1

24 1 0
                                    

"Bye, Nana Ising" Nagpaalam na ako kay Nana saka sumakay sa van na maghahatid sa akin sa school. It was really early. 6:30 pa lang at 7:30 ang simula ng klase ko.

Our subdivision isn't really far from the school that I was attending. It will just took a 15 minutes ride.

When I arrived, nothing really changed. Jocks are running in the hallway na napatigil din sa pagtakbo ng makita ako, they even gave me a shy smile, cute. I smiled back. Mean girls are in the hallway. Nagpapasiklaban na naman siguro sila kung sino ang may pinakamagarang bakasyon noong summer at nagpaparamihan like at followers sa instagram. Hindi naman nakakain ang likes. Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad papasok sa bago kong homeroom.

Wala pang masyadong tao, 6:50 pa naman. I picked the chair beside the window. Our  homeroom is on 3rd floor, kitangkita hanggang dito kung gaano kalaki ang sakop ng eskwelahan. The large field and the buildings of different departments.

I was just staring outside and admiring the view. I love heights. Everything seems so small when your seeing it from above and it really fascinates.

Nagsimula ng magsidatingan ang iba. The whole classroom filled with laughters and catching up talks. Maraming nag out of the country, well kadalasan kasi sa mga mag-aaral dito mayayaman, what do we expect?

Natigil ang lahat ng biglang pumasok si Ms. Suarez. Ang adviser namin ngayon taon. Nagsibalikan na ang iba sa kanilang upuan.

"Good morning grade 10-Lancelot" Ms. Suarez our adviser greeted us.

"Good morning, miss" we replied

Parang hindi pa ata siya dumadating. Hay 7:30 na. Any minute by now magsisimula na ang klase.

Biglang bumukas ang pinto ng room at iniluwa noon ang lalaking hinihintay ko. Kung ano ang nasa 2x2 picture niya ay ganoon din ang mukha niya! Walang halong edit o photoshop! Gwapo talaga siya.

Nag simula ng mag bulong bulongan ang mg kaklase ko lalo na ang mg kababaihan. Litaw na litaw ang mga hagikhik nila kung titigan nila ito akala mo hinuhibaran.

"Oh, you must be the transferee! Please introduce yourself, young man" Ms. Suares noticed him and he smiled back

"I'm Valerian Hosea, please be nice to me!" He smiled widely na mas lalo pang kinahumalingan ng iba. Sino nga naman ba ang di mahuhulog sa ngiti niya?

Kung titingnan mo siya ngayon aakalain mong wala siyang sala at simpleng binata lang na nag transfer. Kung di ko lang siguro nakita yung form niya sigurado akong mapapaniwala niya ako sa acting niya.

"You can sit beside Ms. Trancy at the back" dahil ako lang naman ang nag iisang babaeng nakaupo sa likuran ay agad niya akong nakita

Umupo siya sa tabi ko at agad ko naman siya nilingon. He was staring at me when I looked at him. I gave him a smile, siya naman ay parang nailang sa inakto ko. Do I have something on my face?

"I'm Kyle Eclaire, but everyone calls me Eclaire so you can call me that.." Inilahad ko ang kamay ko na agad niya namang tinanggap habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. He is weird.

"Nice meeting you.." He said in a small voice. He really is weird.

"You don't need to pretend" I smiled again at ikinabago yun ng expresyon ng mukha niya. He seems confused. Parang nagkaroon ng imaginary question mark sa taas ng ulo niya.

"Ha? I'm not faking anything" Binitawan ko na ang kamay niya pero ang mga tingin namin ay nandoon parin

"You're Valerian Hosea. Kicked out thrice because you always make trouble. I know you." Napangiti siya sa sinaad ko. Ano namang ka ngiti-ngiti doon?

Promise me, no promisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon