Chapter 1 - Bar

105 3 0
                                    

Ibinaling ni Nicole ang kaniyang paningin sa paligid. May mga nagsasayawang mga dalaga't binata, nag-iinuman, nagkukwentuhan, nagtatawanan at naglalampungan na kulang na lang ay sigawan sila ng "Get a room!". Malakas na tutugan at usok sa paligid. Ang ganitong eksena ay bago pa lamang sa paningin ni Nicole. Kung hindi siya kinaladkad palabas ng mga kaibigan niya ay hindi siya makakapunta sa bar.

“Loraine.” pagtawag ni Nicole sa pangalan ng kaniyang kaibigan.

Hindi ito lumingon sa kaniya dahil sa malakas na tugtog. Kinalabit ni Nicole ang kaibigan niya dahilan para mapalingon ito sa kaniya at tagumpay naman siya dahil natawag niya ang pansin ng kaniyang kaibigan.

“Okay ka lang ba?” malakas na tanong ni Loraine sa kaniya.
“Medyo. Kung inuman pala hanap mo, eh di doon na lang sana sa bahay. Okay lang naman kay Lola.” sagot naman ni Nicole.
Bahagyang natawa si Loraine. “Ngayon lang naman 'to. Atsaka matagal na rin noong huling punta ko dito. Just enjoy the night, darling.”

Napanguso naman si Nicole at hindi na umimik. Ilang minuto rin silang nagkwentuhan at paminsan minsan ay inaabutan ni Loraine si Nicole ng mga inumin na hindi pamilyar para sa kaniya. Iilan lamang ang alam niyang alak at iyon ay ang mga alak na nabibili sa sari-sari store. First time niya sa ganitong lugar. Kung noon ay sa telebisyon lang niya ito nasisilayan, ngayon ay sa personal na. Salamat sa mayaman niyang kaibigan.
Panay ang tagay ni Nicole sa alak at hindi niya namamalayang namumula na ang kaniyang mukha. Malapit na siyang malasing.

“Hey. Tipsy?” nakangiting tanong ni Loraine sa kaniya.

Napakunot noo si Nicole at naningkit ng bahagya ang kaniyang mga mata. Lumapit siya kay Loraine at sumigaw.

“Ano kamo?”

Napangiwi ang kaibigan niya dahil sa lakas ng boses niya at mukhang nabingi ito. Narinig niya ang malutong na mura ni Loraine at tinakpan ang tainga nito. Natawa na lang siya.

“Nananadya ka ba?” pasigaw na tanong ni Loraine
“Hindi, 'no. Ano ba kasi ang sinabi mo?”
“Lasing ka na ba?”
“Hindi. Bakit?” tanong niya at sumandal sa kaniyang kinauupuan.
“Okay lang bang iwanan muna kita dito o sama ka na lang sa akin sa dance floor?”

Tumingin muna siya sa paligid at ibinalik rin ang paningin sa kaibigan. Ngumiti siya ng sobrang lapad at umiling.

“Okay lang. Magwala ka na diyan para naman mawala 'yang stress mo dahil sa break up niyo ng ex mo.” saad ni Nicole.
Bahagyang tumawa si Loraine. “I hate you.”
“I hate you more kaya alis ka na dito.” pagtataboy niya't ngumisi.

Umalis na rin si Loraine sa kaniyang tabi at tumakbo ito sa dance floor. Hinahayaan na lamang niya ang kaibigan niyang magsaya dahil gustong bawiin ni Nicole ang naubos na lakas ng kaniyang matalik na kaibigan noong nakipaghiwalay ang boyfriend nito kay Loraine. Lagi itong wala sa mood kaya nang yayain siya ni Loraine dito ay pumayag na lamang siya.
Kinuha ni Nicole ang baso ng alak na pinag-iinuman niya at tinitigan ito. Hindi niya alam kung ano tawag dito pero inom lang siya ng inom. Okay lang naman ang lasa pero malakas din pala ang sipa. Maya maya ay nakaramdam siya ng pagtawag ng kalikasan kaya kinailangan niyang iwan ang table nila para tumungo sa CR. Tumingin tingin siya sa paligid at naglakad lakad para hanapin ang comfort room pero bago lang siya dito kaya wala siyang alam.

“Sana pala tinanong ko muna si Loraine.” saad niya sa kaniyang sarili at napakamot sa ulo.

Baka maihi siya sa undies niya at malaking kahihiyan iyon lalo na't dalaga siya. Natataranta na siya dahil tumataas na ang balahibo niya dahil naiihi na talaga siya. Hinanap ng kaniyang mga mata ang kaibigan niyang lukaret pero bigo siya. Masyadong madaming tao ngayong gabi kaya mahihirapan siya sa paghahanap.
Nagulat na lamang siya nang may humawak sa kaniyang braso.

Old Lovers Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon