Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 9

40.9K 1K 60
                                    


I never expected that our first time to be that intimate would be a damn failure. Napahiya ako, sa sarili ko at maging sa kanya na rin. I felt embarrased at how he rejected me. Kung paano niya sinabing hindi namin puwede gawin iyon, na hindi niya kayang gawin iyon sa akin. The way his cold eyes stared at me the other night, it was like he's telling me that doing it with me feels like he's trapped in a very damned situation.

Nagpupuyos ang kalooban ko. Hindi dahil sa hindi namin natapos ang nasimulan namin. Hell, I never wish it to happen between us in the first place. Heaven knows that I'm not really up for it! I might be responsive to his kisses but that doesn't mean that I'm wishing for it to happen. I was just carried away!

Iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaibang init para sa isang lalaki. Iyon ang unang beses na nahalikan ako ng ganoong kalalim. It's the very first time that someone kissed me on my jaw down my neck. Iba ang pakiramdam na dulot sa akin ng mga halik na iyon ni Archer. I'm not a saint or dense to not feel aroused.

Naiinis ako dahil pinagmukha niya akong tanga. Napahiya ako dahil ako ang dapat na naunang umayaw sa kung ano man ang inumpisahan niyang gawin. Pero hindi, e. He rejected me and acted like doing it with me was fucking disgusting!

"Baka wala lang sa mood, Trina. Nakainom siya kamo, hindi ba? Maybe that's the reason why." Zoe said through our video call.

Tanghali ngayon at magisa lang ako sa unit namin. I am not in the mood to go out and I even think that my whole stay here in this country will be a disaster.

Archer is out. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko tinatanong kung saan siya nagpupunta sa tuwing nawawala siya. I've been more distant to him ever since that thing happen.

Naguusap kami. Isang tanong, isang sagot. Ganoon lang parati. Alam kong napapansin niya ang malamig na pakitungo ko sa kanya. We're not talking about it anymore. I don't think we should be.

"That's the point, Zoe. He's drunk! Men who are drunk got higher percentage of having a strong sexual desire rather than when they're normal! Kaya sabihin mo sa akin kung paanong ganoon ang kinahinatnan namin?"

Mula sa monitor ay nakita ko ang pagangat ng kilay niya, kaakibat noon ay ang seryosong ekpresyon ng maamo niyang mukha.

From the background, I saw Tito Zach walk behind her. He's reading papers between his hands. Sumulyap siya sa monitor at agad rin napahinto. Marahil ay agad niya akong nakilala.

"Hi, Tito!" I waved at him.

Tumungo siya at inakbayan si Zoe. He fixed his eye glasses and moved near the monitor just enough to recognize me clearly.

Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi niya. Kahit may edad na ay hindi pa rin maipagkakaila na maganda siyang lalaki lalo na nung kabataan niya.

Zoe glanced at him and smiled before she transferred her eyes back to me.

"Hi, Trinity. How are you? You looked like you're out of the country, huh?"

Siguro ay dahil sa suot kong makapal na trench coat ay agad niyang nahalata ang kinaroroonan ko. Of course, who would wear a fucking trench coat in a tropical country like Philippines?

"Yes, Tito. I'm in Paris."

"Honeymoon?" he asked. He knows about my marriage with Archer.

Tipid akong ngumiti at tumango na lamang. "Opo,"

He nodded and smiled, too. "That's great! Enjoy your stay there, Trina. Siguradong paguwi niyo dito ay meroon ng laman iyan,"

Nagkatawanan kami ni Tito Zach, pero ang sa akin ay hilaw at pilit lamang. Ngumisi rin si Zoe. Napailing na lang ako dahil alam kong lalo nang imposible ang magkaroon kami ng anak dahil sa nangyari sa pagitan namin.

Beautiful Mistake (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon