//4// Life or Death?

508 33 19
                                    

Here is your dedication ITSMEYOURLOOKINGFOR. :))))

Special mention kay baeminseul29 at Sapphire-Princess. Hello~ Sorry nasira ko ang expectation niyo kay Zandor. XDD

Congratulations sa mga nakaabot sa chapter na 'to! Mamaya niyo malalaman kung bakit. :))

//4// Life or Death?



Nagising si Ice nang makarinig siya ng tunog ng isang bell. Ibig sabihin nito ay ika-6 na ng umaga at kailangan nang gumising. Napabuntong hininga siya, walang ganang bumangon. Her eyes were still closed. Another day without them. She said to herself. Hanggang ngayon hindi niya pa rin matanggap ang mga pangyayari. Each day that goes by seems a nightmare, it haunts her every day and night. And when she closes her eyes, she remembers everything.




She's getting bored and tired. But she couldn't do anything.

   

Gigising siya. Kakain. Matutulog ulit.



Masyadong paulit-ulit. Nakakapagod pala. Simula nang dalhin siya sa kwartong 'to nalaman niya kung gaano kahalaga kung masaya ka. Dahil nang mapunta siya dito, walang dahilan para ngumiti o tumawa. To her, everyday is a misery. Could I even escape this hell?




She stared at the ceiling and sighed. Iniisip niya kung paano siya makakaalis sa lugar na 'to. Nakakasawa na. Sa totoo lang, galit siya. Galit siya dahil hindi niya naman alam ang maling ginawa niya. Is it bad if I wished for happiness? And damn it, she hates the system implemented by their kingdom. It's too unfair.



She was accused of being someone she wasn't in the first place. Ice knows she's poor but being poor doesn't mean that she is already a bad person. But in their kingdom, being poor is already a sin. She needs to be punished. Hindi sila tanggap sa kanilang kaharian. At dahil doon, lahat ng tao ay iisipin na masama ka. Pagbibintangan ng mga bagay na hindi mo ginawa, tulad nang nangyari sa kanya.



Bumangon siya at humarap sa isang salamin.



Isang taon na pala ang nakalipas.



She noticed her appearance. Ngayon lang niya napansin kung gaano kalaki ang itinanda ng itsura niya. Hindi naman talaga tumanda. But she looks tired and stressed. Parang sa unang tingin palang sa kanya, maiisip na pinagbagsakan siya ng langit at lupa.



Napansin niya rin ang paghaba ng kanyang buhok. Hanggang bewang na ito, malayo sa buhok niya dati na hanggang batok lang. Naninibago siya. Ngayon lang niya ulit naranasan na humaba ang buhok niya dahil unang-una, bawal ito. Bawal silang magpahaba ng buhok, dapat laging maikli. Para sa unang tingin palang, alam na kung sino ang mga mayayaman at basura sa kanilang kaharian.



Umupo siya sa kanyang kama. Everything in her room is plain white. Mula sa kisame, mga gamit, kama at kung anu-ano pa! Daig pa nito ang isang kulungan dahil mag-isa lang siya pero hindi naman siya makaalis dahil ang kwarto niya ay naka-seal gamit ang isang spell, isang mist.


But there is something magical with this room. It is like a huge canvas. Kapag hinawakan ito ay nagkakaroon ng kulay depende sa gusto mo. Kung gugustuhin, maari ka nang makagawa ng isang painting o abstract gamit ito.



Napalingon si Ice nang marinig niya na may kumakatok sa kanyang pinto. "Ako 'to si Lore."  Sabi ng boses na narinig niya. Hinintay niya na bumukas ang pinto dahil hindi naman niya mabubuksan ito.


"Lore!" Masayang pagbati ni Ice nang pumasok si Lore sa kanyang kwarto. Isang lalaki ang naglakad papalapit sa kanya, matangkad ito at may suot na salamin.




Lore smiled back. Si Lore ang unang kaibigan niya nang dalhin siya sa academy. Isa siyang high-ranked mage at guro din sa academy. Umupo siya sa isang wooden stool. "Okay na. Nakalipat na sila." Sabi niya habang nakangiti. "Buti nalang napapayag ko na si Kaila at Khael."




Napabuntong hininga si Ice. "Ah. Buti naman." Maikling sagot nito saka ngumiti. Nahalata naman ni Lore ang kalungkutan niya sa kanyang boses. "Wag ka mag-alala. Sigurado akong aalagaan nila si Keira at Khael."



Ngumiti si Ice. "Oo naman. Buti nalang may mag-aalaga na sa kanila." Sa totoo lang, hindi alam ni Ice kung ano ang dapat nilang pag-usapan. Siguro nga, magiging masaya si Khael at Kaila dahil meron nang mag-aalaga sa kanila. Yung makakayang alagaan sila at maiibigay ang mga gusto nila. And she's very thankful to Lore. Lore took care of Kaila and Khael when Ice was already imprisoned. Now, Lore found someone who will adopt her brother and sister.

Mist Academy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon