Chapter 7: "Argument"

24 2 0
                                    

Ian's P.O.V

Nasa school ako pero hanggang ngayon wala pa si Christa kadalasan kasi mas maaga pa sya dumadating sakin

Maya maya lang nakita ko si Christa kasama si Kenneth

Nagusap pa sila bago siya pumasok dito sa room at umupo sa likod ko

Parang hindi niya yata ako nakikita ah

"*cough* *cough*" napatakip ako ng bibig ng bigla ako naubo kasabay pa ng biglang pagsakit ng aking dibdib

Nakita ko si Christa nakatingin sa akin

"Ian ok ka lang?" tanong niya sa akin pero binalik niya ulit yung tingin niya sa cellphone niya. Ngayon lang ulit kami nagusap ah nung mga nakaraang linggo kasi hindi siya nakikipagusap sa akin

"Oo ok lang ako" hindi na siya sumagot sa akin hindi man lang niya tinanong kung sure ba ako sa sagot ko kasi dati palagi niya sinasabi sa akin yun eh pag nay nararamdaman akong masakit

Bakit nung naging close na sila ni Kenneth ang laki na ng pinagbago niya ilang linggo na kasi silang magkasama eh pero hindi ako nakikisawsaw sa kanila

Namimiss ko na yung dating Christa... Yung Christa na nakakausap ko.. Yung Christa na palagi kong kasama...

Mamaya ko na lang yan isipin kakausapin ko siya mamaya pag lunch na namin

Dumating na yung adviser namin kaya makikinig na muna ako sa kaniya

••••••••••••••

Lunch na namin kaya nagsilabasan na yung mga kaklase namin

Tumayo agad ako at tumingin kay Christa "Pwede ba tayo magusap?"

"Sorry pero magkikita kami ni Kenneth ngayon eh kung gusto mo sumama ka samin" tsk hanggang ba ngayon sila palagi magkasama wala ka na bang time para sa ating pagkakaibigan ha???

"Hindi na ako sasama. Gusto ko lang malaman kayo na ba ni Kenneth?" tumingin sa kanyang paa at ibinalik ang tingin sa akin

"Oo" tsk! Nagtatago ka na pala sa akin ha Christa

Nasaktan ako ng sobra! Nagtatago na siya sa akin ngayon tsaka may feelings ako sa kaniya tas ----- tsk! "Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol diyan ha, Christa???" galit ako sa kaniya ngayon pero pinipigilan kong sumigaw

"Hindi pa ba obvious?" binigyan niya ako ng tingin na parang nagtataka siya sa akin

"Obvious! Pero bakit mo nagawang hindi sabihin sa akin?!" hindi ko na napigilan mapasigaw wala naman ng taong dito sa room kaya hindi toh magiging issue

"Bat ka galit?! Bat parang magulang kita kung makapagsalita ka?!" sumigaw na rin siya sa akin

"Napapansin ko lang kasi na parang hindi mo na ako kaibigan! Alam mo ba kung gaano ako nagalala sayo nung araw na hindi ka nagrereply sa akin! Bawat segundo hinihintay kitang magreply! Alam mo ba kung gaano ako nasaktan ha! Nagtago ka sa akin! Hindi mo na ako napapansin! Hindi na ikaw yung dating Christa na kilala ko!" naramdaman ko na lumuluha na pala ang aking mata

"Bat ka nasasaktan ha?! Bakit ba tayo ba ha! Hindi mo na kailangan magalala sa akin! Hindi mo naman ako anak o ano! Matanda na tayo alam mo yan! Kaya ko na sarili tandaan mo yan! Kaya simula ngayon wag ka ng magalala sa akin!" mas lalo akong nasaktan sa mga sinabi niya hindi ko pinahalata na hinahawakan ko na yung dibdib ko sa sobrang sakit nito medyo nakaramdam ako ng hilo kaya napakapit ako sa upuan

"Christa, magkaibigan tayo, tandaan mo yan nandito parin naman ako ah" hininaan ko na yung boses ko hindi ko na kayang sumigaw sa sobrang sakit ng dibdib at ulo ko

"Pwes! Ngayon hindi na tayo magkaibigan!" umalis na siya sa harap ko at lumabas ng room. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin "pagod na ako Ian! Pagod na ako!"

Nagulat ako sa sinabi niya... Teka totoo ba yung sinabi niya? Teka hindi dapat mangyari yun

Tumulo na yung luha ko at tuluyan ng umiyak. Napakapit ako sa dibdib ko.

Nangagatog kalamnan ko... Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang pangangatog ko

"*cough**cough*" pagubo ko biglang nanlabo ang aking paningin. Tinignan ko yung kamay ko... Teka... D-dugo...

Biglang sumakit ulo at dibdib ko... Ano nangyayari sakin???

Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng room para pumunta sa clinic... Bigla ako nakaramdam ng ngalay sa paa kaya bigla akong na-out of balance... Sinubukan kong gumapang para humingi ng tulong kaso...

"C-christa... S-sorry" biglang nandilim ang paningin ko...

•••••••••••

Sobrang liwanag... Nasan ako?

May nadidinig akong mga ingay...

Onti-onting lumalakas yung sigawan at dahan dahan nawala yung linawag...

Nananaginip ba ako?

Bakit nandto ulit ako?

Nakita ko sarili ko kasama nung mga kaibigan ko dati nung junior high palang ako... Teka... Si Christa ba yun? Nakita ko siya nag-iisa sa gilid

Nakita ko yung mga kaibigan ko iniwan ako at may pinuntahan sila pero nakita ko yung sarili ko tinabihan si Christa... Naaalala ko na... Ito yung araw na nakipag kaibigan ako kay Christa

Sana yung pagsasama namin dati ganun parin hanggang ngayon...

Dahan-dahan dumilim paligid ko... Wala akong makita

••••••••••

Ala-ala lang pala ang lahat ng iyon...

Bigla akong napatayo sa hinihigaan ko... Tumingin ako sa paligid ko. Nasaan ako?

Nakita ko naka-dextrose ako...

"Gising ka na pala" may lumapit sa akin na doctor "kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Ok lang po doc, sino nagdala sa akin dito?" tanong ko sa kanya

"May tumawag sa amin na babae, nakita ka daw niya sa sahig puro dugo ka daw... Natataranta siya habang dinadala ka namin dito"

"Sino po siya doc?"

"Christa ang pangalan niya"

Si Christa...

"May sasabihin ako sayo" umupo si doc sa upuan sa tabi ko "may sakit ka... Bihira lang ang mga tao na nagkakaroon nito... Kung gusto mong mawala ito kailangan mong paghirapan"

"Ano po sakit ko doc?"

"Unrequited Love Disease you only have 2 months Ian... Kaya kung gusto mong mawala ito within 1 month kalimutan mo na siya"

Unrequited love disease??? 2 months????  Teka... Mamamatay ako within 2 months????

_End_

Hey guys!
Sorry for the super late late update
May pinagdadaanan lang ang inyong hari hahahaha
Sorry kung maikli lang yung chapter ngayon...
But I hope you like this Chapter

Don't forget to vote, comment!

_OneEyedKing_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Time ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon