Tears Like Today
Chapter 1
“ang panibagong bukas ”
Sa bahay nang ng pamilya Rodriguez, kung saan nakatira ang isang dalaga na nagngangalang Jana sya ang unang kasintahan ng isa sa ating mga bida..
At habang pinipigilan sya nang kanyang ina sa pagaalis nito papunta sa maynila..dahil nakatira sila sa mactan, cebu..
“Jana, anak talaga bang di kana mapipigilan diyan sa pag-alis mo..!!” sabi ng kanyang ina na si Eloisa na apat napo’t apat na gulang na..
“Inay.. kailangan ko po umalis, para naman po sa atin ito at makapaghanap nang trabaho..!!” sabi ni jana na abalang nagaayos nang kanyang gamit..
“Pero anak pwede naman dito sa atin ah, hindi yung pupunta ka pa nang maynila para dun magtrabaho..!!” sabi ng kanyang ina..
“Inay..pwede naman po ako bumalik dito kapag may pera na..atska maraming trabaho pwede kung pasukan dun at makakapagpadala pa po ako ng pera sainyo at maipapatuloy ko na po yung pagaaral ko..!!” paliwanag ni jana sa kanyang ina..
Bumuntong hininga nalang ang kanyang ina dahil wala naman na sya magagawa dahil buo na ang pasya nang kanyang anak na si jana.. “Hayy!!.. oh! Sige na nga wala din naman ako magagawa at dahil malaki kana basta anak!!”..lapit nito sa anak at hinawakan ang kamay ni jana.. Magaalala ako para sayo at magiingat ka dun marami adik dun!!..sabi nang kanyang ina..
“Opo!! Inay maiingat ako dun, wag kayo magalala mahal na mahal ko po kayo nila itay!!” Binigyan ng dalaga ang kanyang ina ng matamis na ngiti at mahigpit na yakap nang bigla magsalita ang kanilang ama..
“Anak.. andiyan na ang sasakyan..!!” sabi ng ama niyang si Victor na apat napu’t limang gulang na..
“ Opo..itay!!” sabi ni jana at lumapit ito sa kanyang itay upang yumakap at makapagpaalam..
“Magiingat ka duon ahh!! Panatag ang loob namin dahil kasama mo ang tita Fely mo..!!” sabi ng kanyan ama..
“Opo.. itay magiingat ako dun..!!” sabi ni jana sakanyang ama..at lumapit sakanyang kuya Jon at ate Jen nya..upang yumakap at makapgpaalam..
“wag ka mag-alala kami na, bahala kila itay at inay..jana!!” sabi ni jen panganay sa magkakapatid..
At ng magsalita ang kanyang tita Fely upang makaalis na sila.. “Jana..tara na iha! At ng makaalis na tayo..baka maiwan tayo ng barko sasakyan natin..!!” sabi ng kanyang tiyahin na may edad na apat napu’t apat na gulang na may dalawang anak sa maynila..
“Oh! Victor at Eloisa ako na bahala kay Jana sa maynila uuwi din kami nitong maganda kung pamangkin hehe!!” Sabi ni Fely sa mag-asawang rodriguez..
Nakasakay na sila nang barko nang kanyang tita ngunit malamim ang kanyang isip habang nakatingin sa malawak na kalangitan..ito naman ay napansin nang kanyang tiyahin na kanina pa pala nakatingin sakanya..na kagagaling nang kanilang silid..
BINABASA MO ANG
TEARS LIKE TODAY - ( College High ) by: Dramaking_27
Fanfictiondrama is like a true life minsan kailangan natin makisabay sa agos nang buhay...hindi din kasi natin malalaman ang mangyayari kung hindi tayo sasabay, sa mga bawat araw na lilipas may mga tao tayong nakikilala may simple,mayaman o kaya may kaya sa b...