Ian's P.O.V
Paauwi na ako habang naglalakad ako may nakikita akong mga magkakaibigan na parang tulad naming dalawa ni Christa
Kelan kaya kami magiging ganun ulit ni Christa... Hayy... Mukang mas gusto niya pang makasama si Kenneth eh
" *cough* *cough* " napatakip ako bibig nang naubo ako
Nakauwi na ako sa bahay. Nilagay ko yung bag ko sa kwarto ko at tinignan mga picture nila mama't papa
Tinext ko si Christa kung nakauwi na ba siya... Hinintay ko yung reply niya kasi alam kong mabilis magreply si Christa, pero ilang minuto na ang lumipas hindi parin siya nagrereply
Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa sala
Kumuha ako ng dalawang pirasong tinapay at palaman
Pagtapos ko itong kainin tinignan ko na ulit yung cellphone ko baka kasi nagreply na si Christa pero hindi parin siya nagrereply
Bakit kaya hindi pa siya nagrereply.
------
Christa's P.O.V
Nasa mall kaming dalawa ni Kenneth bigla niya kasi naisipan na tanungin ako kung saan ko gusto pumunta
Eh naiinip din ako eh kaya sa mall ko gusto pumunta tsaka laking gulat ko na sasamahan parin ako ni Kenneth dito sa mall... AAA kinikilig ako sa kanya ang sweet niya sakin. Ilang oras na kami dito sa mall ni Kenneth
*bzz*bzz*
Nakaramdam ulit ako ng vibration sa cellphone ko
Tinignan ko kung sino nag message sakin nagulat ako ng nakita ko si Ian pala yung nagmemessage sakin kanina pa
Hindi ko kasi pinapansin toh kanina pa eh
"Christa gusto mo bang kumain? Tara kain tayo saan mo gusto libre ko na" nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Kenneth ng ganun. Uminit yung pisnge ko feeling ko tuloy nag bablush ako bigla nalang ako tunalikod at kunware nagisip kung saan pwedeng kumain
"Hmmm... Kahit saan" humarap na ulit ako sa kaniya
"Gusto ko ikaw magisip kung saan tayo kakain" pinapatay na talaga ako ni Kenneth sa kilig
Hmmm... Saan ba pwedeng kumain... First time ko toh eh, isang lalake yayayain akong kumain kung saan ko gusto hindi katulad ni Ian sa tapsihan lang kami kumakain
"Kaso nakakahiya kasi eh kasi gusto kong kumain sa Pizza Hut kaso baka mahal kaya wag nalan---" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang bigla siya nagsalita
"Doon ba gusto mo? Sige ok lang ako na sagot sa pangbayad" habang sinasabi niya yun ngumiti siya sakin
Ang sweet niya naman hindi na ako makatanggi eh gusto ko ng kumain dun kasi eh haha
"S-seryoso? N-nakakahiya Kenneth wag nalang" kunware ayaw ko kasi nahihiya ako hahaha
"Seryoso ako wala ka dapat ikahiya" ngumiti ulit siya AAAA "Halika na?" iniabot niya yung kamay niya sa akin
Hindi ko alam kung hahawakan ko yung kamay niya o hindi eh pero nagulat ako bigla nalang niya ako hinawakan sa kamay at naglakad na kami
Ang sweet niya talaga. Ang lambot lambot ng kamay niya
Nakarating na kami sa kakainan namin at nakahanap narin kami ng bakanteng upuan at dun kami umupo
Iniabot sa amin ng waiter yung menu
Humanap ako ng medjo mura murang mabibili para hindi masyadong nakakahiya kay Kenneth
Sa wakas nakahanap na ako
"Isang Chicken with rice po kuya" sabi ko sa waiter
Isinulat nung waiter sa papel yung order ko
"Teka Christa ayan lang kakainin mo?" tanong sa akin ni Kenneth "Sir padagdag toh sa order niya"
Hindi ko makita yung mga tinuturo ni Kenneth sa menu pero sobrang dami niya yatang inorder
"Kenneth nakakahiya ok na ako dun sa order ko" sabi ko sa kaniya
"Ok lang yun, ako bahala sa bayarin" nginitian niya ulit ako
At umalis na yung waiter sa table namin
"Salamat Kenneth ha" pasasalamat ko sa kaniya
"Ok lang yun, this is my other way for being friends to someone" wala na yata siyang ibang emosyon tuwing magsasalita siya sakin palagi siyang nakangiti
Ilang minuto namin hinintay yung order namin at sa wakas dumating narin
Ang dami niyang inorder grabe! Hindi ko alam kung mauubos ko toh hahaha pero uubusin ko toh kasi minsan lang ako makakain sa ganto
Naalala ko tuloy yung mga panahon na hindi pa namin siya kilala... Palagi lang kaming dalawa ni Ian kumakain sa labas pero hindi dito... Kundi sa tapsihan
Pero ngayon salamat at nakilala din namin si Kenneth hindi ako nagkamali sa naging crush ko
"Kain na tayo" yaya niya sa akin
Kumain na kaming dalawa ni Kenneth
Feeling ko tuloy nagdedate kaming dalawa hahaha
------
Ian's P.O.V
Nakahiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame nag aalala ako kay Christa hindi parin siya nag rereply sa akin eh
Ano kaya ginagawa niya
Sana walang masamang nangyari sa kaniya
Kung may ginagawa man siya ngayon sana masaya siya
_End_
Hey guys!
Sorry for the super late late update
Sorry kung maikli lang yung chapter ngayon...
But I hope you like this ChapterDon't forget to vote, comment!
Ano nararamdaman niyo kay Ian? Icomment na yan hahahaha
_OneEyedKing_
BINABASA MO ANG
When the Time Comes
Teen FictionThe Unrequited Love Disease is a deadly illness where 1out of 10 population of humans died because of this disease. After unwittingly catching the disease, Ian is given the choice to confess his feelings to Christa... or not to tell her and regret i...