Long Distance Relationship

10 1 0
                                    

by; Fiona

Isang pag-ibig na hindi pinagkait pero hindi kayang paglapitin.
Panahon, araw ang lilipas
Sa kabilang ibayo nandon ang aking mahal
Mahal na sobrang sabik na sabik kong mayakap at mahalikan.

Gabi at Araw iniisip ka
Iniisip kong kumain kana ba
Iniisip kong ano ang iyong ginagawa
Iniisip kong tulog kana ba at;
Iniisip kong  miss mo Na din ba ako aking sinta.

Masaya na akong makausap ka kahit sa telepono.
Marinig ang halakhak mong bumubuhay, sa matamlay kong mata
Na sanay hindi na matapos ang  gabing kausap ka

Alam mo aking sinta natatakot ako;
Natatakot ako na baka isang araw manlamig ka
Natatakot ako na baka isang araw mapagod ka
Natatakot ako na baka isang araw! Isang araw sabihin mo sakin Na AYAW KO NA AT MAY MAHAL NA AKONG IBA😖

Pano na ako?
Pano na ang plano nating  dalawa
Pano na ang kasiyahan ko na maglalaho na lang na parang bula
Pano na ang sinimulan nating tayo at magtatapos pala ito ng KAYO

Hinihiling sa may kapal na kung mangyari ang araw na iyan.
Ipaglaban ko padin ang ating pagmamahal
Ipaglaban ko ang ating sinimulan na tayo at magtatapos ito ng  TAYO lang.
Ngunit kong ayaw mo Na talaga sige magpapahinga na ako aking sinta
Pagod na akong ipaglaban ang isang taong AYAW NA!

Kahit masakit at sobrang sakit!😭😭😭bibitawan kita
Hahayaan kong lumigaya ka sa piling ng IBA
At kakalimutan ang salitang TAYO
Dahil mula sa araw nayan Hindi na ako ang kasama mong bubuo sa araw mo

At sana sa araw na mangyari iyan
Alagaan ka sana ng mabuti ng taong ipagpapalit mo sa akin
Pero huwag kang magsisi kong ang pagaalaga niya ay dimo madama
Dahil ang sobrang pagpapahalaga at pagaalaga ay saakin mo lang nadama.

Kahit na may mahal ka ng IBA
Mahal na Mahal padin kita!
At hindi kailan hahanap ng iba na ipagpapalit sayo sinta
Dahil hindi ako gaya mo, dahil sa malayo nating pagmamahal napagod ka nalang ng biglaan;
At iniwan mo ako ng walang sapat na dahilan.

Masakit man pero hayaan mong,
Mahalin ka kahit na hindi na ako ang laman ng puso mo sinta
Ayaw ko ng itula ang SAKIT tama!
TAMA NA! ang linyang ito
Na sanay nadama mo ang sakit sa PUSO KO!
Salamat sa sakit salamat sa sawing pagibig.

 

Please vote and follow me
      "Thank You"
I hope you like it😁

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"TULA" Para Sayo Aking TalaWhere stories live. Discover now