I puffed the thin cigarette and sucked the smoke deep into my lungs. I held it in there, trapped in for a few seconds before blowing it in the air. Pinanood ko ang unti-unti nitong paglaho hanggang sa tuluyan nang nawala.
I chuckled lifelessly. Cigarettes always helped me cope. It’s my love, my comfort, my companion, and my consistency.
The ash sprinkled across the glossy tiles when I flicked the filter. It was as if each floating piece were a moment of my life sheared away. I inhaled deeply, letting the smoke seep into my cells. The comfort I ached for had finally returned.
At some certain point in my life, I realized that not everything you want in this world can be yours. No matter how rich and powerful you were, no matter how you can get those things in just a snap of your fingers, mayroon talagang mga bagay na hindi para sa ‘yo.
Just like how I ached for my own freedom. Gaano ko man kagusto mapasaakin iyon, hindi ko magagawa. Oras na ipilit ko ang gusto ko na maging malaya, alam kong masasaktan at masasaktan ko ang kaisa-isang pamilya na natitira sa akin. At ayokong mangyari iyon. Ayoko siyang biguin. Ayoko siyang mawala sa akin.
“Papa, please. Baka puwedeng pag-isipan ninyo muna ito nang mabuti? You can’t decide that fast. This is my life we’re talking about!” I cried frustratingly.
My father was strict just like any father to his daughter. Nakita at nasubaybayan ko kung paano siya naging mahigpit at madisiplina pagdating sa akin. Mama left us since the day she gave birth to me kaya naman hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng may ina sa aking tabi. Ganoon pa man ay hindi ako nagsisisi o naghahanap. Despite of his strict attitude, he still managed to make me feel loved and wanted. Lahat ng bagay at luho ay ibinigay niya sa akin. Hindi siya naghanap ng ibang babae noong mga panahong bata pa siya at may kakayahan pang magpaibig. Na kung gugustuhin naman niya ay magagawa niya.
He poured all his love and attention to me while I grew up. I can still remember when I was a kid, whenever he had business meetings, I would force him to bring me along with him instead of leaving me with a bunch of nannies. Sa huli ay papayag siya. Isasama niya ako sa conference room. Naroon lang ako sa swivel chair, nakakalong sa kanya at tahimik na nakikinig sa kung ano mang pinag-uusapan nila ng mga katrabaho niya. Kahit na alam kong bawal ang bata ay ayos lang. What can they do? My father was their president. What he said goes.
After the meeting, we would go back to his office. Iuupo niya ako sa ibabaw ng table niya at papakainin ng paborito kong fast food habang nakikipagkwentuhan sa akin.
You see? I may not have a mother who will comb and pony my hair throughout my childhood pero mayroon naman akong ama na ginawa ang lahat para lang matutunan ang mga bagay na iyon para sa akin.
He took the sadness away and made me feel that I was complete. Ang presensiya ni papa ay sapat na para maramdaman kong buo ako at wala nang kailangang hanapin pa.
That’s why I made a promise to myself that I’ll do anything that can make him happy. Whatever he asked me, I’d gladly do it.
But not this one. Hindi ko kailanman inasahan na hihilingin niya sa akin ang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal! Ni hindi ko kilala ang lalaking iyon!
“Trina, anak, it’s for your own good. Balang araw ay ikaw ang magmamana ng kumpanya natin. Nag-iisang anak kita, sino ang inaasahan mong magmamana nito maliban sa ‘yo?” papa answered calmly.
Behind those thick eyeglasses, I can still see his wrinkled eyes that looked so alarming even in his old age.
“Pa, I can manage it alone—“
“No, hija. You can’t. You’re too busy managing your own career and I doubt that you’d have the time and strength to handle our own family business all by yourself. That’s why you need Archer. He can help you, us. Kapag naging mag-asawa na kayo at nagsanib-pwersa na ang mga kumpanya natin, mas lalawak ito at mas lalakas pa ang koneksyon natin sa industriya ng konstruksiyon.”
Archer, huh?
I stood still in front of my papa who was sitting on his swivel chair as I stared at him in the eyes. I wanted to ask him if it were connections and wealth that only mattered to him.
Paano naman ako? Ang kalayaan ko bilang isang tao? Did he ever imagine me imprisoning myself into that marriage together with that stranger? Did he even know the man he’s talking about? Baka sa pangalan niya lang din kilala iyon, e!
My eyes shimmered in tears as I looked at my old man. Nakatitig lang din siya sa akin, tinatanya ang bawat reaksyon ko. My lips quivered.
“P-papa…” I begged, my hands balling into fists.
A few seconds passed before he averted his eyes from me and released a sigh. Napatungo siya bago napailing. Hinubad niya ang suot na salamin at ipinatong ito sa study table niya. Slowly, he pulled his body off the chair and made his way towards me.
My insides broke down when he brought his wrinkled hand on my cheek and stroked it gently. Napatungo ako, mas lalong lumakas ang pag-iyak, at wala nang magawa pa.
