JASMINE'S POV
Nandito na kami sa aming sariling table ewan ko lang pero simula nung mabuo ang grupo namin dito na lagi kami naupo.
"Guys ano sa inyo? Kami na ni Sophie ang ooder." Sabi ni Andrei habang maarteng nakatayo sa harapan namin.
"Carbonara, fries at Ice tea yung sa akin" sabi ko sa kanya sabay bigay ng pera.
"Same" yun lang ang sinabi ni Ash. At pumunta na yung dalwa sa counter para mag oder ng kakainin namin.
Habang iniintay namin sina Andrei ang kaninang magulo at maingay na canteen ay napalitan ng tahimik at nakakatakot na mga mukha.
Okay I know why! The one and only bitch is here. Sabrina Scarlet Logan. Ang apo lang naman ng school na pinapasukan namin.
Tumingin ako sa entrance ng canteen at hindi nga ako nagkamali nandito pala silang tatlo! Yup tatlo sila.
Si Nicole Belle Castillo siya ang pinaka play girl sa kanila baka 70% ng lalaki dito sa school naging Boyfriend na niya. Para lang siyang nag papalit ng panty kung makapag palit ng Boyfriend if I know pinaglalaroan lang niya talaga ang lalaki.
Uy di ako chismosa ha. Sadyang alam ko lang!
Si hailee Taylor Morgan. Siya naman ang pinakamatalino no scrach that pangalawala pala sa matalino. Lagi siyang seryoso pag dating sa buhay. At laging may daladalang libro pero di makakaila na may bad attitude din siya. Pero kung yun ay kakalabanin mo siya.
And the last and not the least ang pinaka bitch nilang kaibigan na walang sinasanto pati teacher. Walang iba kundi si Sabrina Scarlet Logan. Ang babaeng mortal na kaaway ko simula pa nang tumongtong ako sa paaralang ito ay di pala simula pa nung nag kagusto ako kay Ken. Mayaman siya at matalino. Beauty and brain ang meron siya at money. Pero saksakan naman sa sama ng ugali.
"Hey Jas your spacing out" sabi sa akin ni Ash.
"Kaloka ka te kanina pa kami dito pero kanina ka pa nakatingin ng masama kay Sabrina di pa rin maka move on te?" Sabi sa akin ni Andrei habang nakain.
Di ko napansin ang pag dating nila. Ganun na ba ako natulala kanina?
"Paki alam mo ba!" Sabi ko sa kanya sabay kuha ng carbonara ko.
"Uy bakla sukli ko!" Sabi ko nang mapansing wala sa tabi ng pagkain yung pera.
"Hoy para sabihin ko sayo te. Tip mo na yun sa akin. Susko po bente pesos lang pinagkakait mo pa!" Sabi nito habang sumusubo.
Kahit kelan wala talagang maners tong baklang to!
"Panload ko pa yun eh! Tyaka wag ka ngang magsalita! Don't talk with your mouth is full!" sabi ko dito sabay irap.
"Yaman mong yan! Pati wala akong pake!" Sabi nito at tuloy pa rin sa pagkain nya! Yuck talaga!
"Anyways di ka pa rin nakakapag move on?" Tanong sa akin Sophie.
Hirap kaya nun lalo pa kung di naging kayo. Magiging kami naman sana eh kung hindi lang umepal yang si Sabrina na yan eh!
Liligawan na sana ako ni Ken my prince charming! Nag sabi na siya sa akin at sa mga kaibigan ko kung pwede ako ligawan kaya sabi ko oo magpapabebe pa ba ako eh si crush na yung lumalapit. Pero sabi ko maghintay siya dahil di pa nga ako pwede mag ka Boyfriend because you know study first ang motto ng lola niyo. Hanggang sa isang araw nakita ko na lang siyang laging kasama si Sabrina di ko alam kung anong nangyari at bigla na lang naging ganun. Haggang sa sinabi niya na ititigil na daw niya ang kanyang panliligaw. O diba napaka! Kung kelan balak ko na siyang sagutin nun dahil pinayagan na ako nina mama pero ano binalewala lang niya.
Ilang gabi din ako nung nag iiyak kahit na di naman talaga naging kami. Mas masakit pala yun no! Yung hindi naging kayo pero kailangan mong mag move on!
"Ay o parang tanga na naman!" Sophie
"Ulaga kamo!" Andrei at narinig ko silang nagtawanan
"Hoy! Nakatanga ka na naman tinatanong lang kung naka move on ka!" Sigaw ni Sophie na ang akala mo ay ang kausap ay nasa kabilang bundok.
"Sasagot naman ako eh! Di mo kailangang sumigaw!" Sigaw ko rin dito. Kala mo mag papatalo ako di no!
"Di naman ako nasigaw ha! In fact bumulong nga lang ako sayo!" Sigaw pa ri niya.
Wow! Bulong pa yun sa palagay niya? Eh ano pa kaya ang sigaw?
"Anong hindi eh ang taas taas ng boses mo!" Sigaw ko rin sa kanya. Kala niya!
"Sa ganun yung bulong ko eh ano magagawa mo!?" Ganting sigaw na naman nito sa akin.
Sisigaw na sana ulit ako nang may ibang sumigaw malapit sa table namin.
"If you're here for noise and shouted each other you can go because you're bothering our quiet meal!" Sigaw din nang hindi nagpapahuling si Sabrina.
At dun ko lang din narealize na ang dami nang nakatingin sa amin! Shit! Nakakahiya!
Nakita ko din ang kakambal kong natatawa kasama nya ang ex ko! Ex manliligaw ko! Na nakatingin din sa amin!
My gosh! Nakakahiya talaga!
"Eh bakit ka ba kasi nakikinig!?" Ganting sigaw ko dito. Bahala na!
"How can we not hear you? If you're shouting in each other?" Sabi nito na nakatingin sa akin ng masama.
"Eh di mag takip ka ng tenga mo!" Sabi ko at lumapit pa sa kanya.
Trip kong inisin naman siya ngayon!
"What' wrong with you? You're such a stupid silly Girl" sabi nito na parang normal lang yung sinabi niya.
Take note may STUPID na may SILLY pa! Anak ng! Sobra talaga tong babaeng to!
"Anong sabi mo!?" Inis na sabi ko dito ikaw kaya tawagin ng ganun tingnan ko lang kung di ka mainis.
Pero sa halip na sagutin ako nito. binuhusan lang naman ako nito ng Ice tea!
Wahhhh!!!! Bwesit ang lamig at ang lagkit!!
"That's what you get becauae you're shouting the most gorgeous women. Because no one has dare to shout at me." Sabi nito at tumalikod na at umalis ng canteen kasunod ang kanyang dalwang kaibigan.
Kita ko lahat ng mata ay sa akin lang nakatingin kaya di na ako nag dalwang isip na umalis.
Di ko namamalayang kusa na palang lumalaglag ang mga luha sa mata ko.
Ahhh!! Shit! Bakit ako naiyak?
Kasalanan talaga to nang babaeng yun! Napaka sama nang ugali! Pero alam kong may mali din ako!
'Yan kasi eh trip mo palang inisin siya'
Sabi ng walang hiyang kinsensya ko! Oo nga kung di ko nga naman pala ininis yun eh di sana di ako nabuhusan ng Ice tea ng wala sa oras! Anong akala niya sa akin di naliligo?
Pero still wala siyang karapatang buhusan ako!!
I hate her!
I hate you Sabrina Scarlet!!!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sabrina Scarlet Logan on media 😍Thank's for reading!
Please Love&Support-Red ❤