Chapter 4 - BEST

31 0 0
                                    

Nakapatong ang siko ni Nicole sa kaniyang arm chair at nakalumbaba habang nakikinig sa professor na nagpapaliwanag sa harap ng klase. Nakikinig lang siya ngunit hindi niya naiintindihan ang bawat paliwanag ng guro sa harap niya dahil lumilipad ang kaniyang isip. Nakatingin siya sa kaniyang prof pero wala dito ang kaniyang atensyon. Isa sa mga bagay na nagagawa niya minsan kapag may malalim na iniisip.

"Naaalala mo na ba ako?"

Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata sa binatang nakatayo sa kaniyang harap. Siya ba si talaga si Leigh? Ito nga ba ang binatang nagmagandang loob na tulungan siya sa isang manyak na lalaki sa bar? At ito nga ba ang lalaking nagdala sa sa kwartong--.
Agad niyang ipinilig ang kaniyang ulo dahil sa ideyang namuo sa isipan niya. Hindi ito ang tamang oras para isipin 'yan, Nicole. Focus!

"Mukhang hindi mo pa nga ako naaalala." Ngumiti ang binata. "Ako 'yong lalaking nakilala mo sa bar minsan."

Si Leigh nga ang nasa kaniyang harapan ngayon. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Hindi alam kung ano ba dapat ang sasabihin. Kung magpapanggap ba siya dahil hiyang hiya siya rito o umamin na lang na naalala niya talaga ito. Napalunok siya at napahigpit ang hawak sa dala niyang libro. Dear Batman, alam mo na.

"Ah. Oo. N-naaalala na kita." Gusto niya ng tumakbo dahil naiirita na siya malakas na kabog ng kaniyang puso. Ngunit binalewala na lang niya ito. "S-salamat pala sa pagiging mabait sa akin doon sa loob ng bar. Lalo na noong hindi ko na alam ang gagawin ko para makaalis sa manyak na 'yun."

Pilit siyang tumawa para matakpan ang kaba sa kaniyang dibdib.

"Wala 'yon." Sa hindi malamang dahilan ay yumuko ang binata. "At pasensya na sa nangyari noong gabing 'yun."

Natigilan siya sa kaniyang narinig. Ito na nga ang kaniyang kinatatakutan. Ang pangyayaring ayaw niyang alalahanin. Ang insidenteng gusto na niyang burahin kailanman.

"Pasensya na talaga. Hindi ko talaga sinasadya na--."
Bago pa nito dugtungan ay nagsalita na siya. "Ha? Ang alin?" Nice one, Nics! Magpanggap ka na lang na hindi mo naaalala ang parteng iyon.

Umangat ang ulo ni Leigh sa pagkakayuko at kunot-noong tumingin sa kaniya. Tila nagtataka sa naging sagot niya rito at iyon ang inaasahan niya.

"Anong hindi mo sinasadya? May ginawa ka bang mali sa akin?" Inosenteng tanong niya.

Sinimulan niya ang palabas kaya tatapusin niya rin ito. Hindi parin umiimik ang binata habang siya ay palihim na nananalangin na sana ay kagatin ng biktima ang pain niya.

"W-wala naman." Nakahinga siya ng maluwag. "Siguro?"
"Siguro? Ano bang ginawa mo?" Kahit kinakabahan ng sobra ay gusto pa rin niyang malaman ang kasagutan ng binata.
"Kasi. . ." Ilang sandali muna itong tumahimik. Halos murahin na ito ni Nicole dahil sa pangbibitin. "Nagpanggap akong boyfriend mo sa bar. Valid naman siguro 'yong rason ko. Kailangan kong gawin 'yun dahil hindi ka bibitawan ng lalaking may binabalak na masama sa'yo kung hindi ako nagpanggap na pag-aari kita."

Npangiti siya ng wala sa loob nang maalala ang naging pag-uusap nila ni Leigh. Ang bait nito at buti na lang, kumagat siya sa pagpapanggap niya. Nagpaulit ulit ang salitang 'pag-aari kita' sa kaniyang isipan. Ngunit naputol na lamang iyon nang mapansin niyang nakatingin ang prof nila sa kaniya. Ganoon na rin ang mga kaklase niya.

"This is not the right time to daydream, Miss Mercado."
Naptuwid siya ng kaniyang pagkakaupo. "S-sorry po, Sir."
"Mahirap magpaliwanag sa harap niyo kung hindi kayo nakikinig. Nagsasayang ako ng laway sa harap para matuto kayo. Buti nga, hindi ako tulad ng ibang professor diyan na magpapabuklat lang ng libro at aalis na para magself-study kayo." Mahinahon ang pagkakasabi nito ngunit may diin. Tumikhim ito pagtapos at nagpatuloy na lamang sa pagpapaliwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Old Lovers Brought Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon