Simula
*ringggg**ringgggg*
"usko ang bitin naman ng gabi anong oras na ba?" Sa sobrang antok ko ay hindi ko na mapindot ang napakaingay kong alarm. Ako pala si Danielle Klaire Rodriguez, isang college student, masyadong magulo ang buhay ko dahil nagkahiwalay sina mama at papa simula nung 7 years old ako kaya kaysa ipagsalitsalitan nila ako ay napagisip isip ko na kay mommy nalang tumira para mas malapit sa school ko. Kinusot ko ang aking mga mata matapos kong tumayo mula sa hinihigaan ko. pinindot ko ang alarm at tinignan ang oras.....
"HALAAA.. Ala shiete na palaa"
tumakbo ako sa kusina para kumain ng kape't umagahan na parang dagang hinahabol ng pusa. Sa sobrang kakamadali ko ay muntik na ko madulas sa cr. Nilakasan ko na ang buhos ng shower para naman makuskos ko na diretso ang katawan at ulo ko. Hindi na ko nakapagpatuyo ng buhok kasi baka abutin pa ko ng pasko. Mabilis kong inayos ang gamit ko sa bag at nagbihis na.
Binilin ko muna kay mama na pakainin ang aso ko. Yun nalang kasi ang tanging regalo sa kin ng papa ko simula nung time na nagkahiwalay sila.
-"bye bye ma!" sabay yakap kay mama at kiss sa pisngi.
-"sige bye nak magingat ka, love you." aniya.
Sa panahon ngayon ay mahirap ng makakuha ng masasakyan. Gusto ko sanang hiramin yung kotse ni mama pero hindi pa ko pinapayagan dahil hindi pa ko ganun kaalam.
Tsaka kahit fourth year ko na sa sa college kung may license man ako ay baka bawiin agad dahil hindi pa ako ganoon ka expert sa pagmaneho ng sasakyan.
Buti nalang ay may dumaan sakin na taxi. Hay gulay, 45 mins nalang bago klase namen. Sigurado papagalitan ako neto.
"Saan po kayo bababa ma'am?" tanong ng taxi driver
"Sa Herington State University po" sagot ko habang nagsusuklay ng buhok.
Pagkababa ko ng taxi ay agad akong tumakbo papuntang gate ng University.
BINABASA MO ANG
Hanggang Panaginip Nalang Ba? (Short Story)
Teen FictionIto ay tungkol kay Danielle Klaire Rodriguez, isang top student from Herington State University. Mabait, matalino at may angkin ring ganda. Lumaki siya sa isang broken family. Simula pa noon ay may gusto na siya kay Curt Andre Guevas, isang charming...