Chapter 3 Destruction

99 3 0
                                    

It's better to keep promises than to keep secrets







Myel's PoV
Andito kami ngayon ni Fritz sa room namin at hinihintay ang ang Professor namin sa immersion. Ewan ko ba, third year na kami at may immersion pang nalalaman.

Habang hinihintay ang prof na yun ay lumapit sa amin si Dave

"Well Mr. Elite kung anuman yung sinabi mo sa akin, papatunayan ko sa iyo na makaka-graduate ako" saad niya

"Huwag mong sabihin Dave, gawin mo. At huwag mo rin sa akin patunayan, patunayan mo sa sarili mo" sagot ko

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang collar ng damit ko. Halata niya sa mukha niya ang galit pero ako kalmado lang. Sanay naman na ako makaharap ng ganito eh

"Kailan mo ba ako titigilan? Ha?" galit na tanong niya

"Bakit? May ginagawa ba ako sa iyo? Diba dapat ako nagtatanong niyan" sagot ko

Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa collar ko at tinulak ng malakas kaya napaupo ako sa sahig. Agad din naman akong tinulungang makatayo ni Fritz

"Di pa tayo tapos! Mr. Elite!" saad niya sabay upo sa pwesto niya

Bumalik naman kami ni Fritz sa upuan namin

"Ayos ka lang ba?" alalang tanong ni Fritz

"Ah.. Ayos lang ako" sagot ko

Mga ilang saglit pa ay dumating na ang prof namin sa immersion. Grabe kasi, college na may immersion pa. Pero gusto ko yun, kasi may incentives

"Good morning class. Okay, may sinabi sa akin si Mr. Rylance na si Mr. Varelte at Mr. Nalente ay mag-iimersion sa Guidance Office kasama ng Counsilor of Engineering Department" Prof. Darwil

"And the others, hahayaan ko kayo kung saan niyo gusto mag-immersion. Pero sabihin niyo sa akin kung saan. Pairs ito. Okay. Yun lang" Prof. Darwil

"Bye sir" lahat

Paalis na si Prof. Darwil pero hinabol ko siya

"Ah sir, kailan po ang start ng immersion at ilang hours po yun?" tanong ko

"Ah pwede na magstart bukas at kailangan niyong punuin ang 200 hours" sagot ni Prof. Darwil

"Okay po sir. Thank you po" saad ko

Tumango na lang si Prof
Darwil at tuluyan na ring umalis. Bumalik naman ako sa pwesto kung saan naroon si Fritz

"Pwede na daw tayong magstart bukas for our immersion. At kailangan nating punuin ang 200 hours" saad ko

"Kakaexcite.. Ready na ako for tomorrow" saad ni Fritz

"Oo nga eh.. Salamat nga pala kasi pumayag ka na ikaw ang kasama ko dun sa office bukas" saad ko

"Bro, wala naman akong dahilan para humindi sa iyo. Kaibigan kita kaya sasamahan kita dun" saad ni Fritz

"Salamat" saad ko

Tumango na lang siya sa akin. Ako naman ay nagpatuloy sa ginagawa kong design for the business of my Tito. Pinili niya ako para magdesign nun, nakakahiya naman kung hindi ako pumayag.







Gale's PoV
Andito ako ngayon sa isang abandonadong room at hinihintay yung tatlo dahil may pinatawag ako at itutumba ko.. Ito na naman, mukhang makakasuhan na naman ako nito

"Master dala na namin siya" sigaw ni Morris

Lumingon ako sa kanila at medyo kumunot naman ang noo ko sa nakita ko

Mr.Elite collide into Ms.VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon