//3// The Chase

685 38 29
                                    

Dedicated kay @KATEYKATE_14 <3 Salamat sa comment mo na yun. :))

Sa mga ibang nagbabasa ng story ko, salamat po. <3 Madededicate ko rin ang isang chapter sa inyo sa susunod. :))) <3

Sorry kung may errors, lalo na sa grammar. Hindi ako expert sa english lol

Here it goes. :)

//3// The Chase

They looked at the evening skies, aside from the moon and the stars, they saw an enormous beast soaring through the sky. Sa unang tingin, mapapansin agad ito dahil isa itong dragon. But its appearance differs from the others, it has a ring around its neck, binding upon it. The ring around its neck has a symbol engraved at the middle of the ring. Ibig sabihin nito ay ang simbolo ng pamilya Sahveda. Ang kulay naman nito ay kulay abo. Kahit sino man na makakakita dito ay kakatakutan ito, sa laki palang nito, sa itsura at sa taglay nito, ang mist. Zandor has a mist, a Fiera. And as it landed on the ground, it bowed its head as a sign of respect to its master.

"Zandor!!" Sigaw ni Khael at Kaila.

Napangiti si Ice. Naalala niya ang kanyang ama. Her father is a mage, a great summoner and a beastmaster. Si Zandor ay isang "Gaia", ito ang tawag sa mga uri niya. Isa silang uri ng halimaw na mailap sa mga tao. They have a violent nature. Ayaw nilang iniistorbo ng kahit sino. To them, everyone is a foe, an enemy. And her father, was able to make it as his friend, his servant. At dahil dito, lalo niyang hinangaan ang kanyang ama.

Agad namang nagtatakbo si Kaila at Khael papunta kay Zandor. Namiss nila ang alaga nila! Sa totoo lang, malaki ang naitulong ni Zandor sa kanila. Utang na loob ni Keira ang pagtulong nito sa kanila mula nang mawala ang kanilang mga magulang. Kung wala si Zandor malamang wala na rin sila. Si Zandor ay tumutulong at nagdadala ng pagkain sa kanila, mga prutas at iba pang mga sariwang pagkain. Kahit gaano man kinakatakutan ang mga tulad niya ay kabaliktaran ito ng pinapakita ni Zandor, kaibigan ang turing nito sa kanila at dahil ito sa kanyang ama.

"Ate aalis na po ba tayo? Gabi na rin po eh. Kung dito nalang po kaya tayo tapos makikipaglaro kami kay Zandor?" Tanong ni Kaila kay Ice na nasa harap din ni Zandor. Si Khael naman ay pilit na umaakyat kay Zandor. Nginitian siya ni Ice. "Ayaw mo ba mamasyal ngayon habang nakasakay kay Zandor?"

Nagliwanag ang paningin ni Kaila ng marinig iyon. "Sige po ate!! Alis na tayo!! Wowww!! Gusto ko po malibot ang City of Esuna!! Unang beses po natin ngayon mamamasyal eh!" Sang-ayon din naman si Khael dito, matagal na rin niyang pangarap na makalibot sa kanilang lugar lalo na at gabi! Siguradong maganda ang makikita nila!

Dahil dito, napagkasunduan nila na sumakay na kay Zandor. Si Zandor naman ay mukhang masaya rin dahil agad itong yumuko para madaling makaakyat ang magkakapatid. "Woohhh!! Aalis na tayo! Yeheeyyyy!!" Masayang sigaw ni Kaila. Agad na umupo si Kaila. Nakaupo na rin si Khael pati si Ice, na nasa dulo para mabantayan ang mga kapatid.

A transparent ball of mist was formed inside Zandor's mouth. After few seconds, Zandor launched the energy ball into the air. It looks like they were inside a transparent bubble. Paunti-unti ay umaangat na sila mula sa lupa. Masayang nagsalita si Kaila, "Yeyyy!! Aalis naaaaaaa!! 3....2....1..."

"Waaaaaahhhhh!!" They screamed when Zandor accelerated into the air. This is what Ice wants. She wanted her little sister and brother experience something special, something different. "Ang saya namaaaaan po!! Ito na po ang pinakamasayang birthday koooooooo!" Sigaw ni Kaila habang nakataas pa ang mga kamay. Their laughter filled the air. It seems their happiness, lighting up the atmosphere, replaced the darkness of the night.

Mist Academy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon