CHAPTER 2: Hello Manila

4K 104 1
                                    

Continuation....

Si Jason po NASA Media ❤

" Kiel" malambing nitong Sabi

Aalis na sana Ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko

" Kiel Wag ka munang umalis matagal ko nang gustong sabihin sa yo to kaso nahihiya talaga ako "

" Jason , bakit , ano bang kailangan mo sakin" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko

" Kiel gusto kong sabihin sayo na....." Pa utal na utal na sabi ni Jason

Umiiyak ako ngayon sa harapan nya , tumatakbo sa isipan ko ang mga alala kung paano ako umasa . Ang tanga ko dahil sa lahat ng lalaking dapat mahalin bakit sya pa ? Na alam ko naman na imposimbleng maging akin because of our gender.

" Ano ba Jason? Ayaw ko na , Oo aaminin ko mahal kita dati pero ayaw ko na sawa na ako n dinideadma mo lang ako " umiiyak ako ng mga oras na yun

Naramdaman ko na lang na may biglang yumapos sa aking katawan. Bumibilis ang tibok ng puso ko at parang gustong makawala

" Kiel Mahal na mahal kita , sorry kung dinideadma kita dati , takot kasi ako sa sasabihin ng ibang tao. Takot akong mahusgahan"
Di ako maka paniwala sa sinabi nya, ako na isang sirena magugustuhan ng isang katulad nya ,naramdaman kong tumutulo na rin ang luha nya.

" Will you be my Gayfriend?"
Nahihiyang Sabi ni Jason. Tinitigan ko ang maamo nyang mukha at ang tangos ng ilong nya

" Yes " di na ako nag paligoy ligoy pa at yinakap nya ko. Naramdaman ko na lang na gumaganti ako sa kanyang yakap

Ilang minuto at inalis ko ang katawan ko sa pagkakayakap ko sa kanya . Hinawakan nya ang kamay ko at hinakbang namin ang aming mga paa at tinahak ang Daan

Makikita sa mukha ng mga estudyante ang pagkagulat.

Ang taong pinakamamahal ko
Ang taong kinababaliwan ko
Ay hawak hawak ang aking kamay

" Kiel hatid na kita" papilit nitong sabi.

" Hmm.. Wag na kaya ko na malapit lang naman " nakakahiya naman kasi sa kanya

" Ayaw kong napapagod ang asawa ko " at nanlisik ang mata nito na akala mo'y Galit

" Sige na nga " at sumakay na ako sa kotse nya

( HABANG NASA BYAHE )

" Ohhyyy bhee di ba nakuha ka sa AMU CONGRATS nakaka proud ka naman " - Jason

" Hmm..Oo nga aalis na ako bukas" - ako

" Ano?? Aalis ka na agad bhee naman ohh ngayon nga lang tayo nag karoon ng time sa isa't isa" bulyaw nya sakin na animoy nagagalit

" Ano ka ba naman ? Golden Opportunity to bhe grab ko na to, Wag ka mag alala di kita ipagpapalit" palambing Sabi ko sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi

Maya Maya nasa Tapat na kami ng eskinitang patungo sa bahay namin

" Bhe susunduin kita bukas ng hapon !! Love you " paalam ni jason at umalis na nga ito

.........

Pagpasok ko sa pintuan ng aming bahay nagulat ako dahil sobrang dilim ng paligid

" Mother Earth, Father Earth" tawag ko saking magulang kasi kinakabahan para bang may mali

At nang biglang lumiwanag  " Surprise Kiel" Sabi ng aking mama na katabi si papa

Ngumiti ako at yinakap ko sila ni Papa . " Congrats nak , sayang saya ko dahil makakapasok ka sa unibersidad na pinapangarap ng karamihan" bati sa akin ng aking ama . Tiningnan ko ang paligid nakita ko ang mga kaibigan, kaklase ko at  linapitan ko sila

He's Dating The Casanova Prince ❤ ( On Going ) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon