Jasmine's POV
Lakad. Tingin sa kaliwa. Lakad tingin sa kanan. Lakad. I'm sure para na akong tanga dito sa ginagawa ko.
Dahil pag nakita ako ni Bruha. A.K.A Sabrina. Ay tiyak bully na naman ang aabutin ko. Kung hindi madumi ang damit ko dahil sa kakatapon ng kung anek anek na inumin or pagkain na itatapon sa akin. Sinasayang lang nila yung pagkain eh. Wala talagang mga puso yung mga yun! Tas kung hindi yun ang gagawin nila tatakidin ako or babanggain sa balikan or wrost ibabato nila lahat ng makita nila.
Oo nila! Kasi kasama lang naman yung fan's club ni Bruha kaya ang dami nila. Nakakainis na ha! Nagtitimpi lang ako. Lalo ang ang mga kaibigan ko. Dahil alam nila kung anong nangyayari sa akin nagtitimpi lang sila kasi pinakiusapan kong wag silang patulam dahil immature sila. Mga isip bata!
Naalala ko nung unang pag pasok ko sa school pinagbabato na agad nila ako ng itlog at isa sa mukha ko pa talaga. Di alam ni Den yun kasi umuna na siya at nasa gym siya nagprapractice ng basketball.
Oh diba mga walang puso yung mga hinayupak na yun!
Tas biglang lumabas mula sa likuran nila ang reyna ng kadiliman at sinabi pa ang linyang
"That's what you get. Because you mess with The Only One Sabrina. And that is the look of what you did to me. Disgusting! And this is not the end of it. There's more I prepared only for you. Hmm. Well. Welcome to hell"
Yan lang naman ang sinabi nya with her famous smirk at with the hair flip pa ang bruha. Kaya ayon mag iisang linggo na din ako dito sa pambubully niya.
Lintek naman kasi di ko naman talaga sinasadya yun eh. Bakit kasi nangyari pa yun. Ang malas malas ko naman. Bwesit!
Kung di nangyari yun di wala sana ko sa ganitong sitwasyon na para akong tangang may pinagtataguan.
"Uy ano ginagawa mo dito?"
"Ay butiking prinito!" Sabi ko sabay hawak sa puso. Ikaw ba namang bigla na lang maysuslpot sa likuran mo at sabihan ka nun. Napatingin namn ako kung sino yung walang hiyang nanggulat sa akin.
"Anong butiki?" At ayon ang walang hiyang Karrel lang pala.
"Ahh w-wala." Sabi ko na lang nautal pa talaga ako.
"Ohh okay. By the way anong gingawa mo dito sa may puno?" Sabi niya sa akin. 'Eh ano pa di nagtatago sa halimaw mong pinsan' yan sana gusto kong sabihi kaso baka isumbong ako wag na.
Pati alam kong mabait din itong si Karrel pinahiram nga niya ako ng damit dahil din sa kanyang pinsan. And speaking of damit di ko pa pala nabibigay sa kanya yun.
"Ahh ehh. Wala naisipan ko lang na pumunta dito." Sa halip na sagot ko sa kanya.
"Ahh sige. Sabay na tayo papuntang classroom?" Sabi niya sa akin.
"Sige." Simpleng sagot ko na lang sa kanya.
"Hmm. Jas. Ako na ang nag sosorry sa pinaggagawa sayo ni cous ha." Sabi niya sa akin
"Ano ka ba di naman dapat ikaw ang masorry kundi yung halimaw mong pinsan." Sabi ko sabay tawa ng kaunti kasi nakakatawa yung pagsabi ko ng halimaw.
"Haha kaya ka nabubully e. Pero di nga sorry pa din. Sorry kasi wala akong nagagawa sa tuwing binubully ka nya. Binabantaan kasi ako nun e." Sabi niya. Tingnan mo sarili nyang pinsan binabantaan. Wala talagang puso yun.
Nakarating na kami sa classroom habang nagkwekwentohan. Di ko alam pero bigla akong kinabahan sa thought na baka nandyan si Sabrina bruha sa loob ng classroom. Lintik kasi! Bat ba ako kakabaan eh si Sabrina lang naman yun.
Okay kaya mo yan! Aja! Inhale! Exale!
"Oh bat parang namutla ka dyan? Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Karrel.
"O-oo okay lang ako." Sabi ko na medyo nautal pa. Hayss.
Tuluyan na kaming pumasok sa classroom at nagtama agad ang mga mata namin ni bruha. Aba! Naka smirk pa! Sarap nun burahin sa kanyang pag mumukha kahit hot siyang tingnan dun! Wait.. what?
'Hot pala huh' sabi ng bruha kong isip.
Okay di ako nagsabi nun. Ibang jasmine yun!
Umupo na lang ako sa upuan ko. At nakita ko rin naman sina Sophie at Andrei. Na nag chichismisan na naman.
"Uy totoo ba yun?" Tanong sa akin ni Andrei.
Nalilitong umupo ako habang nakatinhin sa kanya kasi di ko naman alam ang sinasabi niya.
"Ang alin?" Sabi ko na lang sa kanila kasi pati si Sophie ay nakikinig na din sa akin.
"Na matagal na ngang may gusto yung kakambal mo kay Sabrina?" Sabi nama ni Sophie habang nakatingin sa kin.
"San nyo naman nalaman yan?" Balik na tanong ko sa kanila
"Duh! Kumakalat na nga. Di mo alam?" Sabi ni Andrei na ang sama ng tinhin sa akin na parang crimen yung hindi ko pagkakaalam sa nalama nila.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Mataray kong sabi sa kanya.
"Nagconfess lang naman ang kakambal mo nunh isang araw kay Sabrina sa may Soccer field. At may pabulaklak pa" kwento ni Sophie
"Talaga? Bat di ko alam yun?" Sabi ko sa kanila na may pagtataka kasi nag sasabi sa akin ang kapatid ko kung gagawa na ba siya ng isang kilos pagdating sa babae at nanghihingi din siya sa akin ng advice para dun.
Kaya nakakapagtaka bakit bigla bigla nalang siyang nag confess kay Sabirna Bruha ng hindi sinasabi sa akin.
"Ewan ko sayo. Ikaw kakambal diyan tas hindi mo alam." Sabi ni Sophie sa akin
"Ano naman ang sabi ni Bru- I mean ni Sabina?" Ayam muntik ko pang masabing bruha.
"Tinanggap niya yung flowers na binigay ni Denver." Sabi ni Andrei
"Yun lang? Walang sinabi?" Tanong ko pa
"Oo yun lang tas sabi eh salamat. Sinabi din ni Sabrin na Study first talaga siya at wala pang balak mag boyfriend" paliwanag ni Sophie sa akin.
"Pero may pahabol ang kakambal mo" dugtong pa ni Sophie
"Ano?" Tanong ko
"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto. Liligawan kita hanggang makuha ko ang matamis mong 'Oo'" sabi ni Sophie.
"Ano!? Sinai niya talaga yun!?" Medyo malakas kong sabi dahil napatingin sa amin ang iba naming kaklase pati na rin si Sabrina na ngayon ay nakataas ang kilay.
'Wow so hot'
'Sabi na eh natamaan ka na sa babaeng yan' sabat ni bruhang utak ko
Hayst. Di ko sinabi yan. Sabi ko hot kasi mainit naman talaga.
Hindi na ako nakatis at naglakad na papunta sa upuan ni Sabrinang bruha
"Ikaw ha! Pinalampas ko lahat ng pambubully mo sa akin! Tas ngayon kapatid ko naman!? Pwede mong gawin sa akin lahat wag mo lamg idadamay ang kapatid ko! Ano bang pinainom o pinakain mo sa kanya at nagustohan ka niya ha!?"
Sigaw ko sa kanya dahil sa mga nalaman ko dahil alam ko naman na pahihirapan niya lang ang kapatid ko kapag naging manliligaw ito ni bruha. At hindi ako papayag doon.
Dahil handa kong isakripisyo ang kung ano mam para sa kapatid ko. Hindi ko siya kayang pabayaan ulit. Kahit ano gagawin ko para lang sa kanya.
Mahal ko siya higit pa sa lahat. Kaya kong mag sakripisyo para sa kanya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thanks for reading hope you enjoy it.
Love&support
Free comment po.
Red. ❤