Chapter 43 Stalker's Assumption

35 3 0
                                    









Gale's PoV

Andito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa company, nag-out naman na ako at hinihintay si Maxine. Wala gagala na naman kami nitong si Maxine

Habang hinihintay siya ay parang may nakita akong familiar na tao at hindi ako pwedeng magkamali

"Si Myel kaya yun?" out of nowhere na tanong ko sa sarili ko

Mga ilang sandali pa ay pansin ko ang pag-alis ni Myel, kung si Myel nga yun

Wala pa naman si Maxine kaya naman palihim kong sinundan ang lalaki na yun. Magmumukha pa ata akong stalker nito, gusto ko lang namang malaman kung si Myel nga talaga yun

Hindi naman niya nahahalata na sinusundan ko siya dahil sobrang layo ng aming pagitan

Mga ilang sandali pa ay napansin ko ang kanyang paghinto kaya naman agad akong naghanap ng pwedeng pagtaguan pero kita ko pa rin siya

Nilibot ko din ang tingin at street ito malapit sa field ng Tulips

"Ano kayang ginagawa niya dito?" tanong ko sa sarili ko

Hindi nga ako nagkamali, si Myel nga itong lalaki na sinusundan ko. Tayo palang, alam ko ng siya yun

Base sa nakikita ko, may kausap siyang isang lalaki at alam kong Engineer yun base na rin kasi sa damit na suot

"Hoy, sinong sinisilip mo dyan?" tanong ng isang pamilyar na boses

Nagulat man ako pero agad akong umayos ng tayo para kausapin itonh si Maxine

"Wala naman, may napansin ka bang sinisilip ko?" sabi ko at umacting pa na kunwari nga ay may sinisilip

"Aysus, nagmumukha kang stalker Master" saad niya

"Ewan ko sa iyo, ang dami mong napapansin. Pero teka, bakit ngayon ka lang?" sambit ko

"Hindi ko namalayan yung oras Master kaya agad akong nag-out" sagot naman niya

"Kanina pa kita hinihintay eh kaya umalis na ako dun para maggala na" sabi ko naman

"Oh siya tara na Master, sorry po" sambit naman niya

Sinulyapan kong muli ang pigura ni Myel kung siya man yun bago kami umalis ni Maxine pero nanghihila ang ate niyo

Balak naming magpunta ni Maxine sa park para magride sa bike. Sikat kasing puntahan ng mga tao yun dito sa Netherlands bukod sa Tulips

Nang makapunta kami sa park ay agad kaming nanghiram at nagrent ng bike

Nakasakay na ako nun sa bike pero hindi pa rin ako umaalis. Iniisip ko lang kung hindi siguro nangyari sa amin yun ni Myel, siya ang kasama ko dito

Lalala si Gale, ano na naman iniisip mo? Akala ko ba nagmove on ka na

Yan ang nasa isip ko. Naka move-on na nga ba talaga ako? Pero diba hindi lahat, kailangan mong kalimutan

"Master, ano pa hinihintay mo?" tanong ni Maxine

Umayos ako at nagsimulang magpaddle ng bike

"Kaya mo ito Gale! Kaya mo ito" sabi ko sa sarili ko

Sa bawat pagpaddle ko ng bike ay nakangiti lang ako. Sobra kong na-eenjoy ang pagba-bike

After ng biking moment na yun ay nagpahinga kami saglit ni Maxine sa isang bench

"Saya magbike. Master balik tayo dito ah" sabi ni Maxine

Mr.Elite collide into Ms.VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon