*The Fan Fiction*

220 20 7
                                    

Bago ko gawin ang Journal kong ‘to,   marami akong naiisip na gustong ilagay dito.  Pero nitong mga nakaraang araw kung kelan, may mas maraming oras na ako para magawa ‘yun, hindi ko na tuloy gaanong maisip ang mga bagay na ‘yun, hanggang sa..

..may isang kwento akong nabasa ngayong gabi na sadyang nagpaalala sa akin nito.

..ang isa sa mga pinaka- hindi ko makakalimutang karanasan dito sa Watty.  

..at ang karanasang ito ay totoong masasabi kong, Very Uplifting moment, hindi lang sa parte ko, kundi sa marami rin.

..at ito ang kwento nun : )

***

                Buwan ng Pebrero noon at ang buwan na ‘yun ay masasabi kong kasagsagan ng pagkahilig ko sa pagbabasa ng mga kwento sa Wattpad.  Mayroon akong On-going story na sinusubaybayan at sabik talaga ako noong malaman ang katapusan.

                February 26 ng umaga ng maisipan kong magbukas ng account sa Wattpad at natuwa ako nang malamang naipost na pala ang Epilogue ng kwentong ‘yun.  Umagang-umaga nun at siyempre, fresh na fresh pa ang utak ko nun kaya ang sarap magbasa.

                Okay naman ang mga unang bahagi ng katapusan.  Maraming words of wisdom.  Noong una pa lang, naisip ko na rin na baka hindi maging HAPPY para sa mga Bida ang  katapusan kaya naman, hindi na nga ako gaanong nagulat nang mabasa ko ang mga sumunod na pangyayari.

                At alam niyo? Sobrang bigat nun sa pakiramdam.  Sobrang hindi okay sa pakiramdam nang hindi nagkatuluyan sila Annika at Seven.

                Pagkatapos kong mabasa ‘yun, gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.  Sa mga Wattpad stories kasi, yun ang unang nabasa ko na may Tragic Ending para sa mga bida at masasabi ko na, HINDI PALA TALAGA MAGANDA.

                Noon, as a writer, gusto kong magsulat ng mga kwento na may Tragic Endings.  Iba kasi talaga sa pakiramdam kapag ganun ‘yung nagawa mo, kung ikaw ang manunulat ng kwento.  ‘Yung tipong,  may pabitin effect at hahayaan na lamang ang mga mambabasa na magpatuloy ng kwento sa kanilang imahinasyon.  Ganun.

Subalit..

                Mambabasa ako nung mga panahon na ‘yun eh at iba talaga sa pakiramdam.  Ang bigat-bigat sa dibdib kaya, pagkatapos kong manlumo, naisipan kong gumawa ng kauna-unahan kong Fan Fiction.  At iyon nga ay ang Fan Fiction ko para sa, “I Met a Jerk Whose Name is Seven”.

                Ginawa ko siya para mabawasan ang bigat ng dibdib ko at ipinost sa Wattpad account ko.  Noong una, nagdalawang-isip ako sapagkat, baka, EWAN!

                Dahil sa paggawa ko nun, nabawasan nga ang bigat na naramdaman ko.  Pagkatapos ko siyang ipost, naisipan ko ring burahin siya ulit sapagkat, may pakiramdam ako noon na baka,  EWAN!

*** 

Matapos ang isang araw, mula sa eskwela, excited ako noong magbukas ng account ko.   Noong may mabasa pa lamang ako sa may bandang “What’s Hot” section at sa “What are readers saying”, medyo kinabahan na ako nun >.<

Sa isip ko, hindi kaya?

At hindi nga ako nagkamali : )

Nag-comment na dun ang author ng kwento na si Denny.  Marahil, iyon din ang naging paraan para mabasa ng mga readers niya ang Fan Fiction na ginawa ko.

Marami akong nabasa na Positive Feedbacks.  Nabigla talaga ako nun.  Marami rin ang nag-fan sa akin ng dahil dun.  Marami-rami ring votes ang natanggap ko at higit sa lahat ay ang magagandang mensahe na natanggap ko mula sa readers ko nun.

Baguhan pa lamang ako noon sa Wattpad kaya, napakasarap sa pakiramdam ang makaranas ng ganung appreciation : )

Nalaman ko rin noon na pinost din ‘yun ni Denny sa Facebook Page niya kaya nga, in just few days, naging Thousand reads agad ang Fan Fiction.

Para sa akin, ang naging karanasan ko dahil sa paggawa ko ng Fan Fiction na ‘yun ay isa sa mga pinakamagandang bagay na nangyari sa akin sa Wattpad World : )

Para sa pangkalahatan, ito ang mga rason kung bakit:

*Una, dahil sa katapusan ng “I Met A Jerk whose Name is Seven”, at dahil sa paggawa ko ng Fan Fiction nun, mas na-appreciate ko ang kahalagahan ng Happy Endings sa Kwento.

*Kung baga, as a writer, hindi lang dapat ang sarili mong nararamdaman ang i-consider.  Kinakailangan ding isipin ang mararamdaman ng mga mambabasa na  sadyang tumutok at nag-abang sa updates.

*Pero aminin, kadalasan, ang mga kwentong may Tragic Endings ay ang mga kwentong mas tumatatak sa puso’t isipan natin.  Tama?

*Ang appreciation na natanggap at naramdaman ko dahil sa Fan Fiction na ginawa ko ay totoong mas nag-motivate pa sa akin para magsulat at magshare pa ng kwento dito sa Wattpad.

*Higit sa lahat, ng dahil sa Fan Fiction kong ‘yun, nakilala ko ang maraming tao na ngayon nga, ay napakalapit na sa puso ko : )

At higit sa lahat sa kanila ay ang taong ‘to.

Ang taong pinagdedicatan ko nito : )

Si Candy : )  Or si MsVanillaSweetTooth : )

Isa siya sa pinakatumatak na tao sa akin dito.  Sa kanya ko naramdaman ang to the highest level na suporta mula sa isang reader : )

At very encouraging and sweet words from a Friend : )

Kaya Candy, ilang beses na ba akong nagpasalamat sayo?  At ngayon, gagawin ko ulit ‘to.

 Thank you so much for everything : )  I am blessed to know and to have a friend like you : )

Ate Shiela loves you :*  Ingat palagi :D Mwah:*

***

At sa marami pang nakilala ko ng dahil sa Fan Fiction kong iyon at sadyang nagparamdam sa akin, ng appreciation..

.. mula sa kaibuturan ng aking puso..

“Maraming-maraming Salamat po!”

^_____________________________^

***

Ikaw? Naging reader na rin ba kita nun?  Maraming salamat kung ganun ha?

-Hapcher

August 30, 2012

A Wattpader's JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon