Chapter 3: Welcome to ATHENA MYTHIC UNIVERSITY

3.1K 103 3
                                    

CONTINUATION ....

Si Kiel po NASA media 💖






Naglibot libot ako sa Cubao Terminal para hanapin ang sasakyan papuntang Marikina dun kasi naka locate ang school na papasukan ko, ang init pa naman ,sari saring amoy . Nagtanong tanong ako hanggang sa nakita ko ang sakayan pa Marikina

Hanggang sa naka hanap na ako ng masasakyan

" Kuya Concepción po dun po sa may Athena MYTHIC UNIVERSITY " at inabot ko ang bayad sa driver ng taxi. Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa pagod

After a few minutes bigla na lang akong nagising sa boses ni Manong " Sir , nandito na po tayo " sabi ng driver at yinugyog ako nito. Naalimpungatan naman ako at binaba ko ang mga gamit na dala ko.

Tumambad sakin ang kulay asul na gate at may limang gwardya . Napanganga naman ako sa sobrang Ganda ng gate parang gate sa mga sikat na university sa Korean drama na napapa Nood ko . Bihira lang ang isang tulad ko na makaapak dito halatang mayayaman ang mga estudyante dito. May mga babae na naka tayo sa may gate at iba ang titig nila sakin.

Di ko na lang sila pinansin at agad akong pumunta sa gwardya . Nag tataka ako dahil ang Dami ng estudyante dito sa may tapat ng gate , mukhang may hinihintay sila. Puros mga babae at mga katulad kong bakla ang nandoon.

" Sir, bat ang Dami pong estudyante dito ? " Tanong ko sa isang security guard. Tinaasan nya ako ng kilay " Di mo ba alam na dadating ngayon ang anak ni Sir Gilbert " naka ngiting sagot sakin ng isang guard

Akala ko kung ano na , sus simpleng bagay kala mo homecoming ni Catriona Gray sa daming student sa may gate .

" Sir Nasan po ang Registrar Office ?" Tanong ko sa Guard
" Sino ka ba ? " -guard "I'm Kiel Arevalo " linahad ko ang kamay ko at nakipagkamayan na din sya. " Ahh Ikaw ba yung scholar? " Tanong sakin ng guard " Opo ako nga po " magalang kong sagot sa kanya " Pasok po kayo, diretso lang po kayo and then Kanan po tapos akyat po kayo sa 4th floor ng building dun po sa building of Apollo pwede naman po kayong gumamit ng elevator if you want " sabi sakin ng babaeng guard . " Salamat po " at nag bow ako sa kanya

Bongga inspire sa Greek mythology ang school na to.
Habang naglalakad pinagmasdan ko ang Paligid ng paaralan na ito . Daming mga Puno at bongga ang linis. Daming bulaklak at wow sobrang ganda ang court nila kala mo dito naglalaro ang NBA sobrang kintab ng sahig. Daming mga estudyante ang naglalakadlakad mukhang Wala pa silang pasok . Para akong nasa ibang bansa . Ang School Ground na sobrang lawak at kulay berde.

After 10 minutes na paglalakad
Tumambad sakin ang apat na building , may limang palapag kada building .Kada building ay may mga rebulto ng apat na diyos at diyosa ng Greek myth . Sa isang building makikita ang rebulto ni Poseidon. Sa isang building naman kay Apollo . Sa isang building kay Aphrodite at ang pang huling building kay Hera. Fan ako ng greek myth kaya Kilala ko ang mga rebulto na naroroon. BUILDING OF APOLLO ang sabi ng guard kaya dun ako sa may building na may rebulto ni Apollo, tumawid ako sa kalsada ng biglang may paparating na kotse .

Napasigaw ako at natumba ako Buti na lang na preno nya . Uminit ang dugo ko sa driver nang kotseng ito . Agad akong tumayo at lumapit sa kotse " Hoyy driver na bobo ano ba ? Di ka ba marunong magmaneho
O sadyang tanga ka lang talaga alam mong may tatawid at dirediretso ka pa " sigaw ko sa driver ng kotseng ito. Dahilan para lumapit ang mga estudyante. Sinipa sipa ko ang gulong ng kotse sa sobrang inis ko , nakakagigil kasi ehh

Bumukas ang pintuan ng kotse at linuwa nito ang isang lalaki . Matangkad , Matangos ang ilong may tantalizing eyes at Shiittttt ang ganda ng lips nya kissable talaga sya, akala mo artista dahil sa sobrang puti at kinis ng skin nito . Ohh his eyebrows and eyelashes na sobrang ganda at perfect .

He's Dating The Casanova Prince ❤ ( On Going ) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon