*A Place in Time Fever*

260 22 11
                                    

Matagal ko nang naririnig ang Pangalang Jessica Concha sa ilang kakilala ko at matagal ko na  din namang nababasa ang pangalan niya sa Wattpad subalit, dahil sa hindi niya naman ako reader noon, hindi ko na muna siya pinagtuunan ng pansin.

Hanggang sa..

..May nabasa ako tungkol sa isa sa mga reaction para sa kwento niyang, “A Place in Time”.  Noong una, wala pa akong balak basahin siya sa ngayon sapagkat, marami pa talaga akong ginagawa subalit, sadyang gusto na talaga siguro ng tadhana na ipabasa  iyon sa akin.

Nagkokopya ako noon ng mga inspirational ebooks sa memory card ng roommate ko nang nabasa ko ang title ng kwento.  Dahil sa kasalukyang intrams days naman namin, naisipan ko nang basahin 'yun.  Noong una rin, ang plano ko ay simulan na muna siya subalit..

Sa hindi sinasadyang pangyayari, natuluyan na nga akong napako sa pagkaka-upo habang ang mga mata’y nakatuon sa pagbabasa nung kwento.

Ang planong paunti-unting  pagbabasa nito ay nauwi sa..

..marathon na sinasabi. 

Masyado nang napapalapit sa puso ko ang mga bida lalong-lalo na ang nag-iisang si Terrence Kelvin Quintero.

Ipinapaalala niya kasi sa akin ang aking Forever Duper Crush na si “Natsume”.  Marami silang pagkakapareho kaya marahil, habang binabasa ko ang kwento, kasabay nun ay ang pagkahulog na rin ng puso kay Terrence.

Ni isang Chapter ay wala akong ini-skip sa pagbabasa.  As in, lahat.  ‘yung feeling na, lahat kailangan kong basahin sapagkat, lahat, pakiramdam ko ay importanteng mabasa.  Ganun.

Gustong-gusto ko ang flow ng story lalo pa’t, isa lamang ang nagkukwento.  Ganun kasi ang mga gusto kong tipo ng pagsusulat.  Para sa akin kasi, kung first person point of view ang ginagamit, mas kapani-paniwala kung isa lamang ang nagkukwento.

Hindi ko talaga binasa ang Katapusan unless natapos ko na ang lahat ng Chapters.  Noong una, may hinuha na ako sa magiging ending subalit, gustong-gusto ko pa rin talaga ‘yung basahin at tapusin.

And as I expected..

..sa katapusan, namatay nga si Terrence.  Ang pangyayaring ‘yun ay sadyang dumurog sa puso ko.  Waah >.<  Nakakalungkot talaga siya.  Mahal ko na kasi si Terrence eh.

Ngayon, mas naiintindihan ko na sila (Ang mga Terrence Fanatics)..

Mabuti na lamang at may BOOK 2, na ngayon nga, ay unti-unti ko nang tinatapos hanggang sa huling Update.  Gustong-gusto ko talaga ang twists sa story.  I really Love it!

Dahil sa kwentong ‘to, I am really looking forward to read more of Ate Jessica’s works.

Nabuhay ulit ang puso ko bilang isang Ebook Reader.  A Place in time is one of the BEST.  Pangako.  Masasabi kong, hindi nasayang ang oras ko sa pagbabasa nito dahil worthy itong basahin.

Gusto ko siyang maging Movie o kung hindi naman,  TV series.  Sana, mangyari.

Waah >.<  Ngayon ko lang mas napagtanto na, matagal-tagal na rin pala ang panahon ng huli akong nakapag Ebook Reading Marathon.

Sa kaibigan kong nag-persuade sa akin para basahin ang kwentong ‘yun, Ferlin (MSFER143), thank you!

Ngayon, ipinagmamalaki kong sabihin na..

…I’m already an avid Fan of Ms. Jessica Concha : )

A Wattpader's JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon