"Nagmahal"

2 1 0
                                    

by: Fiona


Ramdam mo ba?
Yung saya at lungkot nitong aking nadarama.
Manhid ka ba o nagbubulag bulagan lang
Nandito ako sa iyong harap nakikita mo ba?

Tss siguro nga manhid ka, bulag ka ata eh
Kasi kahit anong gawin ko wala padin
Maling maging Tanga sa pagibig
Pero wala eh ganyan ka kaya tanga ka

Tinaman kasi ako ni paasang cupido
Saktong nakita ko ang istura mo
At boom lumiwanag bigla ang mundo ko
Pero biglang dumilim nong nakita kung umiwas ang iyong mukha

Dahil lang sa babaeng mukhang tilapia
Nakapag tataka pinagpalit ako sa mukhang isda
Pasensya Na pero mahal kita
Bat ka pa naghanap ng iba?

Kung Hindi rin lang ikaw
Bakit pa ako magtatagal
Sa piling na akala koy ikaw,
Na magsasama hanggang dulo ng lumbay

Masakit masaktan
Sa isang sugat na hindi kayang lunasan nino man
Pero bat ba tayo nasusugatan?
Kung sa unay ayaw nating masaktan

"Pinagtagpo pero hindi tinadhana"
Katagang sobrang sakit dahil  paulit ulit
Bakit pa kayo pinagtagpo
Kung hindi rin lang siya ang para sa iyo?

Hayaan nalang
Tatalikod at pipikit isisigaw nalang lahat ng sakit
Dahil ganon naman talaga
Tanggapin ang katutuhanan

Marami pang isda sa dagat
Hindi lang siya
Makakahanap din tayo ng isdang hindi na maghahanap ng iba
Dahil sa huli darating din yan maghintay lang.

#true
#you're simple

"TULA" Para Sayo Aking TalaWhere stories live. Discover now