.
.
.
Chapter 1"Natatakot na talaga ako sayo kat kanina ka pa naka ngiti sa cellphone mo ang creepy tignan lalo na't wala ka namang kasama dyan" natatawa sya sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan nya.
Eh sa katext nya si John na kasintahan nya, they are months inlove but until now minsan lang sila magkasama dahil laging busy ang binata
"Sure ka bang walang namamagitan sa kanila ni Shania? Ang sweet kasi nila, pag hindi ko lang sila kilala napagkamalan ko na silang mag syota" kumunot naman ang noo nya sa sinabi ni Dharla
"Alam nyo namang walang malisya yun kasi mag bestfriend sila ako parin ang girlfriend nya kahit papaano" ngumiti sya at saka ibinaling muli ang atensyon sa pagtext
"Oo nga kat naaalala mo nung magkasama kayong tatlo? Si shania at john ang magkatabi tapos ikaw na girlfriend ay nasa likod lang nila. How come nakayanan mo yung ganung sitwasyon?" tiningnan nya si Cherry dahil sa sinabi nito, sa tuwing naaalala nya ang araw na yun naiirita talaga sya pero dahil ayaw nya masira ang araw nya nginitian na lamang nya ito
"Oo nga pala kat, kamusta kayo ni Kyle?" Biglang tanong ni Andrea na gumulat sa kanya
"Okay lang naman we're still friends" sagot nya habang patuloy parin na nagtetext.
"Bakit hindi na lang si Kyle yung syotain mo, mabait naman yun,may itsura at tahimik lang malay mo sya na yung destiny mo" huminga sya ng malalim at saka humarap dito
"Alam mo bi, mahal ko si John at ayokong masira kame dahil lang sa ganyan"
"So okay lang sayo na harap harapan kang ginagago ni John? Look, ikaw bawal makipag usap sa kahit kaninong lalake kahit na kaibigan pa natin kahit na tabihan ka hindi din pwede pero kapag sya nakipag landian sa iba okay lang sayo. Ano ba kat? Nagpapaka tanga ka talaga dahil sa lalakeng yan" hindi nya alam kung ano ang isasagot sa kaibigan nya.
Tama naman kasi ito pagdating sa kanya bawal lahat pero nagagawa naman ng lalake ang gusto nya alam nyang mahal nya si John pero hanggang kailan sya magiging sunud-sunoran dito? Yan ang tanong na hindi nya alam ang kasagutan.
"Kagaya na lang nyan oh" sinundan ng mga mata nya kung saan ito naka tingin at nakita nyang masaya na naghaharutan si Shania at ang nobyo nya.
May kirot sa dibdib syang naramdaman dahil sa nakikita at dahil dun hindi nya namalayan na umaagos na naman ang luha nya kung hindi lang tinuyo ng kaibigan nya ang luha sa pisngi nya.
"Does he really love you? Dahil kung ako lang ang tatanungin sa nakikita ko masaya sya sa piling ng babaeng yan kahit wala ka" mas lalo sya humagulgol dahil sa sinabi ni Dharla
"I can't believe na dito pa sa school sila naghaharutan and god! Alam ng babaeng yan na may girlfriend si John" hindi sya umimik pero nakatingin parin sya sa dalawa na masayang nagbibiruan sa di kalayuan
"Malandi lang talaga ang babae hindi nya nilalagay sa lugar ang sarili nya" ayaw nyang tanggalin ang mata nya sa dalawang tao na patuloy na nagkukulitan
"Pareho lang silang dalawa, hindi naman sya lalandi kay John kung hindi din magpapalandi ang lalakeng pokpok na yan" sagot nya sa mga ito at sa mga oras na yun nakaramdam sya ng galit sa kanyang puso
"So girl anong plano mo?" Tanong naman ni cherry sa kanya gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha dahil sa planong tumatakbo sa utak nya

YOU ARE READING
Distance
Fiksi RemajaShe's smart, beautiful, talented at all pero pag dating sa pag-ibig sya na ata ang pinaka bobo at tanga sa lahat. Hindi alam ni Kat kung may taong tatanggap pa sa kanya until one day he meet this guy that she never expected to. matatanggap kaya sya...