CHAPTER 1: ANONYMOUS ADMIRER

5K 139 1
                                    

........

Kiel's Pov


Si Jason po NASA media ❤


Di pa din ako paka paniwala sa nangyari kanina . Pag ka baba ko ng entablado sinubukan kong sampalin sarili ko baka kasi nananaginip ako.. but no TOTOO LAHAT .

" Mr. Arevalo We need to talk ". Ngising Sabi sakin ni sir Quiroz . " Opo sir" . Sinundan ko si sir at pumasok kami sa faculty office .

" Mr. Arevalo again congratulations , you are lucky very lucky ". Sabi ni sir Del castillo " Thank you sir ". I smiled , " Mr. Arevalo inaayos na ng mga teachers ang mga papel mo . Then bukas ng hapon kailangan mo nang pumunta sa Manila , in my school , Ohh kunin mo tong envelope". He gave me a small envelope . " Yan pamasahe mo , btw I have to go GOOD LUCK KIEL ". Tinapik nito ang balikat ko at ngumiti ako ng bahagya. " Salamat po talaga sir. Saya saya ko po talaga". He laughed at kinaway ang kamay at umalis na. Lumabas na din ako ng Faculty Office para pumunta saming classroom.

Pagkalabas ko ng Faculty Office sinalubong ako kaagad ng aking adviser si Ma'am Delfino." Kiel napaka swerte mo naman at ikaw ang nabunot ng head ng AMU ". At tinapik ako nito sa balikat " Salamat Ma'am , di nga po ako maka paniwala". " Hmm.. Kiel naayos na pala lahat ng papeles mo at na move na ito sa AMU ( ATHENA MYTHIC UNIVERSITY ) sulitin mo na lahat ng oras mo dito sapagkat aalis ka bukas ng hapon". Paalala nito , Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Ma'am Delfino pano ba naman since Grade 7 she is my class adviser. And I'm very close to her, she treat me like her own son and also I treat her like my own mother. " Oo nga po ma'am nakakalungkot nga po pero I need to follow my dreams." Paliwanag ko ki ma'am at ito'y ngumiti " Galingan mo ha , ipakita mo ang galing ng mga rafaelites". At naglakad na si Ma'am " Opo Ma'am ".

( Btw St. Rafael National High School ang name ng school ko )

Ma mi-miss ko talaga lahat ng sulok sa paaralan na ito. Ang Canteen na tambayan naming mag ka kaklase pag walang guro . Ang School Ground, nakaka miss mag beat habang kinakanta ang Lupang Hinirang . At syempre ma mi miss ko ang one and only crush ko his name is Jason. (Singkit, Moreno , Tama lang ang katawan , Matangkad, Pantay at mapuputing ngipin at makalaglag na ngiti nito) that's how I described Jason. But palagi nya lang akong deadma sya ang lalaking una kong iniyakan

Pag dating ko sa pintuan sinalubong ako ng yakap ng aking mga kaklase kasi Wala na daw mag papasaya sa room , magiging boring na daw. Oo nga pala di ko pa nasabi TOP 1 PALA AKO DITO SAMING SECTION skl.. Umiyak ang iba kong mga kaklase . Grabe pati ako napaiyak na " Kiel Wag mo kaming kalimutan ha, kahit anong mangyari ma ma mi -miss ka namin. Yinakap ko sila ng mahigpit isa isa lalo na si Haizel my best friend . " Bessy Di ako sanay na wala ka , Wala na kong ka sabay pag uwi". Pabebeng sambit nito . " Ano ka ba Ahas, dadalaw ako dito syempre pag umuwi ako" pag lalambing ko sa kanya . Nag biglang tumunog ang Cellphone ko

Anonymous Texter :

Kiel pwede ba tayong magkita dun sa likod ng school after class may sasabihin lang akong importante.

Sino kayang nag text ito?? Tiningnan ko ang aking Relo 4:30pm na , 5pm ang tapos ng klase namin. Curious talaga ako kung sino to. So I replied

" Ha ? Sino ka ba? "

At Bigla naman itong nag reply kaagad

" Kung gusto mo kong makilala mamaya pumunta ka sa ating tagpuan sa likod ng school ".

-anonymous admirer

" Ha? Ok Po Ano bang sasabihin mo sakin pwede naman sa text na lang " reply ko sa kanya

" Basta pumunta ka na lang"

- anonymous texter

" Hooyy ano na bessy busy may ka text , may jowa ka ?? Pabirong Sabi ni Haizel " Haizel mamaya mauna ka ng umuwi ha may pupuntahan lang ako" pakiusap ko sa kanya at nag isip pa talaga ang ahas ng sagot

"Ok"

After a few minutes biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase

Agad kong kinuha ang bag ko at pumunta sa likod ng school

Sa aking paglalakad panay ang tingin sakin ng mga estudyante . May mga nag congratulate sakin

Nasa likod na ko ng school building namin. Kung saan makikita dito ang mapunong lugar. Mabulaklak na may iba't ibang kulay at nakaka relax ang simoy ng hangin. Dito ako pumupunta pag gusto kong mapag Isa.

Sa di kalayuan may nakita akong upuan na gawa sa kahoy. Naaninag ko ang isang lalaki na naka uniporme at naka ngiti itong sasalubong sakin ngunit Bigla itong tumalikod

Papalapit na ako ng papalapit ngunit parang nakikilala ko na sya . Nakatalikod sya sakin at nasa harapan nya na nga ko

"Hi" bati ko sa kanya. Bigla syang humarap sakin

"Ikaw" salitang kumawala sa aking labi

Gulat na gulat ako ng makita ko ang mukha nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Di ko namalayan na bumagsak na pala ang mga luha na nanggagaling sa aking mata.

ITUTULOY ...

A/N

Sino kaya ang anonymous texter na ito?? Ano kayang pakay nya sating Bida?? At ano ang kanyang sasabihin??

Salamat sa pagbasa ng unang kabanata

Keep Voting Guys!! Update ko mamaya next chapter ❤

Comment your negative opinion in a nice way para mas ma pa improve ko pa 😊

He's Dating The Casanova Prince ❤ ( On Going ) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon