Chapter 2

141 5 0
                                    

Mukhang mapapasabak na naman ako nito sa awayang ganap. Kaka-kaba

Myel's PoV
Andito ako sa Elite room at hinihintay si Fritz. Madalas ako dito at mag-isa lang, ngayon lang din ako nagdala ng kasama dito. Nagulat ako kasi ang dami na pala ang Elite. Sa batch ko kasi dadalawa lang kami pero iba ang course niya. Pero ngayon, andaming first year.

"Oh Mr. Varelte, welcome back dito sa Elite room. How are you?" Mr. Gino

"Ah sir, ayos naman po ako. Sa totoo po niyan, may kaibigan na po ako" sagot ko

"That's good, maiwan muna kita dito" Mr. Gino

Tumango na lang ako bilang sagot ko. Si Mr. Gino, siya ang teacher na nakakaintindi sa situation ko. As an Elite, minsan lang magkaroon ng ka-close na teacher.

"Oh Mr. Varelte may naghahanap sa iyo" saad ni Mr. Gino

Lumapit ako para tignan kung sino ang naghahanap sa akin. Si Fritz lang pala

"Oh, so Mr. Varelte siya ba yung sinasabi mo?" Mr. Gino

"Ah.. Ah yes sir. Fritz si Mr. Gino pala" saad ko

"Good morning po Mr. Gino" bati ni Fritz

"Good morning din. So Elite ka rin ba?" Mr. Gino

"Ah hindi po, kaibigan ko lang talaga itong si Myel, mabait naman po siya" saad ni Fritz

"Totoo naman yan, kaya lang yung ibang students di na-appreciate yun" Mr. Gino

"Hayaan niyo na lang po yun Sir, ayos naman po ako lalo na ngayon third year na ako" sabi ko

"Good.. Anyway, good luck sa mga klase niyo okay" Mr. Gino

"Thank you sir" Fritz

"Thanks sir.. Tanong lang po, mukhang dumami po ang Elite ngayon, ano pong meron?" saad ko

"Ah, ewan ko ba, pero ang sabi nila sa akin, idol ka daw nila. So hinayaan ko na"Mr. Gino

"Naks naman bro, sikat ka talaga" Fritz sabay tapik sa balikat ko

"Loko ka pero nakakataba po ng puso na malaman yun" sagot ko

"Your welcome Myel, pero invite kita sa Friday, may event kasi dito eh" Mr. Gino

"Sige po sir, makakaasa po kayo" saad ko

"Thank you Myel" Mr. Gino

Tumango na lang ako bilang tugon ko. After nun ay nagtungo na kami ni Fritz sa room namin. Naabutan namin na may prof na at naku, yun ang Calculus professor namin

"Ayun late yung 2 musketeers" rinig kong sabi ni Dave

Naupo na kami ni Fritz sa pwesto namin. Sinundan lang naman kami ng tingin ng prof namin

"Where have you been? Both of you. Please explain Mr. Varelte?" Mr. Rylance

"Ah sir galing po kaming Elite Room tsaka kinausap po ni Mr. Gino" sagot ko

"Okay. Please be sitted" Mr. Rylance

Naupo na ako at nanahimik lang. After ng discussion ay tinawag ako ni Mr. Rylance

"Mr. Varelte, naghahanap kasi ng assistant ang ating guidance office dito sa Department natin, pwede ka ba?" Mr. Rylance

Ha? Bakit ako? Kung sabagay wala naman akong ginagawa.

"Ah sir, may bayad po ba?" birong tanong ko

"Pasaway ka talaga Myel, syempre meron. Then maghanap ka ng kasama mo" Mr. Rylance

Mr.Elite collide into Ms.VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon