Chapter 2 ( Continuation )

0 1 0
                                    

Yaaaawn! Ahh! Ang sarap na tulog ko, kahit medyo makulit tong kasama ko matulog. Nandito na kasi si Bella, yung Girlfriend ni Joseph. Nung nagtatawagan na sila, nagbabyahe na pala siya papunta dito. So ayun, pagkadating na pagkadating nya binatukan kaagad si Joseph bakit daw kasi di sya inantay. Hahahaha! Sira ulo talaga!

Anong oras na ba? Almost 8 na pala ng umaga. Infairness, mahaba tulog ko ngayon. Tumayo na ako, tiningnan ko si Bella.. pfft! Nakabukaka pa matulog. Hahahaha! Pasalamat nalang talaga sya di Maniac yung Boyfriend nya.

Lumapit ako at inayos yung kumot. Mamaya biglang pasok yung isa eh makita pa yung di dapat makita.

--*

Lalabas na sana ako ng CR ng marinig ko yung away bata nung dalawa, actually di talaga sya away magshota e, alam nyo yung away na puro asaran? Ganun. Teka nga bat ko ba iniintindi tong dalawang to?! Pano ako mag bibihis kong nandito si Joseph. Tsk!

" Hoy Joseph! Baka lang naman may balak kang lumabas diba? Mag bibihis lang naman kasi ako! " sigaw ko. Abat! Tinawanan lang ako. Tas may binato sa pintuan.

" Heh! Wag ka nga! Wala namang makikita eh. Labas ka na! Hahahahaha! "

" Joseph isa! Sira ulo ka talaga! Labas na kasi, nilalamig na ako eh! Bella, paalisin mo nga yang jowa mo! "

" Oh? Narinig mo yung panget? Labas na daw at mag ibihis ang prinsesang gusgusin. " sabi ni bella tapos tawa ng malakas. (-___-) see? I told you, ganyan yang dalawa na yan.

" JOSEPH CASTRO ! LALABAS KA BA O LALABAS KA?! " naasar na ako. Promise, baka mapatay ko na talaga tong dalawang to.

" Wow! SHAEL DIVINA CONCEPCION! Sana binanggit mo na din pati birthday ko! Hiyang hiya ako sayo eh! "

Narinig kong tumawa si Bella. Tas maya maya, yung pinto parang padabog na sinara, si Joseph na yun. Hahaha! Asar talo !

" Uy girl, yung Sapatos mo binato ayun oh " turo nya. " Kamusta naman byahe nyo kahapon? " Tanong nya. Ang ganda talaga ng babaeng to. Ang puti, ang tangos ng ilong, medyo chinita din like me. Haaay! Ang swerte ni Joseph dito.

" Hmmm.. Ewan. Ang alam ko buong byahe akong tulog eh. Malay ko ba naman kasing dito pala plano nyo. Buti pala pumayag si mama? " sabi ko. Wait? San ko ba nilagay yu ng lotion ko? Baka naman di ko nadala?

" Oh! ( hinagis nya yung lotion nya. Haha! Alam nya talaga eh noh? ) Oo naman papayag yun. Nag footspa kaya muna kami bago ko sabihin yung plano ko, so yan! Wala na syang nagawa! Hahaha "

" Hay! Bella, sinasanay mo yung mama ko sa ganyan. Baka mamaya itakwil na nya ako. Hahaha! " Ang ganda ng lotion nya. Iba talaga pag Imported.

" Nah! Wala yun. Wala kasi si mama, diba. Kaya wag ka nang kumontra pa. " tumayo sya " Ligo na din ako girl. Babain mo na yung isa baka nagbigti na yun dun, banggitin ba naman full name eh. Hahaha! " pahabol nya bago pumasok sa banyo.

" Okay. "

Pagkatapos ng lahat, binaba ko na yung isa. Nakita ko sya nanunuod ng movie. Aba! Parang señorito lang ah? Nakapatong pa yung paa sa mini table. Nga pala, nandito kami ngayon sa bahay ng grandparents ni Joseph. Wala sila dito, nagdate ata? Hahaha

" Oy sir! Ayos yung pormahan ah? Señoritong señorito lang! " tumabi ako sa kanya. Ano kaya tong pinapanuod nya? Parang lamay ata. Puro nakaitim eh (-__-)

Di ako pinansin. Tumaray lang. Hahaha! Badtrip talaga sya.

" San si Bella? " di parin talaga sya nakatingin sakin. Nakafocus sa pinapanuod nya.

Di ako sumagot. Asarin pa natin. ( evil laugh )

" Hoy! Buang ka? Bat ganyan ka makatingin para kang demonyo. (-___-) " this time lumingon na sya, pokerface nga lang.

Second LoveWhere stories live. Discover now