magpapahinga at matutulog tulog" wika ko at inayos ang magulo kong buhok.
* * * * *
Palabas na ako ng gate ng may bumusinang sasakyan palabas. Gumilid ako at nagsimula ng maglakad ng bumusina ulit ito. Anong problema ng sasakyang ito? Nasa gilid naman ako ah.

Maglalakad pa sana ako ng mabilis na humarang sa daan ang sasakyan. Nasisiraan na yata ng bait yung driver.

Lumapit sya dito at inis na kinatok ang nakasaradong bintana.
"Hey kanina kapa ah, ano bang probleme mo!"sigaw nya habang patuloy na kinakatok ang bintana.

Hindi nya nahintay na bumukas ang bintana kaya naman tinadyakan nalang nya ito at iniwasan na ang sasakyan para maglakad.

"Hey" napatingin si Eloiza sa nagsalita at nakita nya na bukas na ang bintana ng sasakyan. Inis syang bumalik at inis na hinarap ang driver ng sasakyan.

Memory LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon