Chapter 2: "In danger "

24 6 2
                                    

Ian's P.O.V

1 year ago

Isang nakakapagod na araw ulit ang aking nakasalubong... Nagpractice kami para sa aming graduation day na gaganapin na sa susunod na linggo...

Pauwi na ako papunta sa bahay nang nakita ko si Christa sa may eskenita... may mga lalaking nakayuniporme ng katulad ng school namin na nakapaligid sa kaniya parang pinagtritripan yata siya

"Layuan niyo nga ako!" sigaw ni Christa

"Gusto lang naman namin malaman ang pangalan mo ate... So pagbigyan mo na kami" Mas hinarangan pa nung mga lalaki yung daan ni Christa

"Tulong!!" sigaw ni Christa...

Nanindig ang aking dugo at sinugod ko yung mga lalaki. "Hoy! Layuan niyo siya!" sigaw ko sa mga lalaki. Tumingin sila sa akin at binato ko yung bag ko sa mukha nila

"Aba! Sino ka ba ha? Bat ang lakas ng pagmumuka mo na batuhin kami ng bag!" Sigaw sa akin nung lalaki.. Hinawakan niya yung polo ko nung sinubukan ko siyang suntukin... Tinulak niya ako palayo at pinagsasapak sapak at pinagsisipa sipa

Napahawak ako sa ID niya at hinila ito... Sinapak ko yung tiyan nung lalaki at napalayo ko siya sa akin

Tumayo ako pero bigla naman ako hinawakan nung mga kasama niya... Pumapalag ako para makatakas.. Pero kahit anong klaseng palag kong ginagawa hindi ako makatakas.

"Christa takbo!!!" sigaw ko kay Christa... Tumakbo kaagad siya pero hinabol naman siya nung lalaking sumapak at sumipa sa akin kanina...

Sinapak sapak ulit ako nung mga kasama niya...

Takbo lang Christa takbo lang ng mabilis...

Maya Maya nadinig ko yung sigaw ni Christa... Mas lalo akong nagalit at pumalag sa mga lalaking nakapaligid sa akin

Wala na ako pake kung puro sugat at dugo na ako para mailigtas siya... Inabot ko yung kahoy at pinalo sa mga lalaki...

Hinapas ko tuhod yung isa... Sa likod naman yung Isa niyang kasama at sa tiyan naman yung sa isa pa

Nang lahat sila ay napatumba ko na tumakbo ako para hanapin si Christa... Hirap akong tumakbo pero pinipilit ko para maligtas siya

Nakita ko si Christa umiiyak habang may kasamang lalaki pero hindi siya yung lalaking kaninang nanggugulo sa kaniya...

Nakita ko yung kaninang nanggugulo sa kaniya ay nakaluhod sa gitna ng kalye duguuan ang mukha.

Pumunta kaagad ako kay Christa at niyakap siya

"O-okay ka lang ba?" tanong ko... Hindi ko na kayang magsalita dahil sa sobrang sakit ng mga sugat ko at ng mga suntok nila sakin.

"O-oo" sabi niya habang umiiyak

"Wag kayong mag alala tinawag na namin yung guard ng campus para idala sa principal office" sabi nung lalaki sa amin... Nakita ko sa ID niya na siya ay 2nd year high school din.

Binigay ko yung ID nung nanggulo kay Christa sa lalaking tumulong sa kaniya. "Ito yung ID nung lalaki kanina" kinuha niya ito. "2nd year senior high din sila"

"Makakarating ito sa principal wag kayong magalala" sabi niya

"Salamat" sabi ni Christa sa lalaki

"Walang ano man. Ako nga pala si Karl Montes" nakipag shake hands siya kay Christa

"Christa Santiago.... Salamat talaga" sabi ni Christa

~~~~~~

Gabi na at nasa ospital kami ngayon... may 4 stiches ako sa kanang braso ko dahil sa nangyari kanina

Habang si Christa naman ay nasa labas kasama magulang niya

Tumingin ako sa ER... Naalala ko tuloy mga magulang ko.... Jaan sila dinala nung naaksidente sila

Nasa langit na sila at ako nalang ang namumuhay magisa simula nung ako ay 2nd year junior high school student... Tinutulungan nga ako ng tita ko kaso nasa ofw naman siya kasama pamilya niya doon

Si Christa lang ang natatanging tao na pwede kong lapitan

"Ian!" tawag sa akin ng mama ni Christa

Agad-agad akong lumapit sa kanila

"Salamat Ian ha! Salamat sa pagligtas mo sa anak ko" pagpapasalamat sa akin ng mama niya

"Wala po yun.... Sa totoo lang po hindi po talaga ako yung nagligtas sa kaniya isa rin po siyang 2nd year senior high" paliwanag ko

"Pero salamat parin talaga!"

Tumingin sa akin si Christa na maluha luha.... Na trauma siya sa nangyari kanina

May pumaradang taxi sa likod nila at binuksan nila yung pinto nito

"Mauuna na kami Ian, maraming salamat talaga!" paalam sa akin ng mama ni Christa

Uuwi nalang ako magisa. Pumara ako ng taxi at sumakay dito

Sana gumaling na si Christa...

Alam kong mahirap para sa kaniya ang araw na ito

Sana lumipas din ang araw na ito

_END_

Hey guys!
Sorry kung may mga typing error sa story ko.. May problema yata tong key board ko hehe.
BTW...
Maikli ba yung update ko ngayon?
Nagkaroon kasi ako ng sakit nung mga nakaraang linggo kaya hindi ako kaagad nakapag update tsaka konti lng tong update ko ngayon.
But I hope na nagustuhan niyo itong chapter na ito!

Nakamtan ko na din yung isa sa mga pangarap ko!!!!

Ayun ay ang magkaroon ng rank ang story ko!!!

#5 illness

Out of 24 stories!!!

Congrats _OneEyedKing_!!!!!  Im so proud of you!!!!!

And also support YourTalkingAngela she is a friend of mine she's a good author don't forget to read her stories and support her!!!

Please support me by:
Vote
Comment
&
Follow me!!!

_OneEyedKing_

When the Time ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon