Chapter 12

62 3 0
                                    

Anong gagawin mo kung yung taong kinagagalitan mo siya pala ang tunay na magmamahal sa iyo at totoong tatanggap sa kung ano ka talaga?

Kaya ano pang hinihintay mo, bilisan mo baka maunahan ka pa ng iba





Myel's PoV
Bago ako magpunta sa Guidance Office ay dumaan muna ako sa Elite Room. Gusto ko lang dumalaw kasi matagal na akong di nakapunta dito. Last punta ko dito ay yung nagpa-event sila

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay ngumiti na ng napakalaki ang mga 1st year Elite

"Oh Myel, anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Mr. Rylance

"Ah wala naman po Sir. Papunta po ako ng Guidance Office pero dumaan ako saglit rito" sagot ko

Pinatuloy niya ako sa office niya at naupo sa sofa rito

"Kamusta naman? Balita ko you are running for President" Mr. Rylance

"Yes Sir totoo po yun. I decided to run for President para naman mashout-out ng ibang students yung gusto talaga nila" sagot ko

"That's good. Anyway gusto kong yayain dito for my Birthday Celebration sa Monday, ayos lang ba sa iyo?" Mr. Rylance

Muntik ko pang makalimutan yung birthday ni Sir. Buti na lang naipaalala niya sa akin

"Yes Sir.. It's okay for me" sagot ko

"Thank you. You can invite your friend, yung kasama mo dito nung nakaraan" Mr. Rylance

"Okay po Sir.. Sasabihin ko po sa kanya. Thank you po" sabi ko

Mga ilang sandali pa ay nagpaalam na ako sa kanila pati na rin kay Mr. Rylance. Sabi ko babalik na lang kami rito sa Monday to celebrate his 38th Birthday. Oo bata pa si Sir at still single

Papunta na ako ngayon sa Guidance Office nang may narinig ako mula sa mga kapwa ko 3rd year students. Di ko sila kilala dahil iba naman ang course nila sa amin

"Oy, babalik na raw si Jerica kasi tapos na ang duty niya as our janitress" saad nung isang 3rd year student

Huminto ako saglit para pakinggan ang sasabihin nila. Mabuti naman kung makakabalik na siya. Sana naman natuto na siya dahil ayaw mangyari sa kanya yung mangyayari gay kay Dave. Yun kasi ayaw ko sa lahat eh, yung ma-expell sa eskwelehan. Sayang kasi yung oras at yung chance na makapag-aral

"Ganun? Sana di na siya bumalik ano kakatakot kaya siya" saad naman nung isa

"Correct ka dyan girl. Bagay kaya sa mga katulad niya ang manatili sa CR noh to be our janitress dahil sa sobrang sama niya" saad nung isa

Para namang nagpantig ang tainga ko nang marinig ko yun

"Hoy, pakiulit nga yung sinasabi niyo tungkol kay Ms. Gavino?" inis na tanong ko

Hindi ko na kasi napigilan ang sarili kong sagutin sila. Sumusobra na sila

"Oh andito pala yung superhero ni Ms. Gavino" ngising sabi nung isa

"Oo nga. Pero diba tama naman kami na dapat manatili na lang siya sa CR as our janitress" saad naman nung isa

"Hoy naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Janitress? Yan ba ang tingin niyo talaga kay Gale? Ha?" inis na sabi ko

Ngumisi lang naman sila sa akin. Pero sinamaan ko lang sila ng tingin. Sobrang yabang kasi nila

"Bakit? Ano ba dapat ang tingin sa kanya? Mataas? Lodi ng bayan? Hoy baka nakakalimutan mo, marami siyang nasaktan dito" sabi sa akin nung isa

"Hoy ka rin. Alam ko ang tungkol dun pero baka di mo rin alam na hindi lang siya ang nagkasala sa paaralang ito" sabi ko

Totoo naman eh, hindi lang si Gale ang nagkasala sa paaralang ito. Marami pa sila, yung iba na-kick na rito eh. Natigilan naman sila sa sinabi ko

Mr.Elite collide into Ms.VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon