Chapter 1

4 1 1
                                    

" Ma! Labas muna ako saglit! " sigaw ko. Di na ako lumapit sakanya. Makita nya pa tong mukha ko. Sasabunin nanaman ako ng tanong. (-____-)

" San ka pupunta? Gabi na Shael! Sasabunin ka nanaman ng papa mo! Asfhkksbjanksbka...."

Di ko na narinig pa si mama. Patakbo akong lumabas ng bahay. Mabigat na yung mata ko. Di ko na talaga kaya. Hindi ko alam san ako pupunta, basta ang gusto ko lang makalayo sa bahay.

Kakatakbo, di ko namalayan nasa play ground na pala ako. Umupo agad ako sa seesaw, at dun na umiyak. Wala naman tao dito, gabi na rin kasi kaya ayos lang na umiyak ako dito.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking kadramahan, may naramdaman akong umupo sa isa pang seesaw.. ah! Bahala sya kung marinig nya akong umiyak, di naman nya ako kilala eh.

" Di ko alam kung matatakot ba dapat ako oh maaawa na matatawa sayo, ateng iyakin. "

Lalaki? Nak nang! Nakakahiya! Mamaya kapitbahay namin to! Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko. Punas luha tapos uhog.

" Bat ka naman matatakot aber? " sabi ko sakanya. Nakita ko syang nag smirk. Tss! Pa cool! Kala mo gwapo. (-___-)

" Malamang! 9pm, naka white dress ka tapos naka yuko kang umiiyak tapos yung buhok mo halos lamunin na yang mukha mo! Mukha kang white lady oy! Gusto nga kitang batuhin ng sapatos ko eh. ( ',') " mahaba nyang sabi tas tumingin sa gilid nya.

" Dami mong sinabi. Dapat binato mo na lang ako. Para mamatay na ako. " iiyak pa sana ako, kaso naalala ko may sira ulong tao na kinakausap ako. Wag na lang. (-_-)

" OA mo! Mamatay agad? Sapatos lang. " sabi nya. Teka! Anong bang pangalan ng kumag na to?

" Sino ka ba? " ako

" Ay! Zach is the name. Mabait ako wag ka mag alala (^___^) " sagot nya. Tss! Pacute pa.

" Im Shael, mabait ako sa di siraulong gaya mo " nag shake hands kami. Infairness, pawisin yung kamay nya. Dejoke, malambot parang pambabae.

" Uy. Kung ako sayo, uuwi na ako. Gabi na oh mamaya kung ano pang mangyari sayo dito sa labas. " Tumayo sya tas pinagpag yung pants nya.

Tumayo na rin ako. Baka hinahanap na ako ni mama.

" Wala yan secured dito sa lugar namin no. Eh ikaw? Bat di ka nalang umuwi. " sabi ko at nag simula nang lumakad. Tumingin ako sa wristwatch ko. 9:45 pm na. Wala pa siguro si papa.

" Lugar namin?? Dito din ako nakatira noh. Tutal naman. Magkakilala na tayo by names, ihahatid na kita sainyo " sabi nya.

Habang nag lalakad nilingon ko sya. Ang tangkad nya, parang hanggang kilikili nya lang yata ako. Medyo malayo kasi agwat namin. Gwapo naman sya tapos moreno. Tsk! Ano ba yan! Naalala ko tuloy sya. (>,<)

" ikaw bahala "

---**

Nakauwi na ako. Nandito na ako sa kwarto ko, nakahiga. Napatingin ako sa orasan dito sa kwarto ko..

11:15pm. Ang bilis nang oras. Di ko napansin dahil sa taong kasabay ko. Infairness, masaya sya kausap. Magaan yung loob ko sa kanya. Parang si...

Eto nanaman. Iiyak nanaman.

* Uy! Wag ka nang umiyak! Kung ano man yang problema mo, isang beses lang dapat na iyakan yan. Pagkatapos, ngitian mo na lang kasi lilipas din yan * 

Naalala ko yung sinabi ni Zach. Tama nga naman sya. Haay! Shael! Napaka crybaby mo na dahil sa taong wala namang pakialam sayo!

Tumayo ako, kinuha ko yung phone ko. No missed calls from him, even text messages. Wala na talaga syang paki saakin. Binura ko lahat ng pictures namin together, our past sweet conversations, and his voice record na kumakanta.

Ewan ko ba. Di ko na napigilan yung luha ko. Tumulo nanaman. Sige, ibubuhos ko to ngayong gabi, bukas wala na akong luha pang iiiyak. Pagod na akong magpaka tanga sa gagong yun.

Mayamaya, nakaramdam na ako ng antok. Pagpikit ko, naalala ko nanaman yung nanyari sa school kaninang tanghali.. ang sakit. Sobrang sakit.

-----------

Hi sa nagbabasa nito.. thankyou sayo!

@iZengg11

Mharjj1995

Second LoveWhere stories live. Discover now