//1// Promise

1.3K 53 22
                                    

Dedicated to @PrincessPayn. Salamat sa pagvote at comments! Nakakatuwa naman. *u*

Salamat din po sa ibang nag vvote at comment~ <3

Siguro medyo magulo ang dating ng mga unang chapters. Para mamaintain ang mystery ng kwento. Hahahahahaha. I guess mula chapters 1-3. But soon.. den den den den! lol

(Note: In pure tagalog ang chapter na ito. I-eedit kapag naisingit sa schedule~ pero ang mga susunod na chaps ay taglish na.)

//1// Promise

Isang hapon, sa gitna ng isang malawak na hardin ng Esuna ay may isang puno na halos kasing taas ang isang gusali na may sampung palapag. Ang punong ito ay kilala sa tawag na Rainbow Tree. Ang mga dahon nito ay makukulay at kumikislap tulad ng mga bituin. Ang kulay ng mga dahon nito ay katulad ng kulay ng isang bahaghari at nag-iiba kapag nasisinagan ng araw. At ang mga bulaklak na nakapaligid dito ay kakaiba rin, kapag hinawakan ito ay may lumilitaw na mga colorful orbs, na lalong maganda kapag gabi.

Sa ilalim ng Rainbow tree, ay may isang babaeng nakaupo at nakatingin sa mga ulap. Ang hangin ay umiihip at tinatangay ang kanyang maikling buhok.

"Nakakainip!" Ang sabi niya at napabuntong-hininga. Ilang oras na nga ba siya nandito? Isa? Tatlo? Dalawa?

Ibinagsak niya ang katawan niya sa damuhan, bumuntong hininga at mahinang nagsalita. "Pitompu't pitong puting tupa. Pitompu't pitong puting tupa. Pitompu't pitong puting tupa. Pitompu't pitong puting tupa. Pitompu't pitong puting tupa. Pitompu't pitong puting tupa. Pitompu't pitong puting put-----" Napatigil siya bigla. "Oops---tupa. Hehehe."

"ATE KEIRA! ATE KEIRA!" Napatigil siya nang marinig maliit na boses ng isang batang babae. Lumingon siya dito at nakitang tumatakbo ito kasama ang isang batang lalaki papunta sa kanya.  "Ate Keira! Ate Keira!"

"Shhh!!" Sabi niya at biglang tinakpan ang bibig ng bata. Tumingin siya sa paligid, buti nalang, mukhang wala namang nakarinig na sinabi nito ang pangalan niya. "Sorry po ate. Hehe." Sabi ng bata na natatawa pa.

Tulad ni Keira, ang mga batang kasama niya ay kamukha rin niya ng ayos ng kanyang buhok, maikli din ito.

"Tingnan mo 'to ate oh! Ang ganda ohh!!" Sabi ng batang babae na may halong pagkamangha. Inilahad niya ang kanyang kamay, isang batong kumikinang ang kanyang hawak. Mas malaki ang bato kaysa sa kanyang kamay. Ang kinang nito ay parang sa isang diamond, pero ang pinagkaiba ay kulay green ito. "Ang ganda 'diba?"

Nagtatakang tumingin sa kanya si Keira, "Saan mo 'to nakuha?"

Hindi ito pinansin ng bata, puno ng excitement ang kanyang mga mata. "Ate kapag binenta ba 'to sa mga travelling merchant may pambili na tayo ng masasarap na pagkain?" Tuwang tuwa pa ang bata na ipakita ang iba pa niyang nakuha, kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa. "Tingnan mo ate! Ang dami nito oh!"

"Kahit nga si kuya meron eh! Ang ganda rin ng sa kanya kulay blue na parang violet!! Favorite color mo iyon ate diba?" Dagdag pa nito.

Agad tinawag ni Keira ang batang lalaki at tinanong,  "Saan niyo ba nakuha ang mga 'yan?"

Mist Academy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon