Andito kami ngayon sa isang fast food chain. Grabe sobrang pagod! Halos nalibot na yata namin buong mall.. nagwindow shopping lang ako wala kasi akong perang dala, pamasahe lang talaga tapos yung pinambili ko ng kwekkwek na nilamon naman ng kasama ko! (-____-) . Gusto nya nga akong ilibre ng mga nagugustuhan ko, pambayad nya daw sa kinain nyang pagkain ko, kaso tumatanggi ako. Mamaya isumbat nya pa sakin eh. Hahahaha! Masaya naman yung paglilibot namin.. except lang nung nagpahabol sakin yung taong to.. nakakaasar talaga! (>\\\\<)
*Flashback*
Ang ganda ng upo ko sa loob ng tricycle habang nakapikit dahil ang sarap ng hangin! Kaya gustong gusto ko talagang sinosolo tong buong loob ng tri. E.. hehehehe
Ipapatong ko na sana yung paa ko sa may lagayan ng barya, yung nasa harap? ( Oy wala pong perang nakalagay dun okay? ) ng hilahin ako ni Zach palabas. (-___-)
" O-oy! Zach! Sandali nga lang! Kanina ka pa haaa! " sabi ko habang hinihila nya.
Di nya ako pinakinggan. Lakad takbo ginagawa namin. Tss! Infairness sakanya ha? Parang wala lang kasama. (-____-)
Nagpahila na lang ako kesa magpumiglas, baka lalo lang sumakit yung wrist ko kakahila nya.
Nagtingin tingin nalang ako sa mga nagtitinda sa paligid. Ang ku-cute ng mga tali! May malaking ribbon na red, white and maroon. May mga hair clips na malalaki, yung parang sa mga kpop? Tapos yung mga wallet, ang gaganda rin ng design. May mga magagandang damit. Hay! Konti lang kasi dala kong pera eh, bibili sana ako ng kahit isa sa mga yun. Haaaay!
Habang nagtitingin tingin, nakakita ako ng nagtitinda ng kwek kwek tapos fishball! Wow! Gusto ko non! (O/////O)
"Zach.. "
Di nya ko pinansin. Tuloy parin sya sa paghila sakin.
"Zach.."
Tsk! Malalagpasan na namin yung kwek kwekan!!!!
" Zach!!!!!! Ano ba tumigil ka na sa kakahila saakin! Ang sakit na nang kamay ko! " sabi ko. Hinila ko na yung kamay ko. Di pwedeng mapalagpas yung kwek kwek koooo!!! (T__T)
" Sorry.. gusto ko lang kasing i------ "
Di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Lumakad na ako papunta sa may nagtitindi ng steet foods.
Naramdaman ko naman sumunod sya saakin. Pagkalapit na pagkalapit ko kumuha agad ako ng plastic cups at naglagay ng 10 pirasong kwek kwek tapos 10 pesos na squidball.
" Hi manong! Pabili po ako. " sabi ko
" O sige iha. Kuha lang. Mura lang yan. Piso dalawa yang fishball.. tapos 3 isa yang kwekwek. " nakangiting sagot naman ni manong.
"Iww.. kumakain ka pala nyan?nakakahepa daw yan eh! "Pabulong na sabi saakin ni Zach habang tinitingnan yung mga kinukuha ko. Paka arte! Psh!
" Wag ka ngang maingay dyan, mamaya marinig ka ni manong! Tsaka, magtitinda ba yan sila ng ganyan kung marumi?! Mag isip ka nga! " Pabulong din na sagot ko sakanya habang naglalagay ng sauce. Eto yung mas nagpapasarap!
" tss! Kahit na! Di naman yan masarap! Yuck! "
Di ko sya pinansin at nagbayad na lang ako kay manong ng may malaking smile! (^_______^) Last money ko na to pero sulit!
Akmang susubo na ako ( Take note! Nakanganga na po ako ha! ) ng kunin nya yung pagkain ko at nagtatakbo papunta sa loob ng mall. (-___-)
Akala ko ba marumi? Gagang yun! Patay gutom din pala sa street foods kunwari pang hindi! Tss
At dahil yun lang yung pera na nasa wallet ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya ng puro kabwisitan ang dala. Ha! Mababadtrip na talaga ako sa kanya. Konting konti nalang. Gutom na pa naman ako!
YOU ARE READING
Second Love
RandomGusto mo ba ng magulong takbo ng kwento? Pwes, basahin mo to. (^________^)v charr! Hehehehe -izenggg