by; Fiona's
Patawad sayo princessa
Dahil nakita gandang di inakala
Sa unang tingin nabihag bigla
Lungkot at saya aking nadama.Alam kung nakatali kana
Sa piling ng iyong sinisinta
Bakit hindi ako at bakit siya pa?
Dimo ba alam aking talaUmiiyak ako ng dahil sa sakit na nadarama
Patunay lang na mahal kita
Kahit alam kung may mahal ka ng iba,
Hanggang tingin nalang ba ako sayo tala?Alam ko't alam ng iba
Na may pagtingin ako sayo sinta
Nguti anong magagawa,
Kung ikaw ay pagmamay-ari na ng iba.Masakit isipin ngunit kailangang tanggapin
Pipiliting kalimutan,
Lahat ng nakaraan
Dahil ito ang dahilan kung bakit ako nasaktanMasaya ako dahil masaya ka
Hahanap nalang din ako ng iba,
Na magpapawi lahat ng aking luha
At sana nga mahanap ko na siya aking talaIbigin mo siya ng lubos
At mamuhay kayo ng puspus
Gusto ko sanang ikaw ang nais makasama sa pagtanda,
Ngunit iba ata ang ibinigay sa aking ng tadhana.Wawakasan ko na, tulang inalay sayo sinta
Sana nalaman mo na minahal kita
Kahit na mas minahal mo siya
Salamat sa saya at sakit na dinulot mo sa akin, aking tala.Hanggang sa muli nating pagkikita
Sana kayo padin ng iyong sinisinta
Dahil alam kung mahal mo siya
At mahal ka din niya :).#truelove
#experience
YOU ARE READING
"TULA" Para Sayo Aking Tala
Random"TULA" ng pag-ibig ito ay hango sa totoong karanasan na isinalaysay sa pamamagitan ng pagtula. Bawat kataga ay naranasan at napagdaanan ng tauhan kaya dapat irespeto at igalang dahil masakit masaktan.