“I’m sorry, hija. But you have to understand that I’m doing this for you. Masyado na akong matanda para hintayin pa ang pagkakaroon mo ng nobyo. Gusto kong bago ako mawala ay naiayos na kita at ang kumpanya sa mabuting kamay. Don’t worry, Archer is a good man. You will learn to like him for sure.”
Bumigat ang dibdib ko nang bumalik sa alaala ko ang naging usapan namin ni papa may isang linggo na ang nakalilipas. Para gumaan ang pakiramdam ko ay muli akong humithit ng sigarilyo at ibinuga ang usok sa hangin.
Umaasa pa rin akong magbabago ang isip ni papa kahit pa alam kong imposible nang mangyari iyon. Sana, sa kahit na anong paraan, hindi na matuloy ang kung ano mang pinagkasunduan nila.
Sa gitna ng pag-iisip ko, naulinigan ko ang magkakasunod na katok mula sa aking pinto. Without taking my eyes off the nature in front of me, I spoke, “Come in.”
Walang ilang segundo nang lumangitngit ang pintuan. Nanatili akong nakatingin sa malawak na kapatagan na naghahatid sa akin ng kapayapaan sa tuwing pagmamasdan ko ito. Everytime I felt down, dito sa veranda ng kwarto ko ako madalas nagpapalamig at nagpapalipas ng oras.
“Ma’am, pinapatawa na po kayo ng papa ninyo. Nasa ibaba na po ang mga bisita.”
Bumuga ako ng hangin. This was the fuckest day of my life—the day I’m going to meet my damn fiancé. Wasn’t it bullshit?
“Susunod na ako,” I answered lifelessly.
“Sige po.”
Narinig ko ang pagsara ng pinto. I stared at the cigarette between my fingers. It was almost short enough to burn me. With an effort, I leaned sideways and crushed it out on the ashtray.
I stood up and blew a frustrated breath before heading to the doorway.
Sa entrada pa lang ng hagdan ay natanaw ko na si papa. Nakaupo ito sa pandalawang sofa at nakikipagtawanan sa dalawang tao sa harapan niya. Dahil nakatalikod ay hindi ko magawang makita ang mga ito. Sa gilid nila ay naroon naman ang isang lalaki na nakadekwatro habang ang mga siko ay nakatuon sa arm rest ng couch at ang kamay ay magkasalikop sa ibabaw ng kanyang tiyan. Walang emosyon itong nakamasid sa mga nag-uusap.
Napairap ako. He must be that Archer guy my father’s talking about.
Sinadya kong lakasan ang yabag ko sa bawat pagbaba ko sa hagdan. Successfully, nakuha ko ang atensyon nila. Papa was the one who lifted his head. Nang makita niya ay ako ay agad na gumuhit ang ngiti sa labi niya.
“Oh, here’s my daughter! Trinity, come here, hija,” papa said delightfully. Bakas na bakas ang saya sa boses niya.
While he’s happy, here I was, feeling like going into my own place of hell.
I forced a smile and walked towards my old man. Dinaanan ko ang pwesto ni Archer para marating ko ang kinaroroonan ni papa.
“Pa.” I leaned over him and planted a gentle kiss on his cheek. Pagkatapos noon ay naupo na ako sa tabi niya at hinarap ang mga bwisita.
Doon ko nagawang masilayan ang isang mag-asawa na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta pataas na. They’re both smiling genuinely at me. Sa ayos nila ay halatang malaki at mataas ang sinasabi nila sa buhay. Hindi papahuli, halatang palaban.
“Hija, they’re Evangeline and Tyron Ravena, your future in-laws. And this is their son, Archer Ravena, your soon to be husband…”
Gusto kong ngumiwi sa naging paraan ng pagpapakilala ni papa pero dahil alam kong magagalit siya oras na gawin ko iyon ay pinilit ko na lang din ang ngumiti sa mga matatanda sa harapan ko.
“Good afternoon, po. I’m Trinity Velarde,” bati ko sa kanila. Sunod kong binalingan ang walang imik na lalaki sa gilid ko.
Naabutan ko itong nakatitig sa akin. The man, if anything, was fitter looking than I have expected. His face told of a lean body beneath his formal garb and his expression was serious and unkind.
His hair was fixed in a clean cut. He had a set of deep obsidian hooded eyes and an upturned nose. He has a white complexion, bagay na ayaw ko. Ang gusto ko sa lalaki ay moreno. Mayroon din siyang kaunting pilat sa ibaba ng kilay niya, hindi naman pansin pero kung tititigan ay talagang makikita. Gwapo siya kung tutuusin. But he’s not my type. I don’t think he will ever be.
“Good afternoon,” malamig na bati ko sa kanya.
Tumango siya. Malamig din ang pakikitungo sa akin.
“Afternoon.”
“I’m so glad to finally meet you today, Trinity. You’re so pretty! I always see your face in every lifestyle magazine I’ve read, and I want to say that you’re very excellent in your field of work, hija!” agaw ni Mrs. Ravena sa atensyon ko.
I smiled emotionlessly. “Thank you, Ma’am. It’s just that I really love what I am doing.”
“Magaling siya sa larangan ng interior design, Evangeline. Kaya nag-aalala ako na dumating ang panahon na kailanganin niya nang pamahalaan ang kumpanya namin ngunit dahil sa sariling negosyo ay hindi niya ito mapagtutuunan ng pansin. At least now that Archer is here, I don’t need to think about it anymore.” Papa sounded so proud which was then followed by a hearty laugh.
“That’s right, Nestor. Kung tutuusin ay bagay na bagay ang dalawang ito. Parehas na nasa pag-aayos ng gusali ang hilig,” Mr. Ravena butted in.
Tss.
Pilit akong ngumiti.
“Kung hindi mo naitatanong, hija, Ravena’s are known for their world class steels. Sa kanila kumukuha halos lahat ng mga construction company at ang mga kilalang tao sa larangan ng konstruksiyon. Tamang-tama dahil naroon ang linya natin,” sabi sa akin ni papa na hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin.
Huminga ako nang malalim at iginala ang paningin sa kanilang lahat.
“If you don’t mind, can I talk to my future husband alone?” I asked bravely, emphasizing the word husband.
I looked at Archer and found him raising his left thick brow. Agad ko ring inalis ang tingin sa kanya at ibinalik ito sa mga tao sa aking harapan.
Nagkatinginan ang mga matatanda. Sa huli ay nagtanguan din ang mga ito na naging hudyat para tumayo ako.
“Thank you.” I gave Archer a cold glance once again. “Follow me.”
Dumeretso ako sa labas ng bahay, sa bakuran mismo. Agad na tumama ang sikat ng araw sa balat ko ngunit hindi ko iyon ininda. Sinikap kong tumayo roon nang tuwid habang ang mga braso ay pinagkrus sa ibabaw ng dibdib ko.
Hindi ko talaga kaya! Ang simpleng paghaharap pa lang namin at umaktong ayos lang ang nangyayaring pagkakasunduan sa harapan namin ay isa ng malaking kalokohan! I don’t wanna marry him! I don’t want to be his wife! There’s no way I would be happy with him!
Suminghap ako at nagbuga ng mabigat na hangin.
Napabaling ako sa gilid ko nang makita ko si Archer na nakatayo sa tabi ko. Nakatingin ito sa kawalan habang ang mga kamay ay nasa parehong bulsa.
“What do you want to talk about?” malalim ang boses na tanong niya. Ang tono na ginamit niya sa akin ay para bang isa lang akong ordinaryong babae at hindi ang babaeng nais ipagkasundo sa kanya.
Pinagkalas ko ang mga braso ko at matapang siyang hinarap.
“Stop this fucking set up. Ayokong magpakasal sa ‘yo.”
Tumaas ang sulok ng labi niya. “The feeling is mutual.”
Mabilis na guminhawa ang dibdib ko sa naging sagot niya. The feeling was mutual! Ibig sabihin ay ayaw niya ring magpakasal sa akin? Ibig sabihin ay puwede naming sabihin sa bawat magulang namin na hindi kami magpapakasal!
“Ayun naman pala! Sabihin mo sa mga magulang mo na walang matutuloy na kasalan sa pagitan natin!” impit na bulalas ko, frustrated na.
Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. “Why? Mayroon ba akong masasagasaang relasyon kung sakali?”
It took me seconds before I understood what he meant by that.
“I’m too busy for a boyfriend, Mr. Ravena. Kung sa pagnonobyo nga ay wala akong panahon, sa ’yo pa kaya—“
“Don’t worry. I won’t demand anything from you. When we get married, we’re just going to act civil just like any strangers there.”
Bumilis ang paghinga ko. “Wala akong pakialam sa mga gusto mo! Ang gusto ko ang intindihin mo! Sabihin mo sa kanilang hindi tayo magpapakasal—“
“Not going to happen. I have to marry you for the sake of our company. We’re going to benefit from this fixed marriage, Trinity. Believe me. So stop forcing your way out of this trap because you’re bound to be my wife whether you like it or not. End of conversation.”
Pagkasabi niya noon ay tinalikuran niya na ako at makisig na naglakad pabalik ng bahay. Halos magkiskisan ang ngipin ko sa tindi ng galit na nararamdaman. My face heated up and I was like a bomb ready to explode anytime soon.
Ang pag-asa na kanina lang namuo sa dibdib ko ay agad ding naglaho matapos marinig ang naging sagot niya. Ni hindi man lang siya nagdalawang-isip na isagot sa akin iyon. It’s like he has thought about it a long time ago just before he stepped into this house!
Wife my ass! I will never be a good wife to you, Archer. I swear!
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake (Published under Bliss Books)
RomanceInterior designer Trinity Velarde is willing to do everything to make her father happy-even marrying a complete stranger just for his sake. But when love comes knocking at her door, she suddenly finds herself committing a mistake she never thought s...
Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte