Andito na ako ngayon sa bahay todo pahinga ako dahil sobrang pagod sa biyahe palang.. tapis dagdag mo pa yung super na kulitan naming tatlo.
Kahapon lang kami nakauwi. Buti na lang noong nasa byahe na kaming tatlo, hindi na nila binabanggit yung about samin ni Ian, which is good baka. Puro na lang sila asaran, at nadadamay ako.
Pagkadating ko dito sa bahay,, yung mama ko imbis na tanunging kung kamusta ang byahe? Kung masaya ba kami doon.. ang tinanong eh kung ano ang pasalubong nya. Hahahaha! Syempre sila Joseph todo bigay sa mga binili namin para kay mama para daw di ako mapagalitan.
Ngayon. Dito ako sa kwarto ko, Fb lang.. Ang boring eh. Wala naman kasi sila mama at papa may pinuntahan.. tapos tinatawagan ko yung dalawa ( Joseph and Bella ) wala din, busy yung mga phone. Baka may date.
Tsk. Andami namang nag add saakin. Pero messages wala. Grabe! Kung nakikita to ngayon ni Bella pinagtawanan nanaman ako nun. (>\\\\\<)
Matingnan nga kung sino sino tong nag add..
Hmm..
Marrisa Melon
James Diaz
.
.
.
.
.Zach Lourenz
.
.
.Teka? Zach? Parang may kilala akong Zach ang name.
Inopen ko yung Profile nya. Pamilyar talaga e. Nakita ko na ba to? saan naman? Baka naman stalker to? Uutuin nanaman ako?
Confirm ko ba to? Parang kakilala ko talaga eh. Tssk! Umandar nanaman ang pagkaulyanin ko! (-////-)
* Confirm *
* scroll *
* scroll *
* scroll *
Ang gaganda naman ng mga kaklase ko, namiss ko silang lahat. Nagbakasyon din pala sila, ang gagara.. may nag swimming, date kasama boyfriend and girlfriend nila.. Naku! Kung di dahil sa dalawang gala kong kaibigan di ako makakapagbakasyon. (^___^) atleast, sa pasukan kapag nagkwentuhan sila about sa mga ginawa nila nitong bakasyon di ako muntanga. Hahaha
* Beep *
Message? Baka sila Joseph to. Naku iinggitin nanaman nila ako panigurado. Hahaha
1 message
Zach Lourenz: Hi! :)Luh? Epsi agad agad si kuya oh? Pero sige. Reply-an natin. Wala namag mawawala eh.
Shael Divine C. : Hello! :)
Zach Lourence: Remember me? :)
Shael Divine C. : Nope! Sino ka po ba?
Zach Lourenz : Di ka naman siguro bulag, or marunong ka naman ata magbasa.. hahahaha! Joke!
Shael Divine C. : Siraulo ka ba? -_-
Zach Lourenz : Hahaha! Biro lang. Ako to yung naghatid sayo.
Shael Divine C. : madami ng nag hatid sakin.
Zach Lourenz : Grabe! Pagkaulyanin mo naman. Yung sa Playground? Umiiyak ka pa nga nun eh!
Isip, isip, isip!!!
Ahhhhh!!!!! Oo sya yun! Sabi na nga ba eh! Kaya pamilyar yung itsura nya pati pangalan. Hahahah!
Shael Divine C. : aahhhh!!! Oo na! Naalala ko na sorry!
Zach Lourenz : ayos lang! Asan ka ngayon?
Shael Divine C. : sorry talaga! Sa bahay lang. Tambay. Ikaw?
Zach Lourenz : hahaha! Bahay lang din. Tara gala tayo!
Uyyy! May company na agad! Hahahaha
Shael Divine C. : geh ba! Kita nalang tayo sa play ground! Bye!
Di ko na sya inantay mag reply. Nilog out ko na agad fb ko. Maliligo na ako, kating kati na akong gumala!!! Hahahhaha
--*
Pagdating ko sa playground, hinanap ko agad sya.. sandali.. san na ba yun? Baka naman inindian na ako.
Upo na nga lang muna ako dito.
* Poke * Poke * Poke *
" Uyy! Shael! "
Nilingon ko yung kumalabit saakin. Si Zach.
Tiningnan ko ng taas pababa. (-___-)" Ano yang suot mo? " my god! Ano ba yan sya!
" Bakit? Damit to, di naman mukhang dahon diba? Although color green sya. Hehehehe! " sagot nya. Tssss!
" Alam mo? Ang baduy baduy! Mukha kang sinaunang teen Ager alam mo ba yon? " (-____-)
" Bakit naman? Ang astig nga eh. " (^____^)v
Guys! Astig bang matatawag yung nakapolo ka na green tapos stripes, tapos ang masagwa naka tucked in pa. My god! Kung ganto kasama ko, wag nalang po!
" Magpalit ka! Daliiiiiiiiiiiii!!!!" Sinigawan ko sya ng slight para magpalit. Mukhang di makikinig tong batang to eh.
" Okay! Okay! Easy lang! Masyado kang hot! Hahahahaha " patakbo syang umalis. Haaay! Salamat naman!
(-_____-)
Magaaya ng gala yung lalaking yun tapos yung suot pang sinaunang teen ager? Pambihira!
Habang nag aantay.. nagtitingin tingin ako sa paligid ng Play Ground..
YOU ARE READING
Second Love
RandomGusto mo ba ng magulong takbo ng kwento? Pwes, basahin mo to. (^________^)v charr! Hehehehe -izenggg