Chapter 2 - Room

40 1 0
                                    

Nagpaalam muna sandali si Leigh sa mga kaibigan para samahan niya si Nicole na hanapin ang kaibigan nito. Habang naglilibot sa bar ay hindi maiwasang hindi matumba si Nicole dahil nga'y lasing na ang dalaga. Buti na lang at may kasama siya para alalayan siya. Isang gentleman at mabait na kapre. Pagtapos ng ilang oras na pag-ikot at pabalik-balik sa table nila Nicole at ng kaibigan nito ay bigo silang makita ang kaibigan ng dalaga.

“Umalis na kaya 'yon? Iniwan niya ako?” tanong nito kay Leigh.

Nagkibit-balikat na lamang si Leigh. Napatingin siya sa mga mata ng dalaga na ngayon ay mapupingay na. Ngumiti ito sa kaniya.

“Sige. Uwi na ako, Leigh.” paalam niya. “Baka natataranta na ang kaibigan ko kasi hindi niya ako nakita dito at hindi madatnan sa condo niya.”
“Teka. Hindi ka pwedeng umuwi ng ganiyan lalo na at babae ka.“ nag-aalalang saad niya.
“Okay lang ako. Salamat.”
“No. I know you're not okay. Lasing ka na. Ihahatid na lang kita.”
Tumawa ang dalaga. “Huwag na. Ano ka ba?”
“Okay lang. I insist.”

Nguimiti na lamang si Nicole at nagkibit balikat na parang sumuko. Inakay siya ni Leigh palabas ng bar. Hindi na ito nakapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan niya dahil ang kailangan na niyang iuwi ang dalaga. Tumungo sila sa parking lot at hinanap ang kotse niya. Binuksan niya ang tapat ng pinto ng passenger seat at pinapasok ang dalaga doon. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at agad na sumakay sa driver seat. Binuhay na niya ang makina ng kaniyang kotse at pinaandar na.

“Tawagan mo na lang kaya kaibigan mo?” suhestiyon ng gwapong si Leigh.
“Hindi ko nadala cellphone ko.” Patuya itong tumawa. “Engot ko, 'di ba?”

Paano nito mahahanap ang kaibigan nito kung hindi pala niya dala ang cellphone nito? Napabuntong hininga na lamang siya. Ibinaling na lamang niya ang atensyon sa daan dahil mapano pa sila kung sakaling hindi siya nakatingin sa daan. Ilang minuto silang nasa byahe nang may maalala si Leigh.

“Teka. Saan nga pala ang condo...”

Naputol ang gustong itanong ni Leigh nang makita niyang mahimbing ng natutulog si Nicole sa passenger seat. Huminga ng malalim ang binata at walang nagawa kundi iuwi ito sa kanilang bahay at doon na muna panatilihin ngayong gabi.
Sa ilang oras na byahe ay nakarating na sila sa bahay nila. Ipinarke ang sasakyan sa garahe at binuhat ito na animo ay para silang bagong kasal. Walang kamalay malay at mahimbing na natutulog si Nicole samantalang ang binatang si Leigh ay hindi mapakali kung tama ba ang ginagawa nito.
Walang kahirap-hirap niyang kinuha ang susi sa kaniyang bulsa kahit na buhat niya si Nicole at binuksan ang pinto. Tumungo siya sa hagdan para makapasok na agad sa kaniyang kwarto. Habang umaakyat ay hindi maiwasang mapatitig si Leigh sa dalaga. Napangiti siya sa kawalan. Unang pagkakataon lang niyang mag-uwi ng bahay sa kanilang bahay at isang lasing pa. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang mangyayari sa kaniya ngayong gabi.
Dinala niya ang dalaga sa kaniyang kwarto at dahan dahang ibinaba si Nicole sa malambot niyang kama.

“Didn't expect this.” nakangiti niyang saad habang titig na titig sa dalaga.

Tumayo na lamang si Leigh at tumungo sa banyo para maligo. Ilang minuto siyang nagbabad doon upang mahimasmasan kahit paano dahil sa nainom na alak. Nagulat na lamang siya nang makita niya ang dalagang nakaupo sa higaan. Bumaling ang paningin ni Nicole sa kaniya.

“Sino ka?” tanong nito habang ang isang mata ng dalaga ay nakapikit pa. “Pahingi ng tubig.” dagdag niya.

Agad namang tumungo sa kusina si Leigh at binuksan ang ref para kunin ang pitsel. Inilapag na muna niya ang pitsel at kumuha ng baso. Sinalinan niya ito ng tubig at bumalik na rin sa kwarto niya. Ibinigay niya ang tubig kay Nicole at ininom ito.

“Okay ka lang?” tanong niya sa dalaga.

Napalunok siya ng wala sa oras nang bumaling ang paningin ng dalaga sa kaniya at patuloy parin itong umiinom ng tubig. Inilapag nito ang baso sa side table. Maya maya ay napangiwi ang dalaga dahilan para mag-alala siya. Nilapitan niya ito.

Old Lovers Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon