//2// The Other Side

2.1K 40 29
                                    

Dedicated to @AGirLinPurpLe Salamat po sa pagbabasa! :)))) <3 Nakakatuwa mga comments mo. <3

Salamat din sa inyo! Naappreciate ko bawat comment at vote niyo.  :))Just wait for the next chapters at idededicate ko na sa inyo! :))

Natry ko na ang isang chapter na pure tagalog~ Try ulit. Tagalog at english. Pwede po ba malaman kung ano ang mas magugustuhan niyo? :))) 

Salamat. :)

//2// The Other Side

It's early evening when their mini celebration was finally over. Napagdesisyunan nila na ngayon palang mamamasyal, medyo weird man, pero lubos mong maappreciate ang City of Esuna dahil sa ganda nito, lalo na kung gabi. Makulay at enchating, ito ang mga salitang maaring mag-describe dito. City of Esuna is also known as the City of Colors, and it is totally breath-taking.

Sa kabilang banda, abala si Keira sa paglilligpit ng kanilang pinagkainan ay nilapitan siya ng kapatid niya na si Kaila. "Ate.." Sabi nito at kinakalabit pa siya. "Ate..." Kinalabit pa ulit. "Ate..." At kinalabit pa ulit.

"Hahahaha. Ang kulit mo talaga." Nilingon ito ng ate niya, medyo yumuko ito para guluhin ang buhok ni Kaila. "Ano ba iyon ha?" Sabi niya habang nakangiti.

"May ibibigay din po pala kami sayo ni kuya!!" Sabi naman ni Kaila ng nakangiti. Hinahatak nito ang damit ng ate niya, pinipilit na sumama sa kanya. "Ate ngayon na~ Tara na punta ka na sa loob ng bahay!!" Sabi nito at nag-puppy eyes pa sa kanya ang bata. Napabuntong hininga nalang si Keira dahil alam niya na hindi siya titigilan ni Kaila hangga't hindi nito nakukuha ang gusto niya at sumunod na ito. "Yeyyyy!! Bilisan natin!!" Sabi nito at tumalon-talon pa.

"Haaay. Ang kulit kulit mo talaga~ Bakit ba parang excited ka ha?" Tanong ni Keira. Kaila only giggled, leaving her question unanswered.

Dinala ni Kaila ang kanyang ate sa loob ng kanilang bahay. "Ate, dito ka muna!! May kukunin lang kami ni kuya! Hintayin mo kami~!" Pakanta nitong sabi at tumakbo na palayo sa kanya. "KUYAAAAA!! NASAAN NA YUNG GIFT NATIN!!" She heard Kaila's voice. Maraming katanungan sa isip ni Keira. Para saan kaya iyon? Anong regalo naman ang sinasabi nila?

Bumalik na si Kaila, kasama na ngayon ang kuya niyang si Khael at dala-dala ang isang wooden box. May kalumaan na ang lalagyan na ito puro alikabok at kupas na ang kulay nito.

Lumapit sa kanya si Kaila, tumuntong pa ito sa upuan para lang matakpan ang mata ng ate niya. Pero hindi niya alam, nakakasilip naman si Keira sa pagitan ng mga daliri nito. "Eto na po ate!! 1...2...3...." Sabi nito at nagbilang pa. "Kuya i-ready mo na!! BIlisan mo hangga't hindi nakikita ni ate!!" Sabi niya na natatawa.

"SURPRISE!!" Sabay nilang sabi at inalis na ni Kaila ang kamay niya sa mga mata ni Keira. Kahit sa una palang, nakita na rin naman ni Keira ang lahat.

Pero kahit na ganun, nanlaki ang mga mata ni Keira. "Y-yung k-kwintas.." Gulat niyang sabi. "I-ilang taon na yan n-nawawala ah?" Hindi siya makapaniwala. That necklace was already missing a couple of years ago. Zandor gave it to Keira when her parents died. That necklace is very precious to her since it was a gift from her parents, and serves also as the last memory of them.

Sa unang tingin aakalain mo na isa itong ordinaryong kwintas, ni hindi ito gawa sa gold. Ito lang ay simple. Pero kung titingnan, ang pendant nito ay kakaiba. Tear-shaped ito, para itong crystal na kapag tinitigan ay may bagay na kahanga-hanga sa loob nito, the white flame and the black flame, embracing each other. Ito ang pagkakakilalanlan ng Sahveda family, ang kanilang insignia.

Mist Academy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